[📷⬆: Anica]
No one's POV
School days nanaman. New School,New Teacher, New Room New Classmates, New Friends at shyempre di mawawala ang new Crush. Ang makikilala nyo ay ang babaeng maraming crush sa Mundo este sa School lang. So eto na siya. Siya si Anica Jade Villamor 3rd Year High School na siya ngayon. Lumipat siya ng school dahil sa Seoul na sila magaaral kasama ang Ate nyang si Amber.Galing silang Manila. Siyempre pag lumipat ka ng school diba mamimiss mo mga kaibigan mo sa dati mong school lalo na yung naging crush mo doon. So si Anica ay mabait naman, sa sobrang bait Hindi Yan nagmumura (bad kasi yun XD) mukha lang daw maldita.Maganda na may pagkacute kaso di siya naniniwala,Matalino,Talented pero shy type halos di nagsasalita pag feel nyang O-OP, walang confidence sa sarili. Pero sobrang makulit tsaka maharot pag nakilala mona at di naman masyadong friendly pinipili nya lang talaga yung totoo (Ganun din ako eh XD) Masaya siya pag kasama mga kaibigan nya pero mas masaya siya pag nakita nya mga crush nya XD . Meron siyang pinagkakatiwalaang mga kaibigan Bestfriend na parang kapatid nya na dahil magkapitbahay lang naman sila sa iisang apartment halos araw araw nagkikita. Si Ashlyn na medyo tanga tanga pero funny at masayahin.Maganda,Kulay pula ang buhok, pwede naman daw ang may kulay and buhok sa school nila higit sa lahat sexy daw sha. Si Kiara na adik sa Gadget bibitawan lang yung gadget pag lowbat na. Cute daw sha sobra,Rich kid yan eh (sila Ashlyn at Anica kasi may kaya lang) may bagkabaliw din. So yan muna ang mga ipapakilala ko.. Makikilala nyo pa yung iba.
Anica's POV
"Aughh" (habang nagiistretching bagong gising)
anong oras na? (tiningnan ang orasan) hayyz 5:00 am na. 7:00am pa naman ang klase pero kailangan Kong maging maaga sa first day of 3rd year ko. Nakakatamad pero gora lang. Nag almusal muna ako bago maligo. After 30 mins. Tapos nako maligo nagbihis tooth brush ayun pagkatapos ulit ng 30 mins. tapos narin ready nako papuntang school . Sabay kami nila Ashlyn at Kiara , well parepareho kaming 3rd year high. Buti na ngalang pina enroll ako ni Ate sa Seoul High School nila eh.Public sya pero ok lang di naman ako maarte sa school. Kaso lang hindi kami magkaklase Section B ako, si Ashlyn Section C, samantalang si Kiara Section D. Saklap diba?? so ayun nanga hinatid kaming tatlo ni Ate Amber sa Seoul High School. 10mins. Nang makadating sa school. 6:15 am na.
"Oh sha sige maiwan kona kayo dito.. Goodluck sa first day nyo hah. Lalo na ikaw Anica" Sabi ni Ate Amber. Saba tumango kaming tatlo
"opo ate ingat ka bye" tapos umalis na siya.
Papasok na kami mula sa gate. Grabe ang laki ng school (natural public eh XD) pag pasok namin nakapila lahat ng mga istyudyante. May flag ceremony pa pala. Pero tuwing lunes lang naman daw to.
"Uy, punta nako sa line ng section ko" sabi ni Ashlyn.
"Ako rin, bye" sabi ni Kiara.
" Sige bye" sabi ko.
Umalis na sila tapos naiwan ako sa gilid, nakatayo. Ayokong pumunta sa line ng section naming nahihiya ako. Mamaya pagkatapos ng ceremony sabay nalang ako akyat sa mga istyudyante tapos puntahan ko room ko.
Matapos ang flag ceremony sumabay agad ako sa mga istyudyante by line at by section pa. Bahala na mga basta maka akyat lang ako. NASA 3rd floor kasi room ng 3rd year high since section B ako room 102 ako. Buti nalang magkakatabi ang mga room ng section A-G . Nakapunta nako sa harap ng room ko tapos nakalinya naman ung mga pumapasok sa room naming tapos nakatingin pa sila sakin. Sila ata mga kaklase ko. Nahihiya talaga akong pumasok kaya istambay muna ako sa labas habang nakatingin sa room na parang timang. Hanggang sa napansin ako ng teacher.
" Ikaw ba yung transferee? 3rd year section B?"
Tumango lang ako .
"Pasok kana dito" .
