4.He's Here
Amy's POV
Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas pero parang isang taon na akong nagta-trabaho bilang sekretarya ni Sir Alegro--- or should I say Zelo.
Inis kong pinatong sa lamesa niya ang nakatambak na papeles na pina-asikaso niya sa akin. Para akong namumuhay sa isang impyerno. Hindi--- namumuhay talaga ako sa isang impyerno! Wala na siyang ibang ginawa sa isang linggo kundi inisin, pagtripan at bwisitin ako. Araw-araw niya itong ginagawa. Parang ako na ang nagiging CEO nito dahil halos ako na ang gumagawa sa araw-araw niyang dapat gawin.
"Tapos na po, Sir Alegro---"
"I already said stop calling me that."
Sa isip-isip ko, gustong-gusto ko na siyang patayin. Gusto kong umirap kaso baka mas lalo niya akong parusahan. Nakakainis lang ah. Wala na akong panlaban lalo na't I'm under him.
"Sorry po---"
"And I told you to stop saying polite words."
And again, pinatay ko na siya sa isip ko. Grabe talaga 'to siya. Bilib na bilib na ako! Gusto ko siyang balibagin kaso makasuhan pa ako nito at malagay sa front page ng dyaryo. Argh.
"Sorry." Then naglakad na ako paalis ng bigla siyang magsalita. Ano nanaman bang gusto nitong demonyong 'to?
"Samahan mo ako mamaya, after lunch. May pupuntahan tayo."
"Okay... Zelo." Argh! Hindi talaga ako sanay kapag mismong pangalan niya ang tinatawag ko sa kaniya. I mean, pwedeng sir nalang rin diba? Or Mr. Alegro? Or even CEO kung pwede lang! Hindi kasi ako kumportable kapag unang pangalan niya ang ginagamit kong pantawag sa kaniya. Last time I did that, pinagtitinginan ako ng babae sa hallway na parang may ginawa akong isang krimen.
My whole week in this company was hell! Pasalamat nalang dahil sa malaking sweldo ay napa-oo agad ako! I mean, 30 thousand for a month? Sinong tanga ang hindi magta-trabaho dito? I just signed the contract for 2 years, ibig sabihin maraming pera na ang makikita ko at maaahon ko na ang pamilya ko sa kahirapan.
Pipihitin ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas. Then he came in. Nanigas kaming dalawa at nakipagtitigan pero siya ang unang umiwas. Umirap ako. Yumuko ako at pinadaan siya. Isang rason kung bakit parang impyerno ang buhay ko--- nandito siya. Binigay ko sa kaniya lahat-lahat, he was my every first. First kiss, first love and first everything. Pero hindi ko inaasahan he would also be my first heartbreak. He's actuay here, my ex-boyfriend. Tch.
Noong una ko siyang nakita sa kompaniya--- oo, nagkita kami sa kompaniya, I was lost in my thoughts. This is actually what happened.
"Nagbibiro po ba kayo, Mr. Alegro?" Tanong ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdman kong saya dahil tanggap na ako sa trabaho.
"Do you think I'm joking?"
Hindi. Halos mapatalon na ako sa saya. Sabi niya magsisimula raw ako sa Lunes. Nagpaalam na ako paalis at tumango siya bilang sagot. Tumalikod na ako at papunta sa pintuan kaso biglang bumukas ang pinto ng opisina.
"Bro, ano problema. Hindi ka pumunta sa---" He stopped looking at his phone nung nakita niya ako. Naka-pangalawang tingin rin siya sa akin. We froze. Tiningnan ko siya ng diretso but all I could see was--- our past. He changed. Sa buhok, sa pananamit, at mas lalo siya naging gwapo.
May narinig kaming tumikhim.
"I think you can go now, Miss Villamor. Baka kasi makuha ka niya." Usal ni Mr. Alegro at tumawa ng bahagya.

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Teen FictionHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...