Chapter 6 - "4YH|Star Section "

3 1 0
                                    

[A/n: Hi guyysss.. sorry kung binitin ko kayo sa 3rd year High niya. Kashi.. 3rd year pa siya nung nagsimula yung pagkakacrush niya kay Nicholas.. Anyways. Jump to 4th year na tayo.]

Anica's POV
4th year High school nako!! Tatapusin ko nalang tong year nato at gagraduate nako wooohh! Natapos ang 3rd year high ko na walang ka kwenta-kwenta. Pain ba naman. Di manlang ako nakasali sa field trip lalo na yung prom.. Nakakainggit nga sila eh. Kinapos kasi kami ni ate nun..Kaya ayoko rin namang maging pabigat pa yun sa kanya. Pero masaya rin dahil nagkaroon ako ng kaibigan katulad nila Lizzie,Alexa,Corine at Kathlene .

Simula rin nung araw na nag ka crush ako kay Nicholas.. Lagi ko na siyang iniiwasan. Para di mahalatang crush ko siya.. Naiilang kasi ako sa kanya ng sobra.. At ako lang nakakaalam. Di ko pinagsabihan sila tungkol sa pagkakacrush ko sa kanya.. Mahirap na. Madaldal pa naman si Lizzie. Tapos aasarin lang ako nila Ashlyn at Kiara dun.

Onga pala. May Good News at Bad News ako para sa sarili ko. Unahin ko muna yung good news. Yes!! Nakatop 1 ako nung 3rd year high ko.. At ang bad news.. Lahat ng naka top 1 ay kasali na sa Star Section ng 4thyear high... Which is yung 10-A. Star Section tawag dun kasi pinaka mataas na section at pinaka huling year mo sa high school.Ibig sabihin din nun....

Magiging kaklase ko si Nicholas. Sana naman hinde..Hindi ko na magiging kaklase yung mga BFF ko.. Mamimiss ko sila. Pero magkikita pa naman kami sa school tuwing vacant. Sana may maging kaibigan ako sa Star Section.

First Day of 4th Year High|Star Section...

Ginawa ko na ang daily routine ko bago pumasok sa school... Dahil Star section ako. Kailangan kong maging mas maaga.Di ko na makakasabay sila Ash at Kia.

Nang makadating ako sa school. 6:30am palang. May mga nakita akong  early bird na mga istyudyante tumatambay sa room nila.Agad kong pinuntahan yung room ko nasa 4th floor. Pinaka unang room.Tiningnan ko yung mga pangalang nakalista na nakadikit sa pinto.. Nasa pang huli yung pangalan ko.. 35 kaming lahat 17 girls at 18 boys. Hindi naka lock yung pinto kaya pumasok ako. Pagpasok ko na amaze ako. Ang ganda ng room may Flat screen Tv. Umupo ako sa Front chair. Para mas makaka concentrate ako sa lesson. Nagulat ako ng may marinig akong parang may nahulog banda sa likod.

"M-mmay tao ba diyan?" Nanginginig kong sabi.

Natatakot akong puntahan yung panghuling upuan dahil natatabunan ng mesa at mag isa lang ako sa room.. Pero di ako mapakali.. Pinuntahan ko at sinilip.. Nakita ko isang lalaking istyudyante nakahiga ng padapa sa pinagdikit dikit niyang upuan. At yung narinig kong nahulog ay isang libro. Kinuha ko yung libro at pinatong ko sa mesa. Kinalabit ko siya.

"Huy..!!! Gising!!" Sabi ko habang kinakalabit siya ng paulit-ulit.

Napahikab siya habang tulog  at napaharap sakin..  Nagulat ako at tinakpan ang bibig ko para di siya magising,kasi si... Si Nicholas pala ito. Napalingon lingon ako sa paligid ko.. Baka may taong makakita sakin at sabihin kung ano-ano pinanggagawa ko sa kanya. Kaya agad akong lumabas.. Dumiretso ako sa canteen at tumambay muna..
Hanggang sa mag ring na yung bell para sa flag ceremony.. Kaya nakilinya nako sa line ng 10-A. Pero nasa pang huli ako.. Nakita ko si Nicholas nasa unahan nakalinya.  Halatang kakagising lang.  Magulo yung buhok eh.

Fast forward..

Matapos ang flag ceremony.. Papasok na kami sa kanyakanyang room.
Kasabay naming paakyat ang mga section B. Nalungkot ako nakita ko sina Lizzie... Silang apat. Magkakasama.. Except sakin... Napahiwalay ako sa kanila.. Napalingon naman sa dereksiyon ko si Lizzie kaya Napa kaway siya ng kamay tsaka nagpakita ng sadface kunwari tapos tamawa bigla. Nasa labas na kami ng room namin nakalinya parin.Nang biglang may lumalit saking babae at kinalabit ako.

My School Crush💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon