"Good Morning po!" masaya kong bati kina Lola, Tito at Tita na noo'y abala sa pag hahanda ng pag kain sa mesa.
"Good Morning Apo!" ngiti sa akin ni Lola.
"Maupo ka na dito--" sabi sa akin ni Tita Mando.
"Opo--"
"Kumain ka na. Baka ma trapik ka pa nyan."
"Sige po Tito Freda, kain na rin po kayo!"
At magana kaming nagsalo-salo sa pagkain.
Tapos nag paalam na ako."Alis na po ako--" sabi ko saka isa-isa akong humalik sa mga iyon.
"Mag-ingat ka Apo!"
"Opo Lola"
"Ingat sa pag da drive ha!" pahabol na sabi ni Tita Mando sa akin.
"Sureness naman po!"nakangiti kong lingon dito.
Humagalpak iyon ng tawa. "Gora na lavh!"
"Bye po!" natatawa kong kaway sa mga iyon.
Saka pinaandar ko na ang kotse palabas ng garahe.Binabagtas ko na ang daan sa Edsa patungo sa lugar kung saan meron akong ka meeting na tao.
And tulad ng inaasahan ko tumadbad na naman sa akin ang matinding trapik!
Ito na yata ang pangkaraniwang sakit ng ating lipunan na hindi mabigyan-bigyan ng solusyon. Bakit? Una, dahil kulang pa marahil ang batas na ipinatutupad. Well, alam ko naman na the authorities are doing there best. Pangalawa, dahil na rin sa mga pasaway na motorista!
At katulad ngayon meron silang gustong ipatupad "Bawal na daw ang single sa EDSA!"
"Wow ha! Ang harsh naman nila. Alone na nga ipagbabawal pa nila!" natatawa kong iling ng marinig ang balitang iyon.
But honestly, hindi ko ma gets ang point na iyon!
"Hay!" saka sinipat ko ang suot na relo. Maaga pa naman para sa appointment ko.
May kausap kasi akong manager ng isang cafe na i-re-rent namin for shooting ng isang commercial.Yeah, I been working sa isang Advertising Company kung saan isa akong Location Manager. Ako yung incharged to find a suited place para sa mga i-sho- shoot naming commercial.
Medyo mahirap kasi need kong mag search and then puntahan yung place para i check
personally and kausapin na rin yung manager or may-ari but masaya naman sya at enjoy dahil nakaka pag explore ako sa mga iba't-ibang places dito sa philippines.After an hour narating ko din ang meeting place. I just arrived on time.
"Hi Mrs. Perez, I'm Ember ng Artik Advertising Company--" pagpapakilala ko sa may ari ng nasabing Cafe.
"Ow! Hi Ms. Ember. Have a seat!" anito.
"Thank you Maam!" ngiti ko dito. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng cafe. "Nadiscuss na naman po sa inyo yung mga details, right?"
"Yes. Na informed naman na lahat."
"Thats good. So, can I check the area now?"
"Yeah sure. Pa assist na lang kita kay Ms. Leticia, our manager here."
"Okay po---" ngiti ko.
Time is gold! So, wala akong inaksayang oras. Inumpisahan ko nang i check ang area.
So far, maganda naman ang lugar. Maluwag, maaliwalas at modern ang dating.
Saktong sakto sa commercial na gagawin namin."I think, everything is okay!" saka nakangiti akong tumingin kay Ms. Leticia. "Thank you for assisting me--"
BINABASA MO ANG
Decembers Love (Last Romance) COMPLETED
RomantizmMillennial Generation na! Yeah, umabot ako sa generation na ito na SINGLE pa rin!? Nakakahiya mang aminin pero NBSB (no boyfriend since birth) ako, never been kissed, never been touched and never been loved! Saklap di ba?? Minsan tuloy tinatanong ko...