Chapter 22

37 8 4
                                    

"What?????" Halos mabingi ako nang ikwento ko kay Floy ang nangyari. "You mean, inaway mo si Kurt dahil sa mga tsimosang iyon?"

Tumango ako, halos maiyak-iyak.

"And thats it? Your alone?.......Again!"

Nilingon ko iyon. "Grabe ka!"

"Anong grabe don. Nang away ka at nang hurt ng feelings dahil sa walang ka kwenta kwentang rason. Ano ang mas grabe don?" Kulang na lang sabunutan ako ni Floy sa sobrang imbyerna sa akin.

"Sorry na nga. Alam ko naman na I was wrong! Naging unreasonable ako that time. But I didn't mean to hurt him feelings." Sabi ko. Actually, sising-sisi talaga ako sa nangyari.

"I won't accept that!" Ismid nito sa akin.

"Floy naman!"

"Bruha ka! Bakit ka sa akin nag so-sorry? Dapat kay kurt mo sinasabi yan!"

Natigilan ako. Oo nga naman, kay Kurt pala ako may kasalanan.

"Anong gagawin ko?" Napabuntong hininga ako.

"Aba! Suyuin mo kung kinakailangan."

"What?" Napa simangot ako. Parang alanganin ako doon ah!

"Let me clear things." Narinig kong sabi ni Floy. "Ano ba talaga sayo si Kurt?"

Napatingin ako kay Floy.

Ano nga ba para sa akin si Kurt? Bigla ko ring natanong ang sarili ko.

"Kasi kung wala lang ----"

"Mahal ko si Kurt!" Bigla kong sabi.

Napatingin sa akin si Floy at saka ngumiti.

"kaya lang---"malungkot kong sabi.

"Kaya lang?"

"Yung sitwasyon nga namin di ba?"

"Mahal mo di ba?"

Tumingin ako kay Floy saka tumango.

"Kung mahal mo, mahal mo! Walang kaya lang."

"Paano kung....Hindi nya ako patawarin---"

"Suyuin mo pa rin hanggang sa mapatawad ka nya. Hwag kang titigil, hwag kang susuko."

"Paano ko naman gagawin yon?"

"Heler! Puntahan mo, tawagan mo! Ano ka ba!"

Napa isip tuloy ako, ganito yata talaga kapag masyado kang affected. Nagiging blanko ang utak mo.

"What are you doing? Move!"

"Huh?"

"Hay naku! Nandyan lang unit ni Kurt di ba? Puntahan mo na kaya! My gosh na stress ang beauty ko sayo!" Sabi nito sabay hawak sa ulo nya.

"Kalma lang. Hwag ka nang magalit!" Sabi ko dito saka tumayo na ako.

"Go!" Ani Floy. Kulang na lang ipag tulakan ako nito. Marahan akong nag lakad patungo sa unit ni Kurt. Actually, limang door lang ang pagitan nito sa unit ni Floy kaya tanaw pa rin ako nito.

Nasa harapan na ako ng pinto ni Kurt. Nilingon ko si Floy. Naka dungaw iyon sa may pinto nya saka sinenyasan akong mag doorbell na.

Actually, kinakabahan ako! Nag pakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga saka pinindot ang doorbell. Pero naka ilang pindot na ako at halos mag iisang oras na akong nakatayo doon pero walang Kurt na nag bukas ng pinto sa akin.

"Wala bang tao?" Si Floy, nilapitan na ako nito.

Mangiyak-ngiyak akong lumingon dito. " Baka ayaw na nya ako makita----"

Decembers Love (Last Romance) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon