9.
She's back.
Amy's POV
Back to work na naming dalawa ni Zelo kaya minsanan na ang aming pagkikita. Kailangan kasi naming paghatian ang mga papeles dahil masydaong marami ang naipasa sa kaniyang kompaniya. Mas lumalamang ang papeles niya kasi malamang, siya ang CEO. Kaya buong araw ako nababad sa sarili kong opisina. Halos sumakit na ang ulo ko dahil sa mga papeles na kailangan kong pag-isipan ng mabuti kung pipirmahan ba o hindi. Kailangan ng matinding pag-iisip.
Wait, may naalala ako dun ah?
Umiling nalang ako at bumalik sa pagta-trabaho para maagang makatapos.
***
"Zelo, natapos ko na." Kumatok ulit ako pero walang sumagot. Nahihirapan tuloy ako dahil sa karamihan ng papeles na binubuhat ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa ako pinapasok. Napakunot ang noo ko. Nakakainis, ang tagal namang sumagot ni Zelo?
Wala na akong nagawa at pinasok ang kaniyang opisina. Bumungad sa akin ang natutulog na nilalang. Nilapitan ko siya. Nagmumukha tuloy siyang anghel. Mukha lang kapag tulog. Dahan-dahan kong inilapag ang papeles na bitbit ko at pinatungan ng mabibigat ng bagay upang hindi mapalid.
Natapos narin pala ni Zelo ang trabaho niya kaya sobrang pagod ay nakatulog na. Ngumiti ako. Hinaplos ko ang mukha niya at umupo sa isang swivel chair. Naaalala ko pa ang mukha ko nung umapply ako dito para makapag-trabaho. Ang bilis talaga ng panahon, dati ay halos mamatay na ako sa nerbyos kapag siya ang kaharap ko. Pero habang tumatagal, bumubuo na ang galit ko tungo sa kaniya.
Nakakatawa talaga.
Umalis na ako doon bago pa ako masampal ng katotohanan na isa talaga siyang masamang nilalang. Napailing nalang ako. Paliko na sana ako kaso may nakabunggo ako. Unang lumanding sa lupa ang pwet ko kaya dumaing ako dahil sa sakit.
"Oh my, I'm so sorry. I didn't mean to---"
Nagkatitigan kami ng nagsalita. Hanggang sa parehas kaming natauhan.
"Aica?"
"AMY?!"
Sabay pa kami. Ilang segundo kami nagkatinginan hanggang siya ang unang tumili. Napatalon siya at tinulungan akong tumayo. Kahit nagtataka ay ngumiti nalang sa kaniya pero ang OA naman niyang maka-react. Aica will always be Aica. Siya 'yan eh. Hindi niya tinatago ang totoong siya.
"I didn't mean to bump you! I'm so sorry, Amy!"
Tumango ako at ngumiti ng malapad sa kaniya. Namiss ko na rin siya dahil ay matagal na kaming hindi nagkita. Busy kasi siya sa kaniyang career at ako maraming pino-problema. Hindi ko na siya nabigyan ng time noong nag-break kami ng ex ko.
"Anyways, may gagawin ka ba?" Tanong nito. Umiling ako bilang sagot. Tapos naman ako sa lahat ng trabaho ko. At malapit na rinang lunch time kaya susulitin ko na. "Hindi naman."
Tumili siya at agad akong hinila. Nagparaya nalang ako. Wala na akong magagawa, kapag siya na. Siya talaga ang masusunod kasi sabi niya pa meron siyang sense of fashion and taste. Edi go.
"Marami talaga akong gustong i-chika sa'yo, Amy!" Ngumiti ito ng malapad kaya napangiti rin ako. Patuloy siya sa paghihila sa akin kaya wala na akong ibang ginawa kundi sumama. Napansin kong dinala na niya ako sa labas ng kompaniya. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta!"
***
"Kamusta ka na pala? I heard that you're the new secretary of the Alegro's Company! Big time ka ha?!" Usal ni Aica at sumubo ng pagkain. Ngumiti ako pabalik.

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Fiksi RemajaHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...