3.
You're Accepted
Amy's POV
Sa huli ay napag-isipan kong kunin nalang sa CEO ang folder. Tutal, sa akin naman yun diba? May karapatan rin naman akong kunin 'yon, kahit gaano pa ka kapal ang mukha ko. Hindi ko parin maiwasang kabahan. Ano kayang tingin sa akin ni CEO?
Baliw?
Tanga?
May sira?
Walang modo?
Drug user?
Aba ewan. Sa kaniya na 'yon kung hindi niya sasabihin. Makakaharap ko ulit ang pinakasikat at pinakamayamang nilalang sa buong mundo. Eh ako? Tss.
Pumasok na ako habang suot ang damit ko kanina. I curled my hair kasi mas bagay naman 'yon sa akin. Simple make-up as always. Nung nakapasok ako, pinagtitinginan ako mostly ng boys. Ngumiti sa akin yung manong guard at bumalik sa pagkakatulog dahil nakapatong ang ulo niya sa magkabilang braso niya. Gusto ko sana siyang sigawan dahil hindi niya inaayos ang trabaho niya kasi pinagtitinginan ako dito. Nakakahiya kaya. Yumuko nalang ako at namula. Gusto ko ng magback-out pero para saan pa? Nandito na ako at kukunin ko lang kung anong akin.
"Excuse me." Sabi ko doon kay clown. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago bumalik sa katinuan. Aba may topak. Nagandahan siguro sa pagmumukha ko.
"Oh ano nanaman?" Masungit nitong tanong. Same as always.
"Is CEO---- I mean Mr. Alegro available?" Hindi na ako nanginig kasi kilala ko naman ang clown na nasa harapan ko ngayon. Inirapan niya lang ako bago tinaas ang kaliwang kilay.
"At ano naman ngayon? Pipilitin mo si Sir na tatanggapin ka kahit hindi ka naman nakuha sa trabaho?" She said and smirked. Aba't sinusubukan talaga ako nitong clown na 'to ah!
"You don't know anything so don't act like you know it all, Ms. Oxion." I confidently answered with a smirk. Sa tingin niya ba magpapatalo ako? Sinuswerte ba siya? "At may suweldo ka naman diba? Ba't nakulangan ng tela ang suot mo?" Pagpapatuloy ko.
Ang mukha niya hindi maipinta. Parang umuusok na sa galit ang ilong niya at magkadikit na ang magkabilang kilay niya. Gusto kong matawa dahil ang sarap niyang inisin. Sige, magpatawa ka pa clown.
Padabog niyang kinuha ang telepono kaya napangisi ulit ako. Victory!
Ilang minuto pa bago niya ibinigay sa akin ang telepono. "Oh, kakausapin ka daw." Napakunot ang noo ko. Ngayon, siya naman ang ngumisi. Ba't kinakabahan ako? Kinuha ko 'to sa kaniya at nilagay sa tenga ang telepono.
Hindi pa ako nagsasalita ay may sumigaw na sabkabilang linya.
"What the fvck? Diba sabi ko sayo wag kang pumunta dito?! Malaki kang kahihiyan!"
Napakagat ako sa labi at pumikit ng mariin. Nakakatakot kahit sa telepono lang siya kausap, paano na kaya kapag personalan na? Nanginginig ang labi kong sumagot.
"S-sorry p-po." Sagot ko. Nauutal ako dahil wala na akong ibang maisip kundi ang sinabi niya. Nakatatak na sa utak ko at parang hindi na maerase. Paulit-ulit siya nage-echo at parang may tumusok na karayom sa puso ko.
"Wait I'm----" Hindi ko na siya pinatapos at binigay ko na sa kaniya ang telepono. Pumihit na ako papaalis kasi hindi ko na mapigilan. Ba't sa ibang tao hindi naman ako nasasaktan ng ganito? Pero kung sa kaniya galing, parang nawalan ako ng buhay.

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Teen FictionHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...