Hindi ako mapakali!
Nag dadalawang isip kasi ako kung jo-join ba ako sa gathering na inorganize nila Pauline.Kung hindi ako pupunta, nakakahiya naman baka sabihin na ang kill joy ko at saka naka oo na ako kay Pauline.
Pag pumunta naman ako, hindi ako magiging komportable dahil nandoon si Kurt.
"Ano ba ang dapat?" saka pabagsak akong naupo sa kama.
Napa buntong hininga ako.
But I decided to join, kahit saglit lang atleast I show up my self. Iiwasan ko na lang siguro si Kurt.
Lumabas na ako ng room at nag tungo na sa may dalampasigan. Halos ayos na ang lahat. Nag gawa sila ng bonfire at nag lagay ng upuan paikot doon. Naka ready na rin yung mga food.
Halos kumpleto na ang lahat. Si Pauline at Kurt na lang ang kulang sa mga iyon. Siguro may inaayos pa. Napa tingin ako sa mga bakanteng upuan. Merong isa na lang na vacant at sa kabilang dulo, dalawa naman.
So, doon ako na upo sa nag iisa na lang. Para sila Pauline at Kurt ang mag katabi sa kabila.
"Hi Ms. Ember!" Bati ng mga iyon ng makita ako.
"Hi!" Ngiti kong bati sa mga iyon. Napansin kong may dala ring guitara ang mga iyon.
Maya-maya lang natanawan ko na sila Pauline at Kurt. May dala iyong mga alak.
"Ms. Ember!" ngiti ni Pauline. Si Kurt naman napatingin sa akin.
"Ang dami nyan ah! Hinay hinay lang sa pag inom" paalala ko sa mga iyon.
"Yes po!" Sagot ng mga iyon.
"Since, kumpleto na. Pwede na tayong kumain--" yayang sabi ni Pauline.
Isa-isa nang nag tayuan ang mga iyon para kumuha ng food. Tumayo na rin ako at naki gulo sa mga iyon. Tapos bumalik na ako sa pwesto ko. Pero natigilan ako ng biglang umupo si Kurt sa tabi ko.
Nilingon ako nito saka ngumuti.
"Lets eat--" sabi nito.
Tumango ako saka ngumiti.
Hayyy! Ano ba yan! Umiiwas ka na nga pero pilit pa rin kayong pinag lalapit!
Si Kurt pala talaga ang naka upo doon. Umalis lang iyon para samahan si Pauline na bumili ng alak!
"Beer Maam?" Narinig kong tanong ni Greg. "Okay lang po ba?"
"Sige---" sabi ko at kinuha iyon. Umiinom lang ako pero 2 bottles lang ang limit ko. Kapag sumombra na doon, tiyak na tatamaan na ako.
Pag katapos kumain. Nag kayayaan namang mag kantahan ang mga iyon.
"Kurt!" Narinig kong sabi ni Jun saka iniabot dito yung guitara.
Nakangiti iyong kinuha ni Kurt.
Sinulyapan ko iyon.
Marunong pala itong mag guitar. Sabi ko ng tipahin nito ang guitara at lalo akong namangha ng mag simula iyong umawit.
"At ngayon nandyan ka na. Di maipaliwanag ang nadarama. Handa ako sa walang hanggan.
Di paaasahin, Di ka sasaktan.
Mula noon, hanggang ngayon.
Ikaw at Ako...."At hindi ko maiwasang humanga dito. Napaka ganda ng tinig nito. Parang hinaplos ang puso ko.
Halos di ko magawang iaalis ang tingin ko dito At masyado rin yata akong nag enjoy sa pakikinig dito dahil hindi ko namalayan na naka ilang bote na ako ng beer.
"At sa wakas. Nahanap ko na rin. Ang tangi kong hinihiling.
Pangako sayo
Na ikay uunahin
At hindi naitatanggi.."Nagulat ako ng bigla iyong tumingin sa akin.
Sa taranta ko, bigla kong ininom ang hawak kong beer ng tuloy-tuloy!
BINABASA MO ANG
Decembers Love (Last Romance) COMPLETED
RomanceMillennial Generation na! Yeah, umabot ako sa generation na ito na SINGLE pa rin!? Nakakahiya mang aminin pero NBSB (no boyfriend since birth) ako, never been kissed, never been touched and never been loved! Saklap di ba?? Minsan tuloy tinatanong ko...