I don't know, pero may angel yatang tumulong sa amin para ma solved ang problema.
"Maam Ember!" narinig kong tawag ni Pauline.
Halos hingalin iyon sa pagtakbo.
"Pauline, whats wrong?"
"Maam! Problem solved na po!" masayang balita nito.
"You mean nakahanap na kayo ng bagong location?"
"Yes Maam!"
"Thank god! Thats good at nakahanap na kayo!"
"Actually Maam, wala po talaga kaming nahanap--"
"Huh?" nalito tuloy ako bigla. "What do you mean? Akala ko okay na?"
"Okay na nga po. Pero yung mismong owner po ng resort ang tumawag sa atin at ini-offer nya po yung place nya."
"Really? Sinong nag refer sa atin doon?"
"Ayaw po nyang sabihin yung name ng friend nya.
"Sayang naman. Gusto ko sanang pasalamatan personally. If you can get his or her name, please do so."
"Yes Maam."
"Since okay na ang lahat. Please do as planned. Give me the name and address ng resort. I will go there a day before ng shoot para ma check ko na rin yung place. I coordinate mo na sa team."
"Yes Maam! Ahm....kayo lang po ba mag isa ang mauuna doon?"
Napatingin ako dito at napa isip.
"Ahm...."
"I'll go with you Ms. Ember--"
Bigla naming narinig. Sabay pa kaming napalingon ni Pauline sa pinag mulan ng tinig.
Si Kurt!
"Thats a good idea Kurt. Para merong maka tulong si Maam. Di ba po?" sabay tingin ni Pauline sa akin.
Napatingin ako bigla kay Pauline. "Good idea? No!"bigla kong sabi.
Takang napatingin ang mga iyon sa akin.
OA ba ang pag kakasabi ko ng No? Natanong ko tuloy sarili ko.
"I mean---" saka napa isip ako. "Baka mas need nyo si Kurt dito."
"Dont worry Maam, we can manage here. Marami naman po kami dito. Mas need nyo po ng makakasama at makakatulong just in case po na mag karoon ng problema."
Napatango ako. "Okay--" saka tumingin ako kay Kurt. "After office tayo aalis bukas. I ready mo na yung mga things mo."
"Yes Ms. Ember--" saka ngumiti iyon.
"Okay--" at nag paalam na ako at bumalik na sa room ko.
"Okay lang kaya?" bigla kong natanong. Naisip ko kasi, mauuna kami doon ni Kurt, as in kaming dalawa lang. Sabagay, work related naman yon.
BINABASA MO ANG
Decembers Love (Last Romance) COMPLETED
RomanceMillennial Generation na! Yeah, umabot ako sa generation na ito na SINGLE pa rin!? Nakakahiya mang aminin pero NBSB (no boyfriend since birth) ako, never been kissed, never been touched and never been loved! Saklap di ba?? Minsan tuloy tinatanong ko...