Anica's POV
Papunta na kami ng school. Kasabay sina Ash,Kia at si Toby. Since nung nagsimula kaming mag usap nag tuloy-tuloy na ito hanggang sa medyo naging close na kami. Shempre madali lang yun. Dahil narin sa past namin.
----
~School..
"Nics,Toby.. Pasok na kami sa room namin ah. " sabi ni Ahshlyn habang nakaakbay Kay Kia.
Tumango lang ako..
"Sige." Sabi naman ni Toby.
Pagpasok namin sa room,marami nang tao. 'Di naman kami late pero bat andaming maagang nagsipasok?' Napakunot naman ang noo ko habang papalakad sa upuan ko. Pano ba naman nasamin yung atensiyon. Nagtatala siguro sila kung bat kami magkasama o magkasabay.Pero di ko nalang pinansin. Nagsiupuan na kami sa kanya-kanya namin upuan. Napatingin naman ako Kay Nicholas. Agad ko rin iniwas ang tingin ko nang makita kong nakatingin din sakin si Sophie. Tinabihan ko si Liana busy sa pag gawa ng assignment. Si Lucy naman wala pa.. Sakto naman at dumating na si Lucy. Kaya tumabi na siya Kay Liana.
"Hala.. Bat ngayon no lang ginawa yan?" Galat na tanong ni Lucy kay Liana nang makita niyang ngayon lang ginawa ni Liana hung assignment niya. Napakunot naman ng noo si Liana at Lumingon Kay Lucy.
"Busy ako kahapon kaya Hindi ko nagawa." Sagot ni Liana habang ako nakatingin lang sa kanila.
"Ahhh. Gusto mo pakopyahin kita?" Sabay ngisi ni Lucy
"Hwag na kaya kona." Pagtatanggi niya
"Bilisan mo nalang Li.. Baka kasi biglang dumating yung teacher." Pakikisali ko sa usapan, napatango naman si Liana at binilisan ang pagsusulat.
"OK class I need a representative here at the board." Nagulat kami nang biglang sumupot ang adviser namin sa harapan kaya tinigil ni Liana ang kanyang pagsusulat at napatingin. Halata sa mukha niyang natapos niya ang assignment niya. Anlaki ng ngiting pinakita sakin eh.
Tumaas ng kamay si Sophie para sa magpresenta sa harapan. Tumango naman si Ma'am kaya pumunta na si Sophie sa harapan.
"Now let's start our election for class officers"
Nagsi-ingay sila dahil sa sinabi ni ma'am na class election.Nagsalita na si Sophie para sa election.
"The nomination is now open for Class President" sabi ni Sophie.
Nagsitaasan naman sila ng kamay.
Sophie's POV
Nilibot ko ang paningin ko at nahuli Kong nakataas ng kamay si William kaya naman pinatayo ko siya.
"I nominate Nicholas Almirez for Class President!" Sigaw ni William sabay hagikhik at napatingin Kay Nico.
Napakunot ang noo ko sa kanya. Bat kasi sa President pa eh reserve na siya para maging Escort ko. Kainis naman si William.. Napairap ako sa hanging at sinulat ang pangalan ni Nico sa board. Sunod Kong tinawag ay si Trixie.
"I nominate Zoey for Class President"
Maya-maya ay tumayo si William at sumigaw ng..
"I want yo close the Nomination...!! "
Nagsigawan naman ang ibang kaklase namin..
"Sige close na nayan!"
"Vote na agad!!"
Napalingon ako sa adviser namin na busy kakasulat sa class record.
BINABASA MO ANG
My School Crush💕
Teen FictionTungkol ito sa buhay ni Anica Jade Villiamor. Sa dinami-dami ba naman ng naging crush niya ay meron siyang mas kinaiinlaban at yun ay ang First Love niya. Umasa siya dahil akala niya may pagasa siya sa first love niya. Ngunit siya'y nabigo't nasakt...