Why do we always hurt when we love?
"Hay!!! Why nga ba?" buntong hinga ko. "Bakit nga ba tayo nasasaktan? Nag mahal lang naman tayo?" saka malungkot kong tinignan si Floy. "Tsk...tsk...tsk" naiiling kong
sabi.Hayun sya!! Singing his broken heart out!
Idinadaan sa pagkanta ang sakit na nararamdaman!Well! Actually, hindi na bago sa akin ang eksenang katulad nito. Madalas naming gawin ito sa tuwing broken hearted ito!
"Sissy! Ang sakit sakit!" lingon nito sa akin.
Namumula at namumugto na ang mga mata nito sa kakaiyak. Lumapit iyon sa akin. "Tell me, pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why? Why lagi na lang akong niloloko at iniiwan!!" saka umiyak na naman iyon."Tahan na! Hindi ka pa ba sanay?"
Tinignan ako nito. "Ang harsh mo sa akin ha!"
Natawa ako. "Hindi naman sa ganon. Di ba binalaan na kita about that guy. Hindi ka nakinig sa akin. Sabi mo, love mo and sa tingin mo sya na yung forever mo. Sinuportahan naman kita. Di ba?"
"So kasalanan ko?"
"Ahm....parang ganon na nga."
Lalong iyong umiyak.
"Tahan na!!" saka niyakap ko iyon.
Hay! Seeing him like this? Parang ayoko nang magmahal!
"What should I do now?"
"Kaya mo yan. Makaka move on ka rin!"
"Inom pa tayo Sissy!!!" sabi nito saka sunod sunod na tumungga ng alak.
"Hoy Floy! Dahan-dahan!" awat ko dito.
At katulad nga ng kinatatakutan ko!
"Lets go Floy!" saka inalalayan ko iyon. Halos hindi na ito makatayo at makalakad sa sobrang kalasingan. "Pasaway ka talaga Floy!" halos hirap na hirap akong alalayan ito. "Umayos ka nga. Ang bigat mo kaya!" halos manakit na ang katawan ko.
"Hay!!!" sabi ko saka iniupo ko muna iyon sa may upuan.Nasa parking na kami kaso medyo malayo pa ang kinaroroonan ng kotse ko. Bahagya akong nag-inat saka nag strech dahil nga sa sumakit ang katawan ko. Nang makarinig ako ng may biglang kumalabog.
"Floy!!" sa sobrang kalasingan at tila naka idlip iyon, nahulog ito sa kina uupuan at tumama sa may trash can. Mabilis ko iyong nilapitan. "Bruha ka Floy! Gising!" saka tinapik tapik ko iyon.
"Naku!! Masasabunutan na kita!" inis kong sabi saka pilit ko iyong tinatayo. "Ang bigat mo ha!" halos hindi ko iyon maiangat.
"Excuse me. Do you need some help?"
Narinig kong sabi sa bandang likuran ko."Thank God! Need ko na talaga ng help!" sigaw ng isip ko saka nilingon iyon.
"Yes---" pero natigilan ako ng makita iyon.
Nagulat din iyon ng makita ako saka ngumiti.
Ah, Its been weeks nung last ko itong makita.
"Ms. Ember!" masayang sabi nito. Hindi ako kaagad naka kibo. "Do you still remember me? I'm Kurt--"
"Ow! Y-yeah....Kurt!" sabi ko saka pilit akong ngumiti.
Actually, hindi ko naman sya nakalimutan.
"Need some help?" sabi nito saka may sinilip sa likuran ko.
"Oh no! Floy!" bigla kong naalala. Nakahandusay na iyon sa lupa malapit sa may basurahan!
Kaagad naman lumapit si Kurt para tulungan akong itayo iyon.
BINABASA MO ANG
Decembers Love (Last Romance) COMPLETED
RomanceMillennial Generation na! Yeah, umabot ako sa generation na ito na SINGLE pa rin!? Nakakahiya mang aminin pero NBSB (no boyfriend since birth) ako, never been kissed, never been touched and never been loved! Saklap di ba?? Minsan tuloy tinatanong ko...