Chapter 8 - "The Hate"

4 1 0
                                    

[📷⬆ Sophie and Liana]

Sophie's POV

Hanggang ngayon.. Naiinis ako.. Pagkakataon kona kanina para magpakitang gilas kay Nicholas. Epal kasi eh... Bat si Anica pa tinawag ni ma'am.? I don't like her. Ewan ko ba. Basta naiinis ako ng sobra sa kanya. Kung di niya lang friend o kilala si Liana. Malamang kasama siya sa hate list ko. Well di ko pa naman siya gaano ka kilala kaya baka magkakasundo pa kami. Tiningnan ko si William .. Halatang busy kakakinig sa lesson. Napalingon naman ako kay Soren na nagsusulat sa desk gamit ng ballpen. Napatingin din ako sa gawi ni Nicholas. He's still handsome as he is. Ansarap niya titigan. Pero nabaling ang atension ko kay Soren at kinausap ko siya.

"Umm. Soren.. " pananapik ko sa kanyang balikat .

"Oh?" Lumingon naman siya at tinigil ang ginagawa niya.

"Nagelect naba kayo ng class officers?"..

" Di pa naman.. Bakit anong gusto mong position? "

"Gusto ko sana Muse . hehehe" pagpapacute ko sa kanya.

"Eh, halata namang ikaw mananalo dun." Pagtataas niya ng kilay.

"Oo nga. Si Nico nalang yung escort.. Wag na ikaw."

Kasi palaging nalang escort si Soren.

"Hahaha, wala akong magagawa dun kasi talaga namang gwapo ako kesa kay Nico.. At isa pa ayaw ni Nico magkaroon ng position sa classroom." At nagsulat ulit sa desk.

"Hmm.. Ewan ko sayo" pagsusungit ko. At nakinig na sa lesson.

××××××

Nicholas POV
Vacant na ngayon at nandito ako sa Library upang magbasa ng kung ano-ano. Ayokong kumain dahil makakasabay ko lang si Sophie. Onti lang ang tao dito sa Library kaya tahimik masyado. Maririnig mo lang ang bawat pahina ng libro. Ang binabasa kong libro ay about sa Astronomy's..  Nakita kong papasok dito si Anica dala-dala ang walong malaking libro na halos matabunan na ang bibig niya.. Kanina ko lang nalaman ang pangalan niya. Nung nagpakilala siya kay Sophie. Inutusan atah siya ng teacher. Pero bat sa babae pa pinabuhat ang mga librong yan? Nahihirapan siya sa pagbukas ng pinto kaya tumayo nako para tulungan siya.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang limang libro.

"S-s-salamat." Wika niya. Habang nakatitig sakin.

"San ba'to ilalagay?" Tanong ko.

"Ah.. Dun..! Dun sa counter." Sabay nguso sa counter ng library.

Pinuntahan namin yung counter at sabay nilapag ang libro.

"Salamat ulit." Bulong niya.

"Dapat pinabigay mo nalang sa kung sinong lalaking kaklase natin ang inutos sayo kung di mo naman kaya."

"Ahh kasi... Di kopa sila gaanong kilala para ipasa ko sa kanila ang inutos sakin."

"Ah.. " bigla akong natawa sa sinabi niya. Ewan ko ba.

"Kung ganon.. Sa susunod na utusan ka ng ganyan sabihan moko para matulungan kita ulit."

Nakatitiglang siya sakin .Unti-unting lumabas ang ngiti sa kanyang labi. At bigla nalang iyon napawi na para bang nagising siya sa imahinasyon niya.

"Ah.. Sige.. Salamat".. Payuko niyang sabi.

Tumango lang ako.

"Sige alis nako. Nga pala hinahanap ka nila William." Pasabi niya at tumango ako ulit saka siya umalis.

Kaya umalis narin ako para hanapin sila William.

Sophie's POV
Umorder ako ng dalawang ulam na may kanin at drinks para samin ni Nico. At nilapag ko muna sa mesa. Dahil andito naman sila Liana.Alam kong nasa Library ngayon si Nico kaya pumunta ako yayain siyang kumain. Nasa pintuan nako ng library napahawak ako sa pinto . Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tinutulungan ni Nico magbuhat ng libro si Anica. Tapos tumatawa si Nico? Close ba sila? Di naman ganyan si Nico ah? Sa amin niya lang ginagawa yan.. Tapos nagkakatitigan pa sila. Nakakainis na yang Anica'ng yan.. Nakakalawa na siya. Napahigpit na lamang ang kapit ko sa pinto Sa sobrang inis.

