Kabanata XVIII

27 25 29
                                    

John's POV

Dinala ko si Riva sa isang sikat ng Restaurant dahil alam kong gutom na sya. Papasok na kami sa resto at hindi na naalis sakanya yung atensyon ng buong paligid ng restaurant. Kulang na lang i-capture ng mga mata nya yung bawat view ng restaurant at i-save para di nya makalimutan. Manghang mangha sya at ang cute nyang tingnan. Agad naman akong humanap ng table namin para makapag order agad.
Binigay ko yung menu pero ayaw nya, mahiyain naman pala tong babaeng to. Pero kung sigawan ako noon halos mawalan na ko ng buto at kaluluwa sa lakas. Hahaha. That's why I like her..... So much!

Nagtataka naman ako ng parang may kinukulikot sya sa ilalim nung table, napaliyad naman ako ng onti sa upuan ko at nakita ko yung keypad-phone nya, at nag pa-flash-flash pa. Hahaha natatawa ako kasi bakit hindi nya itaas para makita yung buong view ng resto.

Anong ginagawa mo? "Tanong ko at sumilip sa ilalim nung table"

Ah! Wa-wala! Makati kasi yung tuhod ko. "Sabi nya"

At agad naman nyang binulsa yung phone nya, at myphone pa yung tatak.

Pagkatapos nito punta tayo sa mall, may bibilhin lang ako. "Ngiti komg sagot at hinawakan yung buhok nya"

Kita ko naman sa mata nya yung kilig pero pinipilit nyang hindi kiligin at ngumiti. Hahahaha. Pa hard-to-get pa tong babaeng to. And again! That's why..... I like her! SO MUCH! grabe na-hit ako ng sobra ni Kupido sa kanya! And I'm so thankful dahil sa babaeng to ako na-inlove. Napaka simple. :)

Nag rent naman ako ng banda dun sa resto yung tumutugtog ng sweet old songs para maganahan naman kaming kumain. Hindi naman mawala sakanya yung ngiti.

Mall~

Papasok na kami sa mall at nakita kong bigla syang tumigil sa gitna at dinipa yung dalawang kamay, yung ginawa ni Rose nung asa titanic sya.  HAHAHAHA feel the fresh aircon Riva!

Napalapit naman sya sakin.

Uy? Bakit hindi ako nasusuka sa aircon dito? "Sabi nya na sya kong kinatuwa"

HAHAHAHA open kasi! And hindi ka mahihilo kasi napakalaki ng space. "Sabi ko"

Hinila naman nya ako kung saan-saan at kung ano-ano yung tinuturong mga laruan at pagkain. (Pagkaing bata guys) natatawa ko kasi hindi na sya nahihiyang mag palibre sakin. And okay lang sakin ang sarap kaya sa pakiramdam na hawak nya yung mga kamay mo, palad sa palad habang tumatakbo. :)

Umupo naman sya sa bench, napagod si baby girl. HAHAHA

Now, It's my turn! "Sabi ko at tumayo kahit pagod na"

Ha? Di pa nga ako nakakapag-pahinga e."at humiga naman sya sa bench, higa ng pulubi sa kanto yung nakayakap sa dalawang tuhod."

Hahaha ang cute nyang tingnan kahit nakakahiya na.

Tara na! May bibilhin pa ko. "Sabi ko at binuhat sya pang kasal"

Ibaba mo na ko! Sasaman naman ako e. "Sabi nya at nag pupumiglas."

Binaba ko naman sya at sinusundan nya ako.

Pumunta kami sa 3rd floor bilihan ng mga android phones at apple.

Woooow! Bibili ka ulit ng phone mo! "Sabi nya at nagsimula na namang tumakbo mag-isa"

Tinitingnan nya yung mga android phone at pumasok sa apple store balik na naman sa android. Para bang bata at tuwang tuwa sa mga tester na cellphones. Todo pindot. Hahaha. Hinahayaan ko lang syang mag-tingin at hindi nya talaga tinatanan yung phone na isa. "Iphone 7"

Memories in Time (Reincarnation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon