Chapter 12

62 8 2
                                    

Move on!

Paano nga ba mag move on sa kiss na iyon?

"Ahhhhh!"pabagsak akong naupo sa kama saka sinulyapan ko ang sarili sa salamin.

Until now, ramdam ko pa rin yung lips nya sa lips ko! "Gosh!" Saka hinawakan ko iyon.

"What should I do now?" Ah, di ko na tuloy alam ang gagawin.

Kanina nga, panay sorry sa akin ni Kurt.

"Its okay. Just forget it!" Sabi ko dito.

Pero sa totoo lang, its not okay and I think, I can't forget it!

First kiss ko kaya yon!

"Pero hindi ako dapat mag paapekto di ba?Hindi ako dapat maging marupok! Tama!" Sabi ko saka tumayo ako, pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Hingang malalim, relax, kalma lang---" malumanay kong sabi habang nakapikit ang mga mata ko saka nag inhale, exhale ako.

I need to forget everything, yung parang hindi sya nangyari!

Tapos biglang tumunog ang phone ko. "Haist! Sino ba itong istorbong ito!" Saka dinampot ko iyon.

Si Pauline..." Ms. Ember, where here na po" text nito.

Bigla kong naalala, ngayon pala ang dating ng production team. Mamayang gabi na pala namin uumpisahang i-shoot yung commercial.

"Nasa resort na kayo?" Reply ko.

"Yes po. Sinalubong na po kami ni Kurt."

"Okay sige. I'll go down na" reply ko pero yung dibdib ko bigla na namang kumabog ng makita ko ang pangalan nito.

"Kalma....kalma...kalma" paulitl-ulit kong sabi. Tapos nag pakawala ako ng isang napakalalim na buntong hininga bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Sa hallway pa lang ako, rinig ko na ang tawanan nila.

Pagkababa ko, nakita kong nag uusap sina Pauline at Kurt.

I dont know kung ano ang pinag uusapan nila pero ang talagang pumukaw ng atensyon ko.....yung pag smile ni Kurt!

At bigla akong napatingin sa lips nito!

Ewan, kahit anong iwas ko...hindi ko mapigilan.

Sabagay, kahit naman sinong babae kapag nakita si Kurt....titignan mo talaga at siguradong lilingunin mo kapag nadaanan mo.

Gosh! Bumilis na naman ang tibok ng puso ko!

Para akong ipinako sa kinatatayuan ko ni ko magawang kumilos!

Ano bang nangyayari????

"Ms.Ember!!!" narinig kong sabi ni Pauline.

Napatingin tuloy sa akin si Kurt!

"P-Pauline--" sabi ko sabay iwas ng tingin kay Kurt. "Kamusta ang byahe?" tanong ko dito.

"Okay naman po. Tama nga si Kurt, hindi mahirap hanapin itong resort. Alam sya halos ng mga tao dito. Famous yata itong resort na ito dito--" nakangiting sabi ni Pauline.

"Mabuti naman at hindi kayo nahirapan"sabi ko.

"Nag pahanda na pala ako ng pagkain--" narinig naming sabi ni Kurt. "For sure gutom na kayo"

"Ang thoughtful talaga nito ni Kurt" ngiting lingon ni Pauline dito.

Maya-maya lang lumabas na sa kusina si Manang Paz.

"Ready na po ang pag kain--" sabi nito.

"Sige na---" sabi ko saka sinenyasan ko sila Pauline na sumunod na kay Manang Paz.

"Lets go guys!" Yaya ni Pauline sa iba pa nyang mga kasama. Nakita kong sumunod na rin si Kurt sa mga iyon.

Susunod na rin sana ako kaso nakita kong natumba yung isang malate, lumapit ako doon para ayusin.

Nang biglang...

"Ayyyyy!" Hindi ko napansin na may isa pa palang bag sa likuran ko dahilan para mapatid ako doon.

"Ms.Ember!" bigla kong narinig at nakita ko na lang si Kurt, nasa harapan ko na at hawak ako nito sa mag kabilang braso.

At siguro nga sadyang mapag biro ang tadhana... dahil narinig ko mula sa TV yung tanong ng reporter sa ini-interview nya.

"So, what is your favorite place?"

Napatingin ako kay Kurt......

"Sa piling nya!"

Ah, bakit ko ba nasabi yon!

Tinitigan ako ni Kurt bigla!

Kinabahan tuloy ako!....narinig nya ba yung sinabi ko????

Gosh!!

"Ms.Ember, Kurt?" Sabay pa kaming napatingin ni Kurt sa pinag mulan ng tinig.

Sila Pauline, taka iyong naka tingin sa amin.

Sabagay, sino ba naman kasi ang hindi....eh, halos mag kayakap na kami nito!

"Ahm...." saka mabilis akong bumitaw kay Kurt. "Napatid kasi ako, tinulungan ako ni Kurt para di ako matumba" sabi ko.

"Ah, muntik ka nang ma fall Ms.Ember?"
biglang sabi ni Pauline.

Napatingin ako dito saka biglang napa isip...

Muntikan nga ba?

O Tuluyan na akong na fall?

Napatingin ako kay Kurt!

"Am I really falling to him???"

Oh nooooooo!!!

Hindi pwede!!!







Decembers Love (Last Romance) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon