Kabanata III

92 54 18
                                    

2010

Sa ilang taong paglalakbay ng espiritu ni Feli sa iba't ibang lugar na kanilang pinupuntahan ni Elias. Hinanap nya ito sa kabilang buhay ngunit siya'y nabigo, at hindi na muli pang nakita si Elias.

Feli's POV

Patuloy parin ang paghahanap ko sa kanya, nakakaramdam na ko ng pagod at wala ng ganang maglakbay pa.

Pagod ka na ba? "Isang malaking tinig mula sa taas ang aking narinig."

Hinayaan ko lang at patuloy parin ang aking paglalakbay.

Narito ako upang ika'y tulungan sa iyong paghahanap. "Salita muli niya."

Tumingin naman ako sa taas, kaliwa at kanan ko pero wala namang kaparehas kong kaluluwa ang nagsasalita.

Nais kong pakinggan ang tinig mo dalaga. "Salita mula sa kanya"

Ngunit paano? Sa paanong paraan? "Sigaw ko habang umiiyak."

Alam kong pinahirapan mo ang sarili mo upang masundan lamang sya dito mula sa kabilang buhay, narito ako upang ika'y tulungan. May isang dalagang ina ang gustong ipalaglag ang kanyang magiging anak, gusto mo bang mabuhay muli sa panibagong taon, at pamumuhay? Sumunod ka sa liwanag at malalaman mo ang kasagutan. "Sagot niya"

Sinundan ko ang liwanag at nakita ko ang bawat sulok ng siyodad,
Napaka panibago na nito, may roon na ring makabagong teknolohiya ang kanilang pinapagana upang makabuhay sa mga taong may malulubhang sakit. Kung nabubuhay siguro kami ni Elias sa panahong ito, mabubuhay kami ng maayos at matagal.

Ganito na pala ang siyodad ngayon! Napaka-makabago na at maayos na ang mga gusali at sasakyan. "Mangha kong sabi"

Ngunit may nakita akong isang dalagang umiinom ng pampalaglag habang umiiyak. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang ginagawa ito. Gusto ko syang tulungan ngunit hindi ko magawa dahil sa aking kalagayan ngayon.

Bakit niya ginagawa iyon? Hindi nya ba alam ang mangyayari sa bata? Ganito na ba ngayon ang pag uugali ng mga kabataan?

Kung gusto mo syang tulungan, halika pumasok ka sa kanyang sinapupunan. "Sinabi ng nasa itaas"

Ha? Anong ibig nyong sabihin? "Naguguluhang tanong ko"

Pumasok ka sa kanyang sinapupunan, iba ang kanyang kapalaran. Hindi malalaglag ang batang kanyang dinadala ngunit ito'y itatapon nya sa isang basurahan. Halina, sa iyong pagbabalik mula sa mundo maari mo ng mahanap ang matagal mo ng hinahanap, mabubuhay ka sa iyong mukha, ngunit iba ang iyong pamumuhay mula sa nakaraan. Sa edad mong 18 maaalala mo ang lahat ng nangyari mula saiyong nakaraan, sumasangayon ka ba?

Sa mga nasabi niyang iyo ako'y napangiti.

Sino ba namang hindi papayag na makita muli ang kanyang minamahal. "Ngiti ko at pumasok sa sinapupunan ng dalaga."

Sana sa paraang ito makita at makilalang muli kita.

Memories in Time (Reincarnation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon