Chapter 20

47 7 0
                                    

Follow your heart!

So, here I am nakatayo sa harapan ng pintuan ni Kurt.
Just a knock away!
Pero, kinakabahan ako. Nag dadalawang isip!
Tama ba ito?

"Gosh! Is this the right thing to do?" Tanong ko sa sarili ko. Pero naisip ko, hindi naman masamang kamustahin ito.

Nang pakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga saka pinindot ko ang door bell.

"Kurt?" Tawag ko habang kumakatok. Ilang minuto na kasi akong nakatayo doon pero wala pa ring bumubukas ng pinto. "Kurt?" saka pinihit ko yung door knob. Nagulat ako ng hindi iyon naka locked.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob saka sumilip sa loob. "Kurt? Ahm...papasok na ako" sabi ko saka inihakbang ko ang aking paa papasok sa loob ng condo ni Kurt. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay.

Infairness, maayos at malinis ito. Sa bandang kanang bahagi may pinto akong nakita. Iyon marahil ang kwarto ni Kurt. Nag lakad ako palapit doon. Nakabukas iyon.

"Kurt?"tawag ko saka sumilip doon.

"M-Ms. Ember---" sabi nito sa mahinang tinig.
Tatayo sana iyon at lalapit sa akin pero bigla iyong natumba.

"Kurt!" Nataranta tuloy ako at patakbong lumapit dito. "Okay ka lang? May sakit ka ba?" Nag aalala kong sabi.

"Nahihilo ako--" halos pabulong na sabi nito saka napayakap sa akin.

"Ang init mo!" Saka inalalayan ko iyon makatayo at inihiga. "Kailan ka pa ganito. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan--"

Ngumiti iyon sa akin. "I'll be okay soon. Nandito ka na eh!"

"Nakuha mo pang mag biro!" Inis kong sabi dito.
Saka hinipo ko ang noo nito. "Ang taas ng lagnat mo. Uminom ka na muna ng gamot!" Kinuha ko yung gamot at isang basong tubig saka iniabot dito. "Nag pa check up ka na ba? Gusto mong dalhin kita sa hospital?"

Saka bigla akong tumayo pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

"D-Dito ka lang please---" sabi nito.

"O-Oo" saka muli akong umupo sa may gilid ng kama nito. "Dito lang ako. Mag pahinga ka na at matulog"

Tumango iyon saka ipinikit ang mga mata.

Ilang oras na ang nakalipas pero tila hindi pa rin bumababa ang lagnat nito.

"Anong gagawin ko?" Medyo nag aalala na ako kaya tinawagan ko si Floy kahit nasa business trip ito. Tumawag na rin naman ako sa bahay at pinaalam ang kalagayan ni Kurt.

Sabi nga nila, "Mag stay ka muna dyan. Bantayan at alagaan mo muna si Kurt habang hindi pa sya okay."

Napa-isip tuloy ako. "Parang ayaw na nila akong umuwi ah!"

"Hello Sissy!" Sagot ni Floy sa kabilang linya. "What is it?"

"Floy, I need your help. Paano ba Pababain ang lagnat? Nakainom na nang gamot pero mataas pa rin ang temperature?"

"Punasan mo ng malamig, yung may yelo. Mas okay kung nakahubad para sumingaw yung init ng katawan nya."

"H-huhubaran ko sya?"

"Yes! Or Pwede ring i cold bath mo"

"Papaliguan ko?"

"Oo. Wait! Sino bang may sakit?"

"Huh? Naku! Baka naistorbo na kita. Sige. Ingat ka dyan. Thank you!" Saka pinatay ko na agad yung phone baka mag usisa pa kasi ito.

Tapos nilingon si Kurt. Tulog pa rin iyon.

"Huhubaran at pupunasan ko ng malamig ang katawan nya? Parang mas okay yon kaysa sa papaliguan."

Lumabas ako ng kawarto. Kumuha ako ng ice sa ref at nilagay sa isang malaking bowl at nilagyan ko iyon ng konting malamig na tubig. Bumalik ako sa room ni Kurt at kumuha naman na towel at ibinabad ko iyon. Nilapitan ko si Kurt.

"Kurt? I co-cold compress kita but I need to remove your shirt" sabi ko kahit alam ko namang hindi ako maririnig nito.

Marahan kong hinubad ang t-shirt nito at heto na nga! Tumanbad sa aking ang mala Adonis nitong pangangatawan!

Gosh! Ang Tikas ng dibdib!!!!!

"Walang malisya!" sabi ko habang winiwisik wisik ko ang aking ulo. "I need to do this!" Saka kinuha ko yung malamig na towel, yung isa nilagay ko sa may noo nito at yung isa naman ang ginamit ko pang punas sa katawan nito.

Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa medyo bumababa ang init ng katawan nito.

"Mabuti naman medyo bumaba na ang temperature mo--" sabi ko. Kumuha ako ng T-shirt para damitan iyon.

Tapos nag pa deliver na lang ako ng food para meron itong makain.

"Kurt---" gising ko dito. "Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot"

"I dont feel like eating--" sabi nito.

"Kahit konti lang--"pilit ko dito. Kanina pa kasi ito hindi kumakain. "Sige, susubuan kita---" sabi ko saka sinubuan ko iyon pagkatapos pina inom ko iyon ng gamot.

Tapos nahiga ulit iyon at natulog.

Inayos ko ang pag kaka kumot nito saka marahan akong naupo sa gilid ng kama nito.

Pinag masdan ko iyon habang natutulog at hindi ko maiwasang mapangiti.

Ang gwapo pa rin naman kasi nito habang tulog.

Napabung-hininga ako.

Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko.

Bakit ba ako nandirito?

Bakit ko ba ginagawa ito?

"Bakit nga ba?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin dito "Kasi, sinunod ko yung feelings ko. Pinakinggan ko yung puso ko and it lead me here....papunta dito!" Saka marahan kong hinaplos ang hibla ng buhok nito, ang noo nito, ang pisngi nito, ang ilong nito at ang labi nito.

"Pilyo ka talaga! Kahit tulog ka, nakuha mo pa rin akong akitin!" Saka tinitigan ko iyon. "Sorry---" bulong ko dito "hindi ko na kasi kayang pigilan" tapos ipinikit ko ang mga mata ko habang unti-unti kong inilalapit ang labi ko sa labi nito.

At nang mag touched yung lips namin.
I felt this different kind of happiness!
Kakaiba!
Yung feelings na hindi mo kayang ma explain!

Ah! Ganito pala no? Yung feeling ng love!

Marahan kong iniangat ang mukha ko saka muli ko iyong tinitigan.

"I guess this is the right time to tell you baka kasi hindi ko na masabi pa." Saka inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito. "I love you---" halos bulong kong sabi dito.

Nakakatawa no?!

Sa ganitong paraan, I confessed my love!

Yung hindi nya maririnig, hindi nya malalaman at hindi nya mararamdaman!

But atleast, I follow my heart di ba?





















Decembers Love (Last Romance) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon