Chapter 1

199 16 0
                                    

Taka akong bumaba ng kotse.

"Anong nangyari?" tanong ko sa sarili. Patay kasi ang ilaw sa buong bahay.Binuksan ko ang gate saka nag lakad ako palapit ng pinto habang bukas ang flashlight ng cellphone ko. "Naputulan ba kami ng koryente? Or May lakad sila hindi lang ako nasabihan?" naiiling kong sabi habang kinukuha ang susi sa loob ng bag ko.

Pagkapihit ko ng door knob at pag bukas ko ng pinto ng may biglang.....

"SURPRISE!!!!!" at kasabay non ang pag bukas ng ilaw at pag saboy sa akin ng confetti. "Happy Birthday to you...Happy Birthday to you...Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Ember!" saka nag palakpakan ang mga iyon. Nilapitan ako at niyakap.

"Thank you po!" ngiti ko sa mga iyon.

"Na surprised ka ba Apo?"masayang tanong sa akin ni Lola Soledad.

"Opo!" masaya kong tugon dito.

"Come here! Come here! Pinaghandaan namin ang special day mo!" hila sa akin ni Tita Mando.

At pag dating nga sa may Dinning Area, bumungad sa akin ang napakaraming handang pagkain. May banner pa nga, mga balloons at kung ano-ano pa!

Natahimik ako at nakangiting napatingin sa mga iyon. Pinag masdan ko sila. Ang aking natatanging pamilya.

Yeah, they are my  Family. Si Lola Soledad, ang aking mabait at malambing na lola. Si Tita Manda na Tito Mando ko at si Tito Fredo na Tita Freda ko. Madalas nga nilang sabihin na nag kapalit daw sila ng kasarian! Nakakaloka di ba?

Sila na ang tumayong magulang ko since my parents passed away when I was a little girl.

Oo, our family is not perfect but for me they are extra-ordinary! Dahil extra-ordinary ang ginawa nilang pag aaruga at pag mamahal sa akin.

I am proud of them! And I am blessed to be part of this family!

"Blow your candle na and make a wish!"
Narinig kong sabi ni Tita Mando saka sinenyasan ako nitong lumapit sa Cake.

"Opo--" ngiti ko. Pumikit ako..."Hay! Birthday ko na naman! Nadagdagan na naman ang edad ko! Actually, ayoko na ngang sine-celebrate ito kasi nga lalo lang akong na pe-pressure!
Sabi ko nung bata pa ako, at the age of 27 dapat may family na ako. But 30 na ako! Yung mga friends ko happily married na.

Ako? Still single pa rin!

Hay! Nag boycott ang mga kakalakihan  sa akin? Nung kabataan ko ang dami kong manliligaw! Sabi nga ng mga friends ko, pinakyaw ko na daw lahat ng manliligaw!
Pero nasaan na sila ngayon? Ni isa walang natira?!

Nakakaiyak na katotohanan!

Naalala ko tuloy yung nangyari sa park kanina. Isang sweet proposal ang nasaksihan ko.

Ang cute nilang couple!

Nakaka inggit!

That time nga natanong ko ang sarili ko...kailan ko kaya ma experience iyon?

Tapos nag tama yung tingin namin nung girl. Nabasa siguro nito yung nasa isip ko. Ningitian ako nito na parang sinasabi...matatagpuan mo rin sya!

Ginantihan ko din iyon ng ngiti...."sana nga!" nasabi ko sa sarili ko.

Ay naku naman parang ayoko nang idilat ang mga mata ko dahil for sure....

"And dami mo namang wish apo!" narinig kong sabi ni Lola.

Kaya no choice ako! Unti-unti kong idilat ang mga mata ko saka nakangiting tumingin sa mga iyon.

"Anong winish mo?" usisa ng mga iyon.

"Winish mo ba na sana, dumating na yung itinadhana nya sayo?" ani Tita Mando.

"Oo nga! Winish mo rin ba na sana bilis bilisan nya! Naiinip na kasi tayo!" sabi naman ni Tito Freda.

"Ember Apo, Bigyan mo ako ng maraming Apo ha!" singit naman ni Lola Soledad!

"Waaahhhhh!!! Na pe-pressure na ako!!!" tili ko. Pero syempre sa isip lang.

Nakangiti akong tumingin sa mga iyon.

"Kain na po tayo? Baka po gutom na kayo--"
Segway ko. Saka nag mamadali kong iniayos ang mga pagkain sa mesa. "Upo na po kayo Lola!" saka inalalayan ko iyong maka upo.
"Kayo rin po...Tito, Tita. Marami pong salamat sa lahat ng ito!" nakangiti kong sabi.
"Kain na po tayo!"

At masaya at magana kaming nag salo-salo sa aking munting handa.

Lihim kong pinag masdan ang mga iyon.
Hindi man perpekto ang pamilya ko, masasabi ko namang hindi ako nag kulang sa pag mamahal at pag aaruga.

Kaya kung ako lang, lahat ng gusto nila basta kaya ko ibibigay ko.

Isang bagay lang talaga ang hindi ko mabigay sa kanila....

Alam ko naman na gusto nilang mag karoon na ako ng pamilya at maging masaya.

Kapag naiisip ko iyon, nalulungkot ako.

Minsan gusto ko na nga lang mang hila ng kung sino dyan o kaya mag hire ng kung sino. Pero hindi pa naman ako desperada para gawin yon.

Hay! Bakit ba kasi? Sabi nila nasa sinapupunan pa lang daw tayo ng ating mga Ina, meron nang itinakda para sa atin, pero ako....bakit wala!?

Gusto ko tuloy mag wala sa isiping iyon.

Malas siguro ako sa pag-ibig!

Yung kaisa-isahan ngang lalaki na nagustuhan ko bigla na lang nawala. Nag lahong parang bula! Ewan ko ba kung saan na napunta yon!

Oo naman, nag mahal din naman ako. Yun nga lang hindi nya alam. Inilihim ko, kasi nga He is my friend.

Ah, naalala ko na naman sya! Nasaan na kaya sya? Kilala pa kaya nya ako? Mag kikita pa kaya kami?

Hindi kaya? Iyon ang dahilan kung bakit wala akong nagugustuhang ibang lalaki? Dahil deep inside sa puso ko....umaasa ako na magbabalik sya?

Hay! Ayokong maging nega!

Sabi nga di ba, lets always look at the bright side!

Hindi pa sya binibigay ni Lord kasi gusto nya maging ready na talaga ako. He is preparing for something I really deserved.

Naging good girl naman ako. So, I guess hindi nya ako bibiguin sa aking munting hiling?

Ang dumating na ang taong itinadhana para sa akin!

"Tama! Dapat hindi ako mawalan ng pag-asa at kailangan pag handaan ko ang araw na iyon." sabi ko sa sarili ko.

Basta, positive lang ako na one day mag co-cross din ang way namin.

Na one day ma me-meet ko din sya.

Na one day, matatagpuan din namin ang isa't -isa.

Na one day, sasabihin ko din sa sarili ko na..."He is the one"

Though hindi ko alam kung kailan.

Willing akong mag hintay sa "One Day" na iyon.

Decembers Love (Last Romance) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon