Kabanata 29

64.4K 2.2K 842
                                    

Kabanata 29: Flowers

Hindi nakasagot sina Mommy at Daddy at sa tingin ko ay hindi na rin naman nila kailangan pa. Hinawakan ko ang kamay ni Aara at hinila na siya palayo roon. Narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni Mommy pero hindi ko na sila nilingon pa.

Pagkapasok namin sa kwarto ko ay binitawan ko rin ang braso ni Aara.

"Damn it!" I cursed.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at hinanap ang pangalan ni Irene sa contacts. Dahil din sa pagmamadali ay naging malikot ang mga daliri ko at nagkakamali ako ng pindot. Masyado ring mabibigat ang paghinga ko.

"You are going to break your promise," I heard Aara said. "Ang sabi niya ay kailangan niyang lumayo sa atin at heto ka na naman..."

I took a glimpse of her, she was staring at me with her cold eyes.

Umiling ako bago itinapat sa tainga ko ang phone. Sandali akong napapikit sa inis nang mapagtanto na mukhang nagpalit na siya ng simcard. Binitawan ko agad ang phone ko dahil baka maihagis ko ito kapag hindi ako nakapagpigil.

"What's wrong with her?!" I asked in disbelief. "Why is she doing this? I don't fucking understand!" The frustration made me languid.

"There's nothing wrong with her, Jude," Aara said.

Napatitig ako sa kanya. "D-Don't tell me..." I gulped. "You knew?" Pumungay ang mga mata ko.

She bit her bottom lip and averted her gaze away. Natawa ako sa bahagyang pagkainsulto. Mukhang ako na nga lang ang hindi nakakaalam. Umupo ako sa kama at hinilamos ang palad ko sa aking mukha.

"Nung umalis kayo nung gabi, I went in her room," dinig kong pagkukwento niya. "Nakita ko ang mga papeles na paalis na siya."

Inangat ko ang mukha ko sa kanya. "Why didn't you tell me?"

"Sa 'yo na rin nanggaling, Jude. Ang sabi niya ay huwag na natin siyang guluhin. That's why I didn't bother to tell you."

I swallowed hard again.

"D-Do you know where is she?" I asked. She shook her head. "Why don't you tell me? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!"

"Nabuhay siya nang wala ka at mabubuhay siya nang wala ka!" sigaw ni Aara. "Huwag mo siyang gawin na parang batang naliligaw!" may diing dugtong pa niya.

"W-Where is she now? I just want to know."

Sandali siyang napatitig bago umiling. Umupo ito sa tabi ko. Itinukod ko ang aking siko sa mga hita ko at isinubsob ang aking mukha sa mga palad ko.

"A-Ayoko nang magkaproblema pa," dinig kong bulong ni Aara. Nanatili akong nakasubsob sa mga palad ko. "N-Natatakot kasi akong baka... baka kakailanganin mo na namang pumili."

That's the moment I looked at her. Namumula na naman nang bahagya ang gilid ng kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin at pinahid ang mga namuo roon.

"I-I just care." Bahagyang bumaba ang boses ko.

"Is this another problem that we should fix?" tanong niya. I could smell how tired she was. Napatitig ako sa kanya. "Is this, huh?" Her eyes were already teary.

"A-Aara..."

"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jude. I am honestly exhausted."

Gusto ko lang naman malaman kung nasa'n si Irene. Pero siguro nga tama si Aara. This should not be a problem to us anymore. I did my part as Irene's brother and I had showed how I care for her. This is her choice of life and I must choose mine.

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon