2.The Future Secretary
Zelo's POV
"Dude naman, nakikinig ka ba?!" Tiningnan ko ng masama si Gray na nakaupo sa harapan kong upuan. What the fvck is his problem?
"Anong problema mo? Can't you see I'm busy?!" Inis na sagot ko. Inayos ko ang mga papeles na nakatambak sa lamesa ko at pabagsak na nilagay ulit.
"Ikaw dude, anong problema mo? Kanina pa ako salita ng salita dito eh ikaw naman ang hindi nakikinig. At bakit inis na inis ka, ang lalim naman ng iniisip mo." Aniya at nag-dekwatro. Sumandal ako sa kinauupuan ko at kinuha ang isang folder na nakatago sa drawer ko.
Amy Lorraine Villamor
Napangisi agad ako. Tatlong araw na ang nakalipas nung sinubukan niyang mag-apply. Nakakatawa ang mukha niya dahil pulang-pula at hindi maipinta. Gusto kong matawa dahil sa naging reaksyon niya. Ngayon lang siguro nakakita ng sobrang gwapo na katulad ko.
"Dude, ayan ka nanaman. Sino ba kasi 'yan at kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan?" Susulyapan na sana ni Gray ang hawak kong folder kaso agad ko itong sinirado at tiningnan siya gamit ang matatalim kong tingin. Lalaki nga pero may dugo namang tsismoso.
"What do you care? Visit me later Gray, may aasikasuhin pa ako." Malamig kong sagot. Tumayo nalang siya at tinapik ang balikat ko bago naglakad paalis. Sinirado na niya ang pinto kaya agad ko ulit binuksan ang folder.
Flashback:
"Captivating, isn't it?" I said and smirked. Nakita kong tumingala siya sa akin at lumunok. Pumikit siya ng ilang beses at yumuko ulit. Nakita ko pa ang pamumula ng mukha niya. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya. Ang gwapo ko talaga.
"P-po?"
Ang lambot ng boses niya. Ang nipis kaya parang ayoko ng basagin. What the hell am I thinking? Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko at parang may naramdaman akong lumilipad sa tiyan ko. Wait, am I being gay already?
Binalewala ko nalang ito dahil baka masama ang pakiramdam ko. Marami na kasi akong ginawa ngayong araw and I think I stressed myself too much. I should rest later.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo kaya automatic rin akong napatayo. Napansin kong napahawak siya sa dibdib niya at humihinga ng mabilis. Nagpanic ako pero hindi ko pinahalata. Is she alright? May masakit ba sa kaniya? May nararamdaman ba siyang kakaiba? What?!
"Miss Villamor?" Sambit ko kaya agad siyang napatingin sa akin. Nanlaki ang mata niya at dali-daling kinuha ang sling bag niya kasabay ng pagtalikod niya mula sa direksyon ko at nagsimulang maglakad. Napagtanto akong aalis siya kaya susundan ko na sana siya kaso agad sumirado ang pinto. Napatigil nalang ako. Someone answer me, is she alright?!
Napalingon ukit ako sa pinto nung narinig ko siyang nagsalita.
"Nakakahiya! Sa harapan pa ni Sir Alegro. Argh. Ang tanga ko naman eh!"
Napangisi ulit ako. Cute. Bumalik na ako sa upuan ko at tinitigan ang folder na nasa harapan ko. Maybe I should keep this for a while, wala naman rin akong magagawang masama dito. I can give it back to her kung babalik man siya. Paano kaya kung tatanggapin ko siya?
Agad kong binuksan ang folder to find her contact number. Then, I took my phone.
The future secretary.
Pagpapangalan ko sa kaniya. It's not bad, right? After all, she's cute. She's simply beautiful.
End of flashback.
Amy's POV
Lumabas na ako banyo dahil kakaligo ko lang. Pinasadahan ko ng towel ang buhok ko para mabawasan ang pagkakabasa nito. Bukas ay maghahanap ako ng panibagong trabaho, kasi alam ko namang hindi ako matatanggap sa pagiging secretary dahil sa mga katangahan ko. Tinapis ko sa buhok ko ang towel at pagkatapos ay binuksan ko ang cabinet para kumuha ng damit.
Nanigas ako ng nakita ako damit na sinuot ko nung pumunta ako sa Alegro's Company. Shit! Naaalala ko nanaman. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may nagkakarera sa loob ng tiyan ko. This is insane!
