6.
Stay with me, forever.
Amy's POV
Saturday. Finally, Saturday came. Para naman makapagpahinga ako. O may pahinga pa ba talaga ako?
"AMY PUTRAGIS HUGASAN MO MGA PLATO DITO! TAMBAK NANAMAN!" Sigaw ni Lara, yung nakakairita kong kapatid. Binugbog niya na rin yung pinto ng kwarto ko dahil sa lakas ng katok niya at may kasama pang sipa. Inirapan ko nalang siya dahil sa inis. Hindi niyo alam kung ano-ano ang mga naranasan ko nung nagta-trabaho ako. I just came from hell--- este work. Akala ko nga may pahinga ako pero--- akala lang pala. Tss.
"OPO! PAPUNTA NA!" Sagot ko.
Pinusod ko ang buhok ko at nakapambahay ang aking pananamit. Napabuntong-hininga ako bago lumabas ng kwarto habang nakangiti, kahit hindi naman ako masaya. Ganito ang talento ko, ang tinatakpan kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko.
***
"PUTRAGIS NAMAN AMY! GANYAN KA NA BA TALAGA KA TANGA?!" Halos magkaroon na ng earthquake dahil sa lakas ng boses ni Mama. Napapikit ako. Napatawa nalang ang dalawa kong kapatid na magkakambal at ibinato ako ng mga nakaka-insultong salita. Once again, my heart was shattering.
Sinisigawan niya lang naman ako dahil nabuhos ko ang juice at nabasag ang pitsel. Hindi ko naman sinasadya, kasi si Lana, ang isa kong kapatid ay pinatid ako kaya ako nawalan ng balanse. Kaya ayun, natapunan ko si Mama ng juice at halos lumabas na ang ugat niya dahil kaniyang galit sa akin. Gusto ko silang itama dahil hindi ko naman pagkakamali iyon pero, alam kong hindi nila ako paniniwalaan. Wala naman talaga maniniwala sa akin. Kahit sila.
Nanatili akong nakayuko.
"TANGINA! SANA NGA HINDI NALANG KITA KINUHA SA TARANTADO MONG AMA! ANG AMA MONG MANLOLOKO!"
Hindi ko na kinaya. Ayos lang kung ako ang iniinsulto nila. Ayos lang kung ako ang sinasaktan nila. Ayos lang kung ako iyon, pero hindi. Ama ko na ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko papalampasin 'to. Sobra na, kailangan ni Papa ng maayos na pakikitungo kahit alam kong, kahit alam kong wala na siya.
"Tama na!" Nagulat sila sa pagkakasigaw ko. "Nasasaktan na ako! Sana nga hindi niyo nalang ako kinuha sa kaniya kasi hindi ko kayang marinig lahat ng sinasabi niyo kahit pamilya ko kayo."
Mabigat ang paghinga ko. Napatigil ang pagtawa ng magka-kambal at masamang nakatingin sa akin. Si Mama, parang hindi makapaniwalang nakasagot ako sa kaniya. Lumampas na silang lahat sa linya. Hindi ko na kaya. Hindi ko na hahayaang masaktan ako ng paulit-ulit.
"Walang hiya ka talaga! Kagaya ka lang ng ama mo! Lumayas ka na sa pamamahay ko!" Sigaw niya. Hinarap ko siya habang patuloy na umaagos ang pesteng luha na 'to. Kailan ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko tanggap na ilalayas niya ako sa pamamahay na tinirahan ko simula aking pagkabata. Simula noong kinuha ako ni Mama sa kanila. Siguro, makakasama ko pa si Papa ngayon kung hindi nila ako kinupkop. Sana magiging masaya ako at walang tinatagong problema at sakit kung nandito pa si Papa. Pero wala eh, hinding-hindi mo na maibabalik ang nakaraan.
"Tama po kayo." Napatigil sila sa sinabi ko. Ang tangi ko nalang gawin ngayon ay, tanggapin ang katotohanan. "Lalayas na po ako. Hindi ko na kayang tiisin lahat ng insulto niyo! Hindi ko na kayang harapin ang pamilyang kagaya niyo!" Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na dumapo sa pisngi ko. Uminit ito at ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot nito. Parang walang katapusan ang pag-agos ng luha ko. Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko. Ang itinuring kong pamilya ay sinaktan ako at ilalayas ako na parang isang maruming aso.

BINABASA MO ANG
The CEO And ME
Fiksi RemajaHe's the CEO of a company that sells Men's Expensive Clothing and Perfumes. He's goddamn rich. In just a snap of his fingers, he gets what he wants. She's just a secretary of this company. Kailangan niya pa paghirapan ang gusto niyang makuha. What...