10.
Run away.
Amy's POV
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kompaniya. Kalahati lang ang naubos ko dahil bigla akong nawalan ng gana. Hindi ko alam bakit pero napapansin ko ang sarili ko na nagiging matamlay. Dahil ba gutom pa ako o dahil ba sa sinabi ni Aica?
Speaking of Aica, hawak-hawak niya ang braso ko at ngumiti ng pagka-tamis tamis. Binabati niya lahat ng napapadaan pero ako? Wala ako sa mood. Hindi ko pinapansin lahat ng tao sa paligid ko pati na rin si manong guard na grabe ang ngiti. Akala mo mawawalan ng trabaho pag malungkot.
Tapos bumati pa sa akin yung mga lalaking staff pero hindi ko na pinansin. Tse. Manigas kayo diyan, mga paasa. Akala niyo kapag nag-hi ako pabalik magiging close tayo? Pagkatapos yayayain ako at ginagamit ang salitang "will you go out with me?" at pagkatapos sisirain nanaman ang puso naming mga babae gamit ang salitang "Sorry, may mahal na akong iba." at aalis ng parang bula! Mga paasa!
"Amy!" Napabalik ako sa mundo ng bigla akong tinawag ni Aica. Tsk, napupunta nanaman ang utak ko sa space. "Oh, bakit?"
"Kanina pa kita tinatanong kung anong oras available si Zelo.
"Ha? Hindi, hindi siya available." Sagot ko habang sunod-sunod na umiiling. Hindi ko pa nga alam anong exact schedule niya ngayon kasi naiwan ko ang clipboard ko sa aking opisina pero sinagot ko parin siya. Pero bahala na, sigurado na ako. Joke, hindi pa. Kutob ko lang.
"Sayang naman." Dismayadong sambit nito at napanguso.
Hindi ko na alam anong nangyayari sa akin. Basta isa lang talaga ang pumapasok sa isip ko, naiinis ako ng sobra! Dahil ba sa sinabi niya o dahil ba ayoko lang talaga. Ewan. Mababaliw na talaga ako. Kasalanan ng lalaking 'yon. Tsk.
"Anong gagawin mo bukas? Food trip tayo, sama natin si Zelo."
Wow, akala mo naman na ganon sila close at nagawa pang itawag sa pangalan niya. At isasama pa sa food trip niya?
"Wag, busy siya." Maikling sagot ko. Muli itong napanguso at mas lalong bumigat ang pagkakakapit niya sa braso ko dahil hindi na siya straight maglakad. Napailing nalang ako. Grabe, hindi ako makapaniwala na nanghuhumaling siya kay Zelo. Ako? Wow, kinikilig bituka ko.
"Sige, una na ako Amy. Shopping lang muna ako, gusto mo sama?"
"Pagod ako, eh."
Sa huling pagkakataon ay napanguso ulit ito. Gusto kong kurutin ang pisngi niya dahil sa sobrang cute niya habanh ginagawa ito pero whatever, wala ako sa mood ngayon. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Ano ba naman 'to, vacation ko nga pero ang busy niyo. Di bale, next time nalang. I'll call you okay? Same pa naman number mo ngayon ano?" Mahabang usal nito. Ngumiti ako ng tipid at tumango. Yumakap ito sa akin at nagpaalam para umalis na.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang nakalabas na siya sa kompaniya. Nung nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, doon na ako napabuntong-hininga.
Anyare sa akin? Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Nahahawa na ba ako sa virus na pinagsimulan ng lalaking 'yon? At nagsinungaling ako sa kaibigan ko! Hays!
Napailing nalang ako at tiningnan ang kamay ko kung anong oras na pero shiz! Wala pala akong relong dala. At wala naman akong pambili. Dismayadong nilapitan ko ang isang lalaking staff na bumati sa akin kanina para magtanong.
"Kuya, anong oras na?" Tanong ko kaya napangisi ito. Napataas pa ang isa niyang kilay.
"Ay, si miss beautiful. Anong kailangan niyo?"
Hays, tinanong na nga siya anong oras na pero hindi man lang nakinig ng maayos. Pinigilan ko ang sarili kong sumbatan siya dahil nakakainis na. "Tinatanong ko lang po anong oras na kuya." Ulit ko.
