Chapter 5

491 9 0
                                    

5.

It's because you're special to me.

Amy's POV

Sana lalamunin na talaga ako ng lupa ngayon din. This would be the perfect time. Nagsukatan lang sila ng tingin at wala yata silang planong itapos ito. I stood there waiting what's about to happen next. Lumalaki ang tensyon sa pagitan nila kaya hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.

"Uh, Zelo--- I mean sir, ito na yung--- ito na po yung mga papeles, natapos ko na Zelo--- sir." Nagkandautal-utal pa ako dahil ayokong marinig ni Gray kung paano ko tawagin si Zelo ng--- Zelo. Urgh.

Ilang minuto pa bago sila matapos magkamatayan ng tingin. Nakaramdmam ako ng akwardness sa atmosphere. Parang ang hirap huminga.

"Let's go." Malamig na sagot ni Zelo. Napalunok ako at biglang nakaramdam ng kaba. Hindi pa ako nakasagot ay hinila niya na ako palayo kay Gray. Hindi na ako lumingon because if I would do that--- I think everything will change.

"I told you to come with me after lunch. Then why did you go to him, huh?" At tumigil siya sa paglalakad. Malayo na kami kay Gray at nasa hallway na kami kung saan wala ng tao. Hinarap niya ako at tiningnan ako gamit ang mapupungay niyang mata. Syet! Nakalimutan ko yung tungkol doon. Nakakainis tala yung dalawang putragis na babae na 'yon!

"Sasabihin ko nalang sa'yo mamaya sir---"

"And I told you to stop calling me that!"

Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Maririnig mo na yata sa kabilang building kung gaano ito kalakas. Sorry naman, tao rin ako, nakakalimot. Hays!

"At ikinakahiya mo ba ang pagtawag sa akin by my first name?" Tanong niya. Naalala ko nanaman ang ginawa ko kanina kaya naramdaman ko nalang na uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi naman sa ikanakahiya ko--- well technically, nakakahiya talaga para sa akin. I'm just his secretary, baka kung ano na pa ang iisipin nila.

"M-maybe?" I answered. Pumikit ako ulit kaya biglang pumasok sa isip ko nung hinalikan ako ni Gray kaya pakiramdam ko mas lalong uminit ang pisngi ko. Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko. Nagustuhan ko ba? Ba't hindi ko siya pinigilan? And mostly, ba't ayaw kong humiwalay sa pesteng halik na 'yon?!

"What's with the face?" Ang lamig talaga ng boses niya. Sunod-sunod akong umiling. Ano ba 'yan, CEO--- este Zelo. Nakakahiya. Alam mo naman ang rason diba? Ang obvious kaya!

Hinila niya ulit ako kaya nabitawan ko ang pagkatakip ng kamay sa mukha ko. Papunta kami sa opisina niya. Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa special couch niya raw. Kumunot agad ang noo ko.

"Diba sabi mo exclusive lang ang couch na 'to?" Tanong ko. Last time kasi pinagawa niya sa akin lahat ng trabaho niya kaya sobrang napagod ako. Uupo na nga sana ako kaso naalala ko ang sinabi niya;

"That couch are only exclusive for special persons."

Napatayo agad ako nun at nagmamadaling umalis. That was just my second day kaya hindi pa ako sanay sa behavior niya. Hindi ko pa alam anong gagawin niya sa akin kaya akala ko papatayin niya ako that time. May sinabi siya pero hindi ko na narinig kasi pabagsak ko na isinarado ang pinto.

Lumuhod siya para magka-level kami. Nakaupo lang ako habang nakaluhod siya sa harapan ko. He was looking at me intently. He was looking deeply at me, my entire soul. Almost taking it.

"I already told you last week, you're special to me. Can't you remember?"

Just like that, biglang timigil ang oras. Everything went slow motion. I felt butterflies on my stomach. My heart was rapidly beating na parang lalabas na sa dibdib ko. Naririnig kaya niya? Kasi ako, nabibingi na ako sa lakas ng kabog nito.

The CEO And METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon