7.
O ayoko na ba talaga?
Amy's POV
"Stay with me, forever."
Ilang minuto akong nakatanga at hindi nakagalaw sa kintatayuan ko. Wala akong masabi. Seryoso ba siya? Hindi ako ganon ka tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya. But I'm not sure if iyon ba talaga ang totoong ibig-sabihin ng kaniyang sinambit.
"What do you mean?" I asked. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang nakatingin sa pinto. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking maleta at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Stay at my house then."
Then I laughed hysterically. What? His house? Nagpapatawa ba siya? Titira ang pulubing secretary niya sa isang overloaded sa yaman niyang boss? Sa iisang bubong? Ang isang taong kagaya ko titira sa isang bahay na nagmamay-ari ng isang demonyo? O tinatawag nating impyerno.
"Ahahahaha!"
I faced him while laughing. Napahawak ako sa tiyan ko at halos mapaluhod na habang seryoso siyang nakatingin sa akin. His hands are behind his back. Noong nakita ko siyang sobrang seryoso ay dahan-dahan akong napatigil sa pagtawa. Pagkatapos ay tumikhim ako. Ang KJ naman.
"Is there something I said funny?"
Heh. Putragis ka kahit kailan. Panira na, demonyo na, ang KJ pa. Pinaglihi ba siya ng kapeng 3 in 1? Pero kapeng malamig. Nakakainis na siya eh. Meron ba 'to siya ngayon? Tch.
"Wala naman." Sagot ko at huminga ng malalim. Nagkatinginan kami pero ako agad ang umiwas. Grabe, ang lamig ng mata niya bakas na walang emosyon. Nilaro ko ang kamay ko pero ilang segundo ay hinarap ko ulit siya.
"Aalis na ako." Wala kasi siyang masabi na maiintindihan ko. Wala siyang masabing magusutuhan ko. O tologo Amy?
Pipihit na sana ako paalis kaso pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko habang nasa kanan ang aking maleta. Pilit niya akong hinarap sa kaniya kaya napasubsob ako sa kaniyang dibdib. The hell! Anong problema ng demonyong 'to? Nakailan na ah.
"Where do you think you're going?" As the usual, napakalamig ng boses nito so kaya nanigas ako. Naaamoy ko ang manly scent niya sa kaniyang suot na nakakaadik. Hindi ako magtataka kung bakit yung ibang babae sobra pa sa pagiging tanga ko. Umaapaw na.
Hindi ko siya sinagot sa kaniyang tanong at hindi na ako gumalaw. Hinayaan ko nalang siya. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay eh, hindi ko rin siya maintindihan. Ano ba talagang gustong mangyari nitong demonyong 'to?
"Stay at my house." Inulit niya ang kaniyang inusal kanina. Pinatay ko siya sa isipan ko, masyadong mapilit! Hindi ko mahanap ang sagot sa mga tanong na lumulunod sa aking utak. And he needs to sail to answer it. Siya lang ang tanging makakasagot nito. Nalilito na ako ng sobra, like super!
Naramdaman ko ang hininga niya sa tuktok ng aking ulo at ang marahang paghaplos ng kaniyang kaliwang kamay sa aking ulo. Then I felt butterflies on my stomach. Wala na, nababaliw na talaga ako.
"Maghahanap nalang ako ng matitirahan---"
"And that's an order."
Then now, he's already dead in my mind. Tadhana, I blame you for everything. Bwisit!
***
Nakaramdam kong lumulutang ako at ilang sandali ay naramdaman ko ang paglapit ng malambot na kama sa aking likuran. It made me felt comfortable. Sobrang lambot ng hinihigaan ko at parang nakahiga ako sa mga ulap. This is heaven.

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Novela JuvenilHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...