Chapter 5 - "Crush feels?"

15 1 0
                                    

United Nation A.P Month.

Anica's POV
Nakakatamad pumasok. Wala namang gagawin dun kundi puro program. Walang klase.. Tapos manonood ng united nation. Ang aga ko nagising kaya nag online muna ako.

🔵BestfriendSquad💕
Active now.

LizzieCute💝 : Guyss papasok ba kayo?

GandaNiKathlene💖: Parang ayoko.. Nakakatamad.

SexyCorine💋:Oo naman papasok ako. Pumasok kana Kath.

AstigNiAlexa💪: Siyempre naman papasok ako. Ako pa bah?.

AstigNiAlexa💪:Hoy pumasok ka Kathleen baka gusto mong bugbugin kita.

Anica is Typing ....

Anica is Typing....

SimpleAnica💕: Sige, papasok na ngarin ako.

GandaNiKathlene💖:Sige na nga papasok nako.

LizzieCute💝: Nice. Sige maliligo nako. Seeyah sa school.

AstigNiAlexa💪:Geh.

GandaNiKathlene💖:Hmm.

SexyCorine💋:Geshi

SimpleAnica💕:OK .

Logged Out.

Naligo narin ako tapos nag bihis ,nag toothbrush, tapos nag almusal.Nagpaalam muna ako Kay Ate Amber bago lumabas ng bahay.

Paglabas ko ng bahay sakto lumabas narin sina Kiara tsaka Ashlyn paalis narin sila papuntang school.

"Uy Sakto ah .. Sabay na tayong tato." Sabi ni Kiara habang inaayos ang uniform niya.

"Oo nga. Tara na baka malate pa tayo... " sabi naman ni Ashlyn habang nagsusuklay ng buhok. Tumango naman ako't naki sabay sa kanila.

Habang nakasakay kami sa Tricycle..

"Uy Kia, kilala mo si Elaijah? Kaklase ko sha." Tanong ni Ashlyn kay Kiara. Napaisip naman si Kiara at huminde sa tanong ni Ashlyn.

"Ikaw Nics? Kilala mo bah?"

"Di eh, bakit? Ano meron sa kanya? " sagot ko sa kanya.

"Wala lang.. May crush kasi siya sakin tapos.." Habang nagsasalita si Ashlyn naki sabat naman si Kiara.

"Tapos Crush mo rin sha..?? Ayiiee lumalablayp si Atihh"... Kinikilig na sabi ni Kiara.

" Baliw,Hindi... Ano kasi.. Oo.. May crush rin ako sa kanya pero di pako ready.. Anong gagawin ko?".. Nalulungkot na sabi ni Ashlyn.

"Hay nako.. Ambabata nyo pa para magka jowa, OK na hanggang crush lang muna kayo. Puppy love lang yan kaya wag magmadali." Pag aadvice ko sa kanya.

Nakayuko lang siya. At nagbuntong hininga.

Nang makadating kami sa school ay nagsipila na ang mga candidate para parade ng United Nation. Dali-dali naman akong umakyat sa room namin kasabay ko sina Kiara at Ashlyn since magkakatabi lang naman room namin.

Pagdating ko sa room kakaonti palang ang tao kasama na sila Lizzie dito. Siguro tinamad rin silang pumasok. Hayyz dapat di na rin ako pumasok. Nakakatamad talaga kasi pag program lang buong mag hapon. Umupo ako sa upuan ko saka nilapag yung bag.

"Liz,Ano oras mag iistart yung program?" Tanong ko kay Lizzie habang siya nakikipagdaldalan kina Alexa at Corine.

"Ah? Eh? Mga 8 atah. Kasi diba may parade pa?." Sagot naman sakin ni Lizzie.

My School Crush💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon