11.
His Abs
Amy's POV
"Po?"
Ano raw? Run away? Nababaliw na ba siya? Grabe, nakainom ba 'to? Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Adik siguro. Ang drama te.
"I don't want to marry her." Kumunot ang noo niya at dahan-dahang umupo sa kaniyang swivel chair.
"At bakit?" Pabalang na sagot ko. Nakakapagtataka kasi, maganda naman si Aica, mayaman, masikap, mabait at successful pa. Wala na yatang kulang sa kaniya. Perfect na kumbaga. Wala ka ng hihilingin pa. Sobrang swerte yata ng makakatuluyan niya kung nagkataon.
"Pero hindi siya ang nagpapatibok ng puso ko."
I scoffed. Wow. Akalain mo naman kung sinong nagsasalita. Parang may puso rin eh noh? Nakakatawang isipin na isang lalaki kagaya niya ay magsasabi ng ganiyan. Like, I was expecting less.
"Edi wow." Bulong ko sa sarili at napaikot ng mata.
"May sinasabi ka?" Tanong niya kaya napatayo ako ng matuwid.
"Wala." Maikling sagot ko at humarap sa direksyon ng pintuan. "Alis na ako. May gagawin pa ako." Niyakap ko ang papeles na hawak ko at dire-diretsong lumabas. Wala na akong ibang sagot na narinig mula sa kaniya kaya sinirado ko na ang pinto.
Napatitig pa ako sa pintuan ng ilang sandali. Napabuntong hininga ako sa kawalan.
Panibagong mysterio naman para sa araw na 'to. Nakakalito pa! Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'yon. Hays!
***
Ginawa ko lahat ng trabaho hanggang sa pumatak na sa alas-dose kaya sobrang antok na ako. Pakiramdam ko mahuhulog na ang mata ko at babagsak na ang katawan ko ilang sandali.
Salamat naman at natapos ko rin lahat ng dapat kong gawin. Tumayo na ako at lumabasnang opisina ko. Naglakad ako tungo sa opisina ni boss kong suplado. Bagsak na siguro yun. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto niya.
"Come in."
Gising pa pala.
"Zelo, patapos ka na ba? Ako na ang tatapos niyan." Suhestyon ko.
Kahit labag sa kalooban ko.
"I'm already done with my paper works kanina pang 11:00. Ikaw nalang ang hinihintay ko."
Kumunot ang noo ko.
"Dapat po nagpasundo na po kayo tungo sa mansyon. Kaya ko naman pong sumakay ng taxi sa labas." Napasimangot ako. Hinintay niya ako? Nasapian yata 'to ng mabuting espirito.
"It's dangerous. At alam kong pagod ka na. Let's go?" Tanong nito. Concerned? Wala na akong nagawa kundi tumango at sumunod. Hindi ko rin naman siya mapipigilan eh, siya naman parati ang masusunod. Atsaka, nangyari na ang dapat mangyari.
Dumiretso na kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan pa kami ng driver niya, at walanghiya. Itong klaseng sasakyan nanaman ang gamit niya. Hambog talaga, eh. Isang Lamborghini Veneno Roadster ang dala niya. Paano ko nalaman ang brand? Eh siya kaya ang mismong nagsabi!
Pero... Ako naman ang nagtanong.
Hindi ko first time makasakay dito pero naninibago talaga ako. Pang-apat kong sakay 'to, at sobrang kumportable. Nakakantok rin ang lamig.
Tahimik lang kami buong biyahe. Dahil siguro sa sobrang pagod wala na kaming lakas para magsalita. Ayoko narin makipag-usap, sayang ang laway ko. Wala naman ring importantemg sasabihin sa kaniya. Masusungitan lang ako niyan.
Pagkarating namin sa mansyon ay agad kaming pinagbuksan ng so-called-butler niya. Natatawa ako sa pangalang butler eh nung first time ko. Naaalala ko pa 'yun, nung first time kong makarating dito.
"Amy, meet Alfred." Malamig na tugon ni Sir Zelo. Napayuko ako dun sa Alfred at ngumiti ng matamis. I think he's on the late 30's na. "My butler." Dagdag pa niya.
Napatawa ako. Ano daw? Butler? Pwetler?
"Pfft." Natawa ako sa mga naiisip ko. Kaloka ko talaga.
"Why are you smiling?" Tanong ni Zelo habang naglalakad kami papasok ng mansyon. Hindi ko pala napapansin na nakangiti na ako.
"Wala lang."
Binalewala niya na lang ang sagot ko hanggang sa nakapasok na kami.
Agad siyang bumagsak ng higa sa kaniyang sofa at naglabandera ng higa. Naghubad siya ng suot niyang coat and tie, sapatos at medyas at hindi pa nakuntento at hinubad pa ang suot niyang polo.
Tingnan mo naman 'to, parang walang babaeng nakatayo sa harapan niya? Ang hambog talaga, eh! Akala mo merong abs--- ay, meron pala talaga.
Oh my gosh! Umiwas kaagad ako ng tingin dahil sobrang tagal ko ng nakatitig sa kaniya---mula sa paghuhubad niya hanggang ngayon! Pakiramdam ko namula ang buong pagmumukha ko dahil sa ginawa ko.
Pero sadyang walang pake ang lalaking 'to at tumihaya pa ng higa at pumikit. Walanghiya talaga ang lalaking 'to!
Hays!
Umakyat na ako sa ikalawang palapag na sobrang dikit ang magkabilang kilay at nakasimangot. Nakakainis, nakita kaya niya ako habang nakatitig sa kaniya?
Pero syet--- ang abs lang talaga! Ilang packs kaya' yon? Kitang-kita ko rin ang v-line niya malapit sa kaniyang pantalon. Oh my---!
What the hell am I thinking?! Diyos ko. Ba't ganito ba ang iniisip ko? Umabot na sa kabilang dako ng mundo at tumalon papuntang impyerno.
Diyos ko talaga.
Dumiretso ako sa kwarto ko--- sa kwarto niya pala, at nilapag ang mga kagamitan ko. I locked the door. Mahirap na baka biglang buksan ni Zelo ang pinto. Demonyo pa naman 'yon.
Pumasok ako sa banyo at hinubad na ang damit ko. I took a shower before wearing my silk robe na pinahiram sa akin ni Zelo. It was her sister's robe pero, nasa ibang bansa kasi siya kaya naisipan niyang ito muna ang gagamitin ko. I wrapped my hair with a towel and went outside the bathroom.
Pero halos lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan at lumuwa ang mga mata ko ng madatnan ko si Zelo na nasa kama! At hindi lang 'yon!
Nakaboxers lang siya!
"AAAAAAAAAHHHHHHH!!"
"What the fuck?!" Napagulantang siya at napabangon kaagad. Napalingon siya sa aking gawi gamit ang masama niyang tingin habang ako, hindi makapaniwalang nakikita niya akong naka-robe.
My cleavage was even showing and this robe is too short!
And here he was! Wearing nothing else except for boxers!
Pero agad kaming napalingon ng bumukas ang pintuan.
"Hey bro----"
Mas lalong bumuhay ang kaba sa dibdib ko at napakapit ako sa mga damit na dala ko. Si Zelo naman parang binuhusan ng malamig na tubig.
Sinong hindi magugulat?!
Pumasok naman si Zeil Haron Alegro, kung hindi niyo siya kilala, siya lang naman ang nag--isang lalaking kapatid ni Zelo! And I'm sure by now, kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa isip niyan!
Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Zelo. And I'm saying ny silent prayers now.
Sana lalamunin na ako ng lupa! Ngayon din!
BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Fiksi RemajaHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...