Kiara's POV
Paakyat ako ngayon sa 3rdfloor, galing kase ako sa labas namili ng pang almusal. Maaga kasi akong nagising para pumasok sa school. Paakyat palang ako bumungad na agad saakin ang ulo ni Anica sa pinto nila na pasilip silip sa labas. Kaya nag dahan dahan ako umakyat. Dahan dahan rin siyang lumabas sa kwato nila. Kaya nang maka akyat ako lumapit ako sa kanya at ginulat siya.
"HUYY!!!"
Napatalon naman siya sa gulat at pinampapalo ako sa braso.
"Baliw ka hah? Kung Saan-saan ka nalang sumusulpot."
"Baket bah? Ang aga mo ngayon ah? Papasok kana sa school? 6:13am palang ah."
"Naman.. Early bird ako eh." Sabi niya.
"Early bird no diyan.Eh dati lagi ka naman late." Sumandal ako sa pintuan ng room#4 magkatabi lang kasi sa room nila Anica. Pagsandal ko.. Aksidente naman itong nabuksan. Kaya agad kong hinarap ang bukas na pinto..
"Hala? Bukas? Hindi manlang bakalock." Pagtataka Kong sabi.
"Mauna nako sa school..!!!" Sabi ni Anica.
Sinirado kona ang pinto pagharap ko Kay Anica wala na siya..
"Huh? Asan na yung babaeng yun?" Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya..
"Baliw talaga..."
Anica's POV
Maaga akong pumasok ngayon sa school.. Di dahil sa excited kundi dahil sa ayokong makita ako ni Toby.. OK lang sakin kahit araw araw Kong gawin yun o kahit di nako lumabas ng bahay. Di ko talaga alam kung pano ko siya haharapin. Sobrang awkward..
Pagpasok ko sa room wala akong maaninag na kahit isang tao.
"Sirado mo yung pinto!!"
'Sino yun?' Lumapit ako sa upuan banda sa likod kung Saan narinig ko ang sigaw. Pinagdudugtong na naman yung upuan.Kaya mukhang alam kona kung sino. Sinilip ko kung sinong nakahiga sa upuan.. Tama ngako.. Si Nicholas nga.. Nakapikit siya. Siguro natutulog.. Tinitigan ko muna siya.. Ang gwapo niya talaga...
"Anong ginagawa mo?" Sinabi niya pero nakapikit parin siya.Nagulat naman ako dun. Akala ko pa naman tulog siya.
"AHH.. W-wala. Ikaw pala Nicholas.. Kala ko kung sino... Bat ka ba natutulog diyan? Lagi mo bang ginagawa yan?" Nahihiya Kong sabi sa kanya.
Binuksan niya ang mga mata niya. Tinitigan niyako. Saka siya tumayo.
"Wala kang pakealam." Cold niyang sabi.
Parang nung nakaraan ambait niya sakin tapos ngayon suplado. Napalunok nalang ako. Tumalikod naman siya at dirediretso palabas sa room.'Badmood ba siya?' Naiwan tuloy ako sa room ng mag isa. Kaya kumuha nalang ako ng walis tambo para maglinis.
~~~~~
Matapos ang flag ceremony umakyat na kami sa room. Pero wala pa yung teacher. Kaya naman maingay ang room.
Kausap ko ngayon si Lucy at Liana. Si Sophie naman nakikipag daldalan kila William. Napapansin ko nga eh.. Hindi nako pinapansin ni Sophie.. May nagawa kaya akong masama sa kanya? Sana naman wala.
Natigil kami sa mga gawi naming nang pumasok ang adviser namin. Tatayo na sana kami para batiin siya pero nagrefuse siya.
"Class I would like you all yo meet our new transferee from MHS-.."
MHS? Parang alam ko ang school na Yan ah.
"Pumasok kana iho and please introduced yourself." Sabi ni ma'am habang sinesenyasan na pumasok yung transferee sa room.
BINABASA MO ANG
My School Crush💕
Novela JuvenilTungkol ito sa buhay ni Anica Jade Villiamor. Sa dinami-dami ba naman ng naging crush niya ay meron siyang mas kinaiinlaban at yun ay ang First Love niya. Umasa siya dahil akala niya may pagasa siya sa first love niya. Ngunit siya'y nabigo't nasakt...