Tapos pumasok ako. Nakatingin lahat ng mga istyudyante sakin . Nakita kong may bakante sa likod na upuan kaya yumuko ako papunta doon saka lagay ng bag. Tiningnan ako nung babaeng katabi ko. Cute sha, napakaamo ng mukha mukhang masayahin tapos parang ung age niya 13 . Sabay tanong
" Anong pangalan mo?".
"Anica.."
Sa sobrang hina ng Boses ko,di naman siguro masyadong mahina talaga di nya siguro narinig. Nahihiya kasi ako.
"Huh? Ako name mo???".
" Anica Jade Villamor" .
"Ahhh" sabi nya.
Bago ko pa tanungin pangalan nya nagsalita na agad ung teacher.
"Ok, people, students stand up! Joshua lead the prayer."
"Sinong Joshua ma'am?" Sigaw nung dalawang lalake.
Marami atang Joshua dito tapos tinuro ni ma'am yung lalaki pero parang bakla kumilos. Pagkatapos mag pray akala ko may introduction pako. Buti nalang wala. So ayun start na ang klase. English pala unang subject. Habang nagtuturo si ma'am nakipag usap ako sa kumausap sakin kanina. Medyo masaya nako kasi may makakausap nako hihihi. Kinalabit ko siya. Lumingon naman siya.
" Ano nga pala pangalan mo? "..
"Lizzie nga pala".
Tapos nun pinakilala nyako sa mga kaibigan nya. Sina Kathlene, Corine tsaka Alexa. Masaya nako kasi may mga kaibigan nako.
"Sabay tayo lunch mamaya ah". Tumango naman ako..
Pagkatapos ng 4 subject class. lunch time vacant na.
Sumabay nako sa mga kaklase ko. Kasi alam kong may mga kasabay din sila Ashlyn tsaka Kiara. Papunta kami sa canteen ng bigla nalang...
"Omaygaaahhdd!!!" sabi ni Lizzie sabay takbo papuntang Cr.
"Hay naku. Ayan na nanaman siya" sabi ni Alexa.
"Huh? Ano ba meron? Bat siya tumakbo bigla-bigla? ".
"Dumaan kasi crush niyang 4th year si Daniel" sabi ni Kathlene.
"Ah? Saan?" .
"Ayun oh." Sabay nguso ni Corine sa lalaking maputi at matangkad.
Ahh kaya pala . pogi eh XD.
"Tara na kain na tayo hayaan nyo na si Lizzie. Gutom nako eh. Antayin nalang natin siya sa upuan". Sabi ni Alexa.
Nakaupo na kami tapos sa di kalayuan nakita ko si Lizzie namumula yung mukha. Papunta samin. Hayyz namimiss ko tuloy yung crush ko sa Manila. Hehehe sino kaya magiging crush ko dito? Sa dinami dami ba naman ng crush ko sa dati kong school pano pa kaya sa bagong school hehehe. Di naman crush Ang habol ko sa school syempre sila yung nagiging inspiration ko kumbaga inspired ako sa lag aaral dahil sa kanila. Hanggang sa matapos na kami sa pagkain. Tapos balik na kami sa room para sa susunod na klase.
After ng 100 hours na klase (echosXD) Uwian na.
Sabay na kami pauwi nila Ashlyn at Kiara. Nakasakay kami sa Tricycle.
" Oh ano nangyari sa first day nyo?". Sabi ni Ashlyn
"Syempre may new friends ang mahal ng mga pagkain sa canteen noh". Sabi ni Kiara .
"Onga eh. Pero wala lang naman
sayo yon. Mayaman ka eh hahaha. Eh ikaw Anica? Ano nangyari sayo?" Tanong ni Ashlyn sakin."Ganun din sila may mga nakilala ako tapos naging kaibigan kona."
"Sure ako may Crush na naman yan hahaha!" Sabi ni Kiara.
"Grabi crush agad wala pa nga eh. Grabi kayo sakin ah." Sabay tawa kaming tatlo.
Hanggang. Sa nakauwi na kami. Diretso agad ako sa kwarto ko para gawin ung assignment ko. Kung meron mang assignment. Pagkatapos kong tapusin assignment ko. Nakatulog nalang ako bigla....
End of the chapter..
[A/n:Hi guyysss. Thanks for reading my first chapter. Hope you like it. If you had some question. Just comment. Again Kamsa. ^_^]
BINABASA MO ANG
My School Crush💕
Genç KurguTungkol ito sa buhay ni Anica Jade Villiamor. Sa dinami-dami ba naman ng naging crush niya ay meron siyang mas kinaiinlaban at yun ay ang First Love niya. Umasa siya dahil akala niya may pagasa siya sa first love niya. Ngunit siya'y nabigo't nasakt...