Mula sa malalim at kilalang pag iibigan nina Elias at Felicidad na nababalot ng mahiwagang storya mula sa baryo ng San Pablo.
1910
Kilala si Felicidad at Elias sa kanilang baryo bilang mag kasintahan, tuwang tuwa ang lahat sa tuwing magkasama sila, kaya't naging mahirap sa kanila ang maghiwalay lalo na't tanggap sila ng lahat. Tumagal pa ang panahon at naging kampante sila sa isa't isa kaya't pumayag si Felicidad na labas-loob ng bansa ang kasintahan dahil sa trabaho nito. Para narin sa kanilang pangarap na magkaroon ng maganda at maayos na pamilya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon nagkasakit si Elias. Kaya't umuwi sya ng Pilipinas para doon magpahinga.
Elias's POV
Feli? Feli? "Sigaw ko habang papasok ng bahay"
Elias! Ikaw ba yaaan? "Sigaw nya habang tumatakbo papunta sakin"
Teka? Bakit hindi ka man lang sumulat sakin na uuwi ka dito? Ni hindi man lang ako nakapaghanda ng paborito mong ulam. Tsaka bakit ka nga pala umuwi? Tapos na ba ang visa mo sa america? "Sunod sunod nyang tanong sakin pero sa halip na sumagot ako niyakap ko lang sya ng mahigpit."
Hindi ko masabi sa kanya na may sakit ako, mag aalala lang sya at ayokong mapawi yung sayang nararamdaman nya ngayon.
Oh? Bakit nga umuwi ka? "Tanong nya ulit"
Bakit hindi ba pwedeng umuwi dito, namiss ko kasi yung mapapang-asawa ko kaya napag desisyunan kong tumigil muna dito. "Sabi ko at ngumiti"
Teka? Teka? Dati ayaw na ayaw mong umuwi kasi gustong mong mag ipon para sa kasal natin? "Tanong nya"
Syempre uuwi ba naman ako dito ng walang ipon? "Sabi ko at hinalikan sya sa noo"
Sige, ipagluluto muna kita! Ano bang gusto ng asawa ko? "Sabi nya ng nakangiti, na halos hindi na maglaho sa mukha nya"
Hmmm, siguro yung pinaka paborito kong luto mo. "Ani ko at tumawa ng nakakaloko"
Ano nga?
Yun bang pritong isda na sing itim ng pwet ng kaldero. Hahahaha "sabay tawa ko ng malakas"
Hoy! Napakagaling ko kayang chef!
Kaya pala lahat ng lang ng luto mo, sunog! Hahaha
Hindi na talaga nawala sayo yang pang-aasar mo!
"Sigaw nya habang nagluluto sa kusina"Flashforward............
Elias? Elias? Bumangon ka nga! "Nagising ako sa tawag nya sakin"
Oh? Feli? Bakit? "Pagtatanong ko"
Di mo man lang ba nahalata yang likod mo, pawis na pawis! "Pagsisigaw nya at agad naman akong napatayo."
Ah, wala lang to mainit kasi ang panahon kaya siguro pinagpawisan ako. "Ani ko"
Sige, saglit lang at kukuha muna ko ng tubig. Punasan mo yang pawis mo at magpalit ng damit. "Sabi nya at inabot ang bimpo at damit"
Ngunit sa mga pagkakataong ito, hindi ko na maitago ang sakit na aking nararamdaman, minu-munuto na syang naglalaba ng mga damit ko dahil palagi akong nagpapalit dahil sa pagpapawis ko.
Ano ba naman yan elias! Kung mag pa-check up ka na kaya! Baka malala na yang kondisyon mo! Di mo ba alam na wala pang isang segundo na paglagay ko ng bimpo sa likod mo halos isang balde yang pawis mo, kulang na lang parang naglalaba ko kakapiga ng bimpo jan sa likod mo! Bukas na bukas pumunta tayo sa doktor para malaman yang sakit na iniinda mo! "Pagsisigaw nya sakin na para ba kong bata kung pagalitan"
BINABASA MO ANG
Memories in Time (Reincarnation)
Historical FictionHave you ever met someone for the first time, but in your heart you feel that you've met him before? Each night, when I go to sleep, I die. And the next morning, when I wake up, I am reborn.