Riva's POV
Papunta na kami sa misteryo na baryo ng San Pablo at hinanap ang tungkol sa nagmamahalang sila Felicidad at Elias
Nagtanong tanong kami sa ilan sa pinakamatanda sa baryo
At lahat ng taong nakatira dun ay nagtitinginan saamin, yung iba natatakot yung iba natutuwa, kinikilig. At nabibigla.
Manong, may kilala po ba kayong Elias at Felicidad dito? "pagtatanong ni John"
At nakatitig lang saaming dalawa yung manong.
Naka ilang libot na kami sa baryo pero halos lahat yata ayaw kaming makausap.
Nagulat na lang kami ng may biglang lumapit saming matandang lalaki na kanina pa kami tinitingnan.
Hija, Hijo? Hinahanap nyo ba si Elias at Felicidad?
Oho, kilala nyo po ba sila?
Maari nyo po ba kaming dalhin sa kanila? "sunod-sunod na tanong ni john"
Dinala kami ng matandang lalaki sa lumang bahay ni Elias at Felicidad na syang naging sikat na istorya sa kanilang baryo.
Ang pinakamatandang bahay mansyon sa baryo.
Nakilala namin si Inay Isyang, 90 years old.
At hirap na sa pagkilos at pag salita ngunit pinilit nya parin kaming tulungan sa kabila ng mga nararamdaman nya.
Bakit nyo hinahanap ang magkasintahang si Elias at Feli? "sabi ni Nanay Isyang na nabigla ng nakita kaming dalawa"
May gusto ho kaming malaman tungkol sa kanilang dalawa. "sagot ko"
Halikayo, ipapakita ko sainyo kung nasaan sila. "tinig ni Inay Isyang na hirap maglakad"
Inalalayan naman siya ni john.
Dinala nya kami sa likod ng mansyon ni Elias at Feli.
Nabigla kami ng nakita naming may isa pang bahay doon, kung saan doon nakalagay ang kanilang puntod, kahit sa kanilang pagkamatay ay napaka gara parin ng puntod nila.
Patay na sila?
Napaka-bata pa pala nila ng mawala.
Ipinanganak si Feli sa buwan ng June at si Elias naman sa buwan ng July parehas na parehas lang saaming dalawa. Nagkaiba lang sa taon. "ani ko habang pinagmamasdan ang puntod ng dalawa"
Hindi na rin daw naabutan ni Inay Isyang ang dalawang mag kasintahan, dahil kapapanganak lang sakanya noon, nakwento na lang rin sakanya habang lumalaki sya sa baryo. At nasalin-salin na rin sa iba kaya may roong gumawa na mga manunulat ng kwento ng buhay nila.
Kung gusto nyong makilala ng lubos ang magkasintahan, pumasok kayo sa mansyong iyon, mayroong isang matandang libro roon, at doon nyo mahahanap ang sagot tungkol sa kanilang pagmamahalan. "sabi ni Inay Isyang"
Hindi na ko makapaghintay, gusto ko ng malaman ang tungkol sa kanilang dalawa, at kung paano napunta saamin ang memorya nila.
BINABASA MO ANG
Memories in Time (Reincarnation)
Ficción históricaHave you ever met someone for the first time, but in your heart you feel that you've met him before? Each night, when I go to sleep, I die. And the next morning, when I wake up, I am reborn.