Sinulyapan niya yung relo niya. "It's already 1:46." Napatango ako pero ang loko nginisian ako. "May i have your number, miss beautiful?"
TSE!
"No---"
"Villamor."
Agad akong napalingon sa nagsalita. The voice was so cold, dark and icy. Nagsisi pa ako dahil lumingon pa ako, ang tumawag lang naman sa akin ang iisang lalaki na ginagawa akong ewan. Kulang na nga lang mahimatay at matunaw ako sa titig niya.
"Sir!" Sigaw ng lalaking kausap ko kanina. Nakita ko pang yumuko ito bago dali-daling umalis. Nagkandarapa itong kunin ang gamit niya sa katabing lamesa, nahulog pa nga ang iba. Akmang tutulungan ko siya ng biglang magsalita ang katabi ko. "Let him."
Napangiwi nalang ako habang nakatingin sa lalaking pinupulot ang gamit niya. Bawal bang tumulong? Hay, kung hindi ko siya boss eh, kanina ko pa siya sinumbatan ng sobra. Yumuko muli ang lalaki at tuluyan ng umalis. Hinarap ko si Zelo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Kanina pa kita hinahanap. They said you're not around the company dahil may kasama ka. Sino bang nagsabing umalis ka, huh?"
Hindi ko na natiis at naikutan ko na talaga siya ng mata. Nakakainis kasi, nasa vocabulary ba niya ang salitang pahinga? Sobrang pagod ko kaya dahil sa rami ng papeles na inasikaso ko. Nakatulog pa nga siya. At lunch time ko na rin eh!
"Sir, lunch break ko na." Maikling sagot ko na mas lalong nagpakunot ng noo niya.
"But it's already done. See?" Tinuro niya ang orasan sa itaas ng entrance kaya napalingon ako. "So follow me." Tumalikod na siya mula sa direksyon ko at tumungo na sa elevator. Ang mga taong dapat maunang sumakay ay nagsipang-tabi muna para mapadaan ang so-called-hari sa itinatawag nating so-called-palasyo.
Tse!
Napairap nalang ako dahil sa inis. Suplado!
***
"Kelan ang next appointment ko?" Tanong ni Zelo tila pagod na pagod na. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang hawak kong clipboard na nilalaman ng mga appointments niya.
"7:30 with Darinel Parkoso." Sagot ko at pabagsak na umupo sa katabing upuan. Inayos ko ang suot ko at hinarap siya. Pagod na pagod na talaga ako, hindi na kakayanin ng katawan ko ang susunod na trabaho. Ang rami ko kasing ginawa kanina, pasikot-sikot ako dahil maraming pinahanap sa akin si Zelo. Dagdag pa ang laki ng kompaniya niya, akala mo naman isang lapag lang ang kompaniya niya.
"Uh, that marriage thing?" Reklamo niya at sumandal sa kinauupuan niya.
Darinel Parkoso, he's the stepfather of Aica. Hindi ko alam kung paano, basta nagulat nalang ako ng nagkaroon siya ng ganon. Hindi kasi niya ikinuwento, I respected her decision naman. Darating rin ang tamang panahon.
"Tsk." Napailing siya. Ako tutok na tutok sa susunod niyang sasabihin. "Cancel it."
Nagulat ako. Napaayos ako ng upo.
"Pero bawal raw po, importante ang meeting na 'to---"
"May alam ka ba?" Tanong nito habang tumayo at nakapamulsa. Nakataas pa ang isang kaliwa. Ang yabang talaga. Sarap bigwasin.
"Kaibigan ko si Aica, kaya alam kong ipapakasal kayo utos ni Mr. Parkoso." Page-explain ko nalang. Parang kumurot ng kaunti ang puso ko dahil sa sinabi ko. Anyare?
"That's why I don't like to." Lumapit siya sa akin at sumeryosong tumitig sa akin. Nakaangat langa ng tingin ko sa kaniya dahil sa nakatayo siya at nakaupo lamang ako. Mas lalong napakunot ang noo ko at napaatras ng upo. Ano nanaman bang gagawin ng lalaking 'to?
"So let's run away..."

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Fiksi RemajaHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...