"Ms. Ember?"
Natigilan ako, halos manlaki ang mga mata ko!
"Patay! Narinig nya kaya yung sinabi ko?" Hindi ko magawang kumilos. "Paano kung narinig nga nito ang sinabi ko?" Nakayuko pa rin ako.
"Ms. Ember?" Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pag hawak nito sa balikat ko.
"Ahhmmm..." saka bigla akong tumayo. "I-I was just checking if your okay---" sabi ko na lang. Ewan ko kung maniniwala ito.
Napatingin sa akin si Kurt. Waring nag tataka.
So, I guess hindi ito naniwala!
"I'll go ahead na--" saka kinuha ko yung bag ko at nag mamadali akong lumapit sa may pintuan.
"Aaahhhhh!!"
Natigilan ako saka nilingon si Kurt. Hawak nito ang kanyang ulo.
"Kurt! Are you okay?" Bigla akong nag alala at saka nag mamadali lumapit dito.
"Anong masakit sayo?"
"My head----" sabi nito habang hawak pa rin ang ulo nya.
"Wait! Inomin mo ito" saka iniabot ko ang gamot.
Pag kainom, Inalalayan ko iyong makahiga. "Just take a rest" sabi ko.
Tumango iyon saka ipinikit ang mata.
Dahan-dahan akong tumayo.
"Dont go---" Sabi nito habang hawak ang kamay ko.
Hindi ako agad naka sagot.
"Please-----" muling sabi nito.
Oo! Marupok nga ako dahil hindi ko kayang tanggihan ito.
"O-okay. I-I will stay---"sabi ko.
Minsan talaga, iba ang sinasabi ng isip sa sinasabi ng puso natin!
At aminin man natin o hindi? Kadalasan, nag wawagi si puso!
"Thanks--"
"Matulog ka na---"
Tumango iyon habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Ilang oras na rin ang nakalipas, sinulyapan ko si Kurt. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Marahil dahil sa ininom na gamot. Ako may nakakaramdam na rin ng antok. Tumayo ako at nilapitan iyon. Sinalat ko ang noo nito. Wala naman na itong lagnat. Umupo ako sa may gilid ng kama nito saka yumuko, hindi ko na kasi kaya ang antok ko kaya naisipan kong maidlip muna saglit.
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng ingay, tila merong nahulog na kung anong bagay.
Pero nagtaka ako dahil nasa kama na ako at wala na doon si Kurt.
"Kurt?" Kinabahan ako. Baka nasa loob ito ng C.R at biglang natumba. Kaya dali-dali akong bumaba ng kama at tinungo ang CR.
"Kurt! Are you okay?" sabi ko saka binuksan ko ang pinto ng CR.
Pero bigla akong natigilan ng makita ko ang hubad nitong katawan.
Gulat din iyong napatingin sa akin.
"S-sorry----" sabi ko sabay talikod. "Akala ko kasi something happened to you--"
"Pasensya na. Nahulog kasi itong shampoo." Sabi nito.
Katatapos lang nitong maligo.
"S-sige. L-labas na ako" saka nag mamadali kong binuksan yung pinto, ang problema dumulas ang slipper ko "aaayyyyyyy!!!!" tili ko.
Tapos naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin.
Napalunok ako. Ramdam ko kasi ang basa nitong katawan na dumikit sa likuran ko!
BINABASA MO ANG
Decembers Love (Last Romance) COMPLETED
RomanceMillennial Generation na! Yeah, umabot ako sa generation na ito na SINGLE pa rin!? Nakakahiya mang aminin pero NBSB (no boyfriend since birth) ako, never been kissed, never been touched and never been loved! Saklap di ba?? Minsan tuloy tinatanong ko...