8.
Brother.
Amy's POV
"Here."
Tinapon nito sa mukha ko ang isang red loose shirt. Kasi kaniya naman itong mga sinusuot ko. Agad ko namang itong sinalo at pinandilatan siya. Ugh, umagang-umaga pero mukhang nasira na ang buong araw ko! Kahit hindi pa nagsisimula! Nakailan na siya sa pang-iinis niya. Sarap upakan.
Hindi ko na yata kayang makasama siya ng isa pang araw. Pang-tatlong araw ko na dito sa kaniyang mansyon pero mukhang magta-tatlong taon na. Mas gusto ko yatang magtrabaho nalang kesa walang freedom. Kaso ang demonyo sinabing;
"No. You have to serve me here, dito ka nakikitira at lahat ng ginagawa ko para sayo ay mayroong bayad. Not everything's free, you know?"
Ugh. Nakaka-bwisit talaga diba? Hindi ko na talaga kaya. Ang sama talaga ng demonyong 'to. Sabagay, may demonyo bang mabait?
"Oh, lalabas ka ba o lalabas ka?" Nakakairitang tanong ko. Nakasandal lang naman ang loko sa pintuan habang nakangising tinitingnan ako. Kelan ba mawawala ang ngising 'yan? Hinihintay ko lang naman siyang lumayas sa kwartong 'to dahil magbibihis ako. May bisita raw kasi siya. Pero sa tono nito parang ang magiging bisita niya hindi welcome sa sarili niyang pamamahay. Nakakapagtataka.
Napailing nalang ito at ngumisi ulit. Ang sarap tanggalin ng labing 'yan para hindi ko na makikita hanggang kailan ang nakaka-bwisit na ngising 'yan. Lumabas na siya kaya agad kong ni-lock ang pintuan, mahirap na at baka masilipan pa ako. Not my oh-so-precious-body.
Nakasuot ako ng medyo mahabang shorts at ang damit ni Zelo. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko. Inayos ko ang aking buhok at nilugay ito kaya bumagsak ang magandang kulot ng aking buhok. Humiga muna ako sa kama ko para makapag-pahinga ng ilang sandali.
Teka, kama pala ni Zelo.
Hindi ko alam sa mokong 'yon at sinabing hindi nalang ako dito matutulog at sa guest room nalang ako mag-stay. Naabot yata ng tanghalian ang aming pagtatalo dahil sobrang mapilit ang demonyong iyon. In the end, siya ang nanalo. Naalala ko pa lahat ng sinasabi niya para hindi ako makatulog sa guest room ng manyon na 'to.
"Kanino bang mansyon 'to, ha?"
"Is this place yours?"
"Stop talking, or else I'll let you leave this place."
"May multo sa lahat ng guest rooms ko. Dati nga doon namatay ang isa sa mga katulong ko, do you still like to stay there?"
At dahil sa phobia ko sa mga multo at sa katangahan ko, pumayag na akong dito sa kwarto niya matulog. Hindi ko mabilang ilang beses ko ng sinabi ang salitang 'demonyo', 'nakakainis', 'bwisit', at 'nakakairita'.
**
Nakarinig ako ng tunog ng doorbell. Marahil ay bisita na iyon ni Zelo. Pinatay ko ang TV at agad tumuntong sa itaas para tawagin si Zelo. Ayoko namang ako mismo ang bubukas, bisita niya iyon eh. Nakakahiya naman.
Kumatok ako ng tatlong beses pero wala namang sumagot. Binuksan ko ito pero wala akong nadatnan. Naririnig ko lang mula sa banyo ang tunog ng shower. Argh, ang timing maligo eh noh? Kanina pa sana siya naligo pagkatapos ko.
Ang sama talaga kahit kailan!
So ako na ang bubukas? Oh well, wala naman rin akong magagawa. Alangan naman sisirain ko ang banyo para mismong sigawan harap-harapan ang masamang lalaki sa buong mundo? Tapos naka-hubad pa? Luh, grabe naman yata ang inabot ng imagination ko. Hay Amy, nahahawa ka na yata sa lalaking 'yon.

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Teen FictionHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...