"Soph--" biglang lumitaw sa tabi ko si Liana at natigil ang sinasabi niya nang makita niya silang dalawa ni Nico at Anica.

"Kailan pa naging close si Anica at Nico?" Bulong ko kay Liana.  Hindi siya naka sagot kaya agad akong umalis sa kinatatayuan ko. Tumakbo ako papuntang cr.

The way Nico look at her... Parang may iba akong nararamdaman.

Napatingin ako sa reflection ko sa salamin. I can't believe it. I really hate her now .Parang gusto kong mag wala kaso masisira lamang beauty ko .

Pumunta ako sa canteen at expected ko nang kumakain si Lucy na katabi si William at Sa harapan naman nila si Soren. Inalis ko ang inis sa mukha ko. Nagpakita ako ng mala smiling face sa mukha ko.

"Oh Sophie kumain kana." Sabi ni William..

"Onga." Habang ngumunguya si Lucy.

Tumango lang ako't naglabas ng pekeng ngiti. Tumabi kay Soren. Habang kain siya ng kain. Nagsimula akong kumain. Napatingin ako sa pagkaing binili ko para kay Nico.. Biglang lumitaw ang mga ala-ala sa isip ko. Kung paano kami nag break. Siguro kung Hindi ako tumuloy sa pangarap ko.. Siguro.. Maayos pa kami ni Nico. Hindi niyako iniiwasan. Hindi niya ko nilalayuan. Pero Hindi ako susuko. Babawiin ko siya. Alam kong mahal niya pa ako.Sana nga mahal niya pa ako. Kung hinde.... Ipaparamdam ko ulit sa kanya iyon.

"Sophie??"

Bigla namang lumabas sa pinto ng canteen si Liana.. At lumingon sakin. Halata ang pag aalala sa mukha niya. Lumapit siya sa table kung saan kami kumakain.

"Yes Liana? " Nakangiti kong sabi.

Bakas parin sa mukha niya ang pagalala. Ang swerte ko nga naman talaga dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Liana. Lagi siyang nariyan para sakin. At ganun narin ako para sa kanya.

"Kumain kana Li.. Mag riring na ang bell para sa next subject mamaya." Inabot ko ang pagkain na dapat ay kai Nico.

Tumango lang siya't nakitabi sakin. Saka siya nagsimulang kumain.

Mayat-maya pa biglang dumating si Anica. Kasunod si Nico..

"Uy.. Bro... Anica... Sabay na kayo samin kumain." Napasigaw ng onti si William kahit may laman pang kanina yung bibig niya. Naki upo naman si  Anica katabi si Lucy at.. At.... Tumabi si Nico kay Anica? Oo nga pala ayaw akong tabihan ni Nico. Abah?! Nakakatatlo na siya ah. Di kona kaya. Napahinto ako sa pagkain at tumayo.

"Busog nako.. Kaya mauna nako sa room." Kalmado kong sabi. At agad na umalis.

Anica's POV
"Anong problema nun? Kaka kain niya palang busog agad?" Tanong ni Lucy habang kumakain.

"W-wala. Baka namang busog na siya talaga." Sagot ni Liana. Nakatingin parin sa dereksyon ni  Sophie. Halata sa mukha niyang nagaalala siya. Bakit kaya?

Pero di parin ako makapaniwala kanina. Hanggang ngayon.. Pabo ba naman. Si Nicholas tinulungan niyako kanina. Tapos nagkatitigan pa kami. Tapos ngayon magkatabi kaming kumain? Mukhang maaga ata akong mamamatay. Huhuhu grabi.. Yung heart ko.. Di kona kaya. Parang sasabog na..

Napatingin ako kay Nicholas. Para bang lumiliwanag ang mukha niya. Nakakasilaw.

Ikaw ang dahilan ng pagtibok ng puso kong ito. Kung wala ka. Di ako mabubuhay. Sa bawat araw na nakikita kita... Mas lalo akong sinisigla at ganahan pang pumunta sa school. Kung panaginip ka lang? Ayoko nang magising sa napakagandang panaginip na ito....

Napalingon ako sa pagkain at kumain pa ng kumain.

End of the Chapter.

My School Crush💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon