Chapter 17

56 8 0
                                    

Nagulat ako ng nag kukumahog na pumasok ng room ko si Floy.

"SISSYYYYYYY!" Tili nito.

"Whats wrong?" Nataranta kong tanong dito.

"Totoo ba????" Tanong nito. Halos man laki pa ang singkit nitong mata.

"Ang alin?"

"Totoo bang kayo na ni Kurt?????" Tiling sigaw nito.

Bigla kong tinakpan ang bibig nito saka napasilip ako sa labas. Iniwan kasi nitong bukas ang pinto. Nag aalala ako na merong makarinig. Mabilis akong tumayo, sinara ko at ni locked iyon.

"Ang ingay mo" halos panlakihan ko iyon ng mata.

"Eh kasi naman....na-excite ako! Atlast! Hindi ka na single lady!"

"Loka! Huwag kang mag diwang. Hindi iyon totoo" Ismid ko dito. Saka naupo ako. "Boyfriend ko sya pero hindi kami---"

"What?"

"Kunwari lang ang lahat. Hindi ko rin ma explain. Naipit na ako sa sitwasyon and I have no choice kundi gawin iyon."

"Ay, kala ko pa naman trulaluh na!" medyo dissappointed ang tinig nito."Sayang naman!"

"Nahihiya nga ako kay Kurt. Nadamay ko pa sya sa problema ko. Hindi ko pa sya nakaka usap tungkol sa nangyari. I need to explain and mag sorry." Saka napa buntong hininga ako.

"Paano na?"

"I need to think something kung paano ko lulusutan ang larong sinimulan ko"

"Where's Kurt nga pala?" Tanong ni Floy nang mapansing wala ito.

"Hiniram muna ng IT Dept. Kulang kasi sila ng tao. 1 week syang wala." sabi ko. "Why?" Taka kong tanong ng mapansin kong nakatingin sa akin si Floy at nakangiti.

"Miss mo na si Boyfie???" Tila nanunukso iyon.

"Ano bang pinag sasabi mo dyan. Hindi noh!" Iling at ismid ko dito.

Tumawa si Floy

"Shut up!" Inis kong hampas dito.

"Ok. Syanga pala, I'll be out of town for 2 weeks. May seminar akong pupuntahan. Disappearing muna ang beauty ko."

"Okay--"

"Oh sya! Balik na ako sa work--" saka tumayo na iyon. Pero bago iyon tuluyang lumabas muli akong nilingon. "Ow wait, since wala ako...ibibilin muna kita kay Kurt!" Tila nang aasar na sabi nito.

"Floyyyyyy!"

Saka tumatawa iyong lumabas ng room ko.

Sinundan ko iyon ng tingin. "Loka yon ah!" tapos napatingin ako sa vacant table ni Kurt.

"Na-mi-miss?" Sabi ko saka napa iling ako.

Bakit naman? Bakit ko sya ma-mi-miss. Hindi ko naman ito totoong Boyfriend.

Hindi kami! Walang kami! Walang label ang relasyon namin!

Pero kada minuto napapalingon ako sa table nito. At aminin ko man o hindi, may bahagi sa puso ko na umaasam na sana sa muling pag lingon ko...makita ko na ito doon.

Ah! Did I really miss him??? saka napa buntong hininga ako.

This is wrong! This feeling is wrong! Kaya dapat tapusin ko na ang lahat hanggang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko.

"Tama! Pag balik nito, kakausapin ko na iyon. Sasabihin ko dito na hindi na nito need mag panggap na boyfriend ko. Game over na! Mag e-explain na lang ako kina Lola, Tito at Tita. I know magagalit ang mga iyon pero tatanggapin ko kung ano man ang punishment ng mga iyon sa akin. Gusto ko lang maging totoo sa kanila."

Decembers Love (Last Romance) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon