PLAGIARISM IS A CRIME.Welcome to the 1st chapter.
-Black_Angel
1.
This Feeling
Amy's POV
"ANO?! Sa tingin mo ba matatanggap ka nila para sa puwesto na ina-applyan mo? Eh tanga ka nga eh!"
"Nagpapatawa ka ba?"
"What a joke. Tanga talaga kahit kailan."
Yumuko nalang ako at napapikit ng mariin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang malapit ng tumulo. Ganon ba ka baba ang tingin nila sa akin? Nadudurog ang puso ko dahil kapamilya ko sila, pero 'yan naman din ang tingin nila sa akin. Isang tanga at isang malaking pagkakamali.
"S-susubukan ko lang naman po." Nauutal kong sagot.
"Sige! Bahala ka sa tanginang buhay mo! Lumayas ka nga sa harapan ko. Dapat nga hindi nalang kita kinuha sa walang hiyang ama mo. Bwiset!" Sigaw ng ina ko. Tiningnan ko ang iba kong magkakapatid pero tiningnan lang nila ako na para akong nagpapatawa. Umalis na sila sa harapan ko at inirapan pa. Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pintuan. Nanginginig akong umupo sa kama ko at nag-unahang bumuhos ang luha ko.
Napabuntong hininga nalang ako. Sinulyapan ko ang mga dokumento ko para sa aaplyan kong trabaho. Itutuloy ko pa ba? Lahat naman sila tutol dahil tama naman sila, isa akong tanga. Kung may higit pa sa salitang tanga, yun na yata ang masasabi ko sa sarili ko.
Nagdalawang-isip pa ako kung pupunta ba ako sa job interview. Hindi naman masama kung susubukan ko naman diba? Kahit ngayon lang, susundin ko naman kung ano ang gusto ko.
Pero ano ba talagang gusto ko? Ang sumunod sa kanila na para sa ikabubuti ko? Na sa ikabubuti ko ba talaga? O sumunod sa gusto ko na hindi ko alam kung matatanggap ako. Aba ewan.
Siguro nga mas mabuti kung susubukan ko kesa makinig sa sinasabi ng iba. Kahit sa isang pagkakataon lang naman.
***
Tumingala ako dahil sa taas ng building ng Alegro's Company. Ang taas. Ang yaman-yaman siguro ng may-ari nito. Sino namang hindi yayaman kung ang ibinebenta ng kompanya nito ay Men's Expensive Clothing and Perfumes at kilala ng buong mundo, at sobra pa sa halaga ng buhay ko.
Bumalik ang tingin ko sa entrance nito. Kaya ko 'to, wala nang atrasan.
Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papasok. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba. What if hindi ako matatanggap? What if mapapahiya ako? What if magkakamali ako? What if papairalin ko naman ang pagiging tanga ko? What if--- argh.
Inalis ko lahat ng what ifs sa isip ko. Mas lalong nagpapakaba 'yun sa akin ah. Shitzu, hindi ko na kaya. Malakas na kalabog ng dibidib ko lang ang naririnig ko. Hindi ko na mahawakan ng maayos ang hawak kong folders kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko dito. Ayos ko ng ayos ang sling bag dahil sa kaba ko.
Tiningnan ko muna ang sarili ko bago binuksan ang door ng main entrance. Nakasuot ako ng pencil skirt at white polo shirt kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Nakalugay lang ang buhok ko at simple make-up. Maganda parin naman ako kaya okay lang. Ops! Walang kokontra.
Pumasok na ako ng tuluyan. Dumiretso ako sa reception at kinausap ang babaeng nakaupo doon.
"Excuse me." Tawag ko sa kaniya. "Is Mr. Alegro a-available?" Pinipigalan kong hindi mautal pero lintek na yan, ba't nanginginig labi ko?!
"Anong kailangan mo?" Masungit niyang tanong.
Automatikong tumaas ang kaliwang kilay ko.
"I have already set an appointment. Mag-aapply ako." Kalmado kong sagot pero gustong-gusto ko nang ipahid ang lintek niyang pisnge sa sahig dahil sa sobrang pula. Ano 'yan, starwax?!Inirapan lang ako ng babae kaya halos lumuwa na ng tuluyan ang mata ko. Mas lalong tumalim ang titig ko sa kaniya. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Konti nalang mapupok-pok ko na talaga siya ng sandal ko.
Ilang sandali ay may tinawagan siya sa telepono, siguro si Mr. Alegro na 'yon. Salamat naman at napigilan ko pa ang sarili ko na mawalan ng kontrol. Masasabunutan ko na talaga' tong babaeng 'to.
"Just go to his office na. " Aniya pagkatapos padabog na nilagay ang telepono at inirapan ulit ako. Nakita ko ang pangalan niya sa kaliwang bahagi ng damit niya.
Sandra Oxion.
Tinaasan niya ako ng kilay nung mapansing nakatingin ako sa kaniya. Anong akala niya, nagagandahan ako sa kaniya? Eh mukhang mas matino pa nga ang mukha nung adik sa kanto namin kesa sa kanya.
Tinaasan ko rin siya ng kilay at inirapan. Tunalikod ako habang nagflip ng hair at dumiretso sa elevator. Nawala sa isip ko ang interview pati narin ang kaba ko, kaya thanks narin sa kaniya.
Pero ngayong naalala ko na, nanlamig ang buong katawan ko. Damn!
***
Nakayuko ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. Tinapak-tapakan ko ang sandal na suot ko kaya medyo nagkaroon ng marka. Kinakabahan ako pero hindi ko 'yon pinahalata sa nilalang na hulog ng langit na nasa harapan ko. Nabalik ako sa mundong Earth ng bigla siyang tumikhim.
"You are miss Amy Lorraine Villamor?" Tanong niya. Ang lamig ng boses niya nakakatindig-balahibo.
"O-o-opo." Nakakahiya. Ano ba 'tong ginagawa ko? Pinapahiya ko nanaman ang sarili ko at sa harapan pa ni Sir Alegro. Wow. Sir na agad?
"Why do you think that you will be fit for this job?" Aniya.
Tiningnan niya ako gamit ang mapupungay niyang mata. Parang nalulunod ako sa titig niya kaya napatitig ako sa kaniya ng husto. Nabalik ako sa ulirat ng bigla siyang tumawa ng mahina.
Lintek, sinasabi ko na nga bang makakalimutan ko yung linyang nirehearse ko! Pilit kong inalala kaya napatitig ako sa mukha niya ng hindi ko namamalayan.
Ano nga yun?
"Captivating isn't it?" Tanong niya na nagpabalik ako sa ulirat ko.
Parang tumigil ang paghinga ko at bumilis ang tibok ng puso ko nung ngumisi siya. Gusto kong mapahawak sa dibdib ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero baka mas lalo kong mapahiya ang sarili ko.
"P-po?" Magalang kong tanong pero ngumisi ulit siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo na ako kasabay ng pagkakahawak ko sa aking dibdib. What the heck is this feeling?!
"Miss Villamor?"
Lumingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatayo narin. Ngayon lang ako natauhan sa ginawa ko.
Oh. My. Gosh.
Dire-diretso akong lumabas paalis ng opisina ni Sir Alegro. Nakakahiya. Pakiramdam ko binuhusan ng pulang pintura ang pagmumukha ko dahil sa nararamdaman kong kahihiyan.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay napasabunot ako sa buhok ko. What the hell did I just do?!
"Nakakahiya! Sa harapan pa ni Sir Alegro. Argh. Ang tanga ko naman eh!" Sambit ko. Pinairal ko nanaman ang katangahan ko. Nagsisisi na ako kung bakit pa ako pumunta dito. Tama nga ang pamilya ko, tanga ako at isang malaking pagkakamali.
----
How was it? Comment for more.
-Black_Angel

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Teen FictionHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...