Napahawak nalang ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Unti-unting bumalik sa normal ang pintig nito. Napabuntong-hininga ako sa kawalan.
Ano ba 'tong nararamdman ko? Nang dahil sa katangahan ko, hindi na talaga ako matatanggap nito. Napahiya ko pa ang sarili ko sa harapan ng CEO ng pinakamayan at pinakasikat sa buong mundo. Shit!
Bumilis ulit ang tibok nito na aakalain mong lalabas na. I hate this. Alam ko na kung saan 'to patungo. I know this feeling already. Naramdaman ko' to last time, and I regretted it for my whole life. At ayokong pagsisihan ito muli.***
Nagising ako ng alas-kwatro ng umaga dahil tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Argh. Ang aga-aga naman para sirain ang beauty sleep ko. Sasabunutan ko talaga kung sino ang tumawag. Kinapa ko sa malapit na table ang cellphone ko dahil nakapikit parin ako. Hindi ko natingnan kung sino ang caller dahil hindi ko mabuksan ang mga mata ko.
Eh sa antok pa ako."Punyeta, sino ka at bakit tumatawag ka alas-kwatro ng madaling araw? Hindi available si Cutie Amy ngayon kaya tse!" Usal ko at inend na ang call. Bahala siya diyan sa buhay niya kung sino man 'yon, mamayang hapon ko na po-problemahin. Distorbo.
Matutulog na sana ako kaso tumunog naman ang cellphone ko. Irita kong dinukot ito mula sa ilalim ng unan at sinagot. Ngayon ko lang napagtanto na unknown caller pala' to. Naplano pa akong prankahin ah.
"Punyemas sino ka ba----"
"You're accepted."
Loading... 1%
Loading... 2%
ERROR!Teka-teka, anong ibig niyang sabihin? Mumurahin ko na sana ulit siya kaso naputol na ang linya. Ang pamilyar naman ng boses niya. Posibleng pinagloloko lang ako nito ah. Alam niyo naman ang panahon ngayon.
Pero posibleng hindi rin eh. Sino ba kasi 'yon? Ang lamig pero ang lambot at the same time. Simpleng pangungusap pero parang gusto ko marinig ng paulit-ulit. Hindi kaya----
"Prank lang." Sambit ko at binalik ang cellphone ko sa lamesa. Ipinikit ko ang mata ko at natulog na.
Nagising ako alas-nuwebe na ng umaga kahit alas-sais dapat. Nang dahil sa lokong tumawag sa akin ay late na akong nagising. Ngayon kaya ako maghahanap ng trabaho!
Nagbihis na ako at nagsuot na ng itim na pencil skirt at puting long sleeves para makuha agad ako. Nagsuot rin ako ng heels para bagay sa susuotin ko. Ganito kasi ang mga racket ko, dati natanggap ako agad kahit hindi ko pa binibigay ang bio-data ko.
Teka, nasaan na ba yung folder na naglalaman ng information at bio-data ko?
Hinanap ko sa drawer ko kung doon ko ba nilagay. Napakamot nalang ako dahil wala akong nadatnan doon. Hinanap ko sa cabinet pero wala rin. Sa ilalim ng kama, sa bookshelf, at sa lamesa na puno ng mga papeles pero wala.
Saan ko ba kasi yun nilagay----
0.0
Hindi kaya naiwan ko sa Alegro's Company?! Napagtanto ko na naiwan ko sa CEO ang folder na naglalaman ng bio-data ko! Punyetang katangahan nga naman oh! Ibang klaseng katangahan 'to! Napasabunot na ako sa buhok ko kahit bagong ayos ko lang nito.
Anong mukha ang ipapakita ko sa kaniya?! Ang kapal talaga ng mukhang 'to. Argh! Nakakainis. Babalik pa ba ako? Eh nandoon sa kaniya yung importanteng papeles ko. Wala na akong mata-trabahuan nito eh. Napasabunot nalang ulit ako sa buhok ko dahil sa inis.
"Gaga ka talaga kahit kailan, Amy!" Sabi ko sa sarili ko.
Ano ng gagawin ko?! I'm doomed!
Wrong timing ka kamalasan eh, kahit kailan.----
What do you think?
-Black_Angel
BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Teen FictionHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...