KABANATA XXVII

22 15 2
                                    

Super Flash Forward

Riva's POV

Lumipas ang tatlong taon, naging kami na rin ni John, 2 years and counting.... Graduate na kami ng high school and 2nd year college na kami. Medyo malayo na kami sa isa't isa, hindi na katuoad ng dati, minsan na lang sya bumibisita dito. At tanggap na rin ako ng pamilya nya, itong si China naman bumalik ng state para dun mag aral. Mabuti naman, at si Jebongz bumalik sila ni tita ng probinsya para dun magtrabaho.

Palagi na rin ako nakakapanaginip ng tungkol kay Elias at Felicidad, pero hindi ko malaman kung sino nga ba sila. Napaka gulo ng kwento at napaka mysterious nya ang alam ko lang namatay silang dalawa. Hindi naman ako isang paranormal expert para dalawin nila at humingi ng hustisya kung may nag-maltrato sa kanila diba? Pero bakit parang saakin sila humihingi ng tulong?

Anak? Papasok ka na ba? "tanong ni Nanay at pumasok sa kwarto ko"

Ah nay, mamaya pa pong hapon ang pasok ko pupuntahan ko lang si John ngayon.

Ah ganun ba, nga pala anak sa susunod na buwan uuwi tayo ng probinsya.

Bakit po nay?

Eh kasi itong si tita mo pinababalik ako tsaka may naghahanap na rin sayo dun. "sabi ni nanay at ngumiti saakin"

Naghahanap? Sino naman daw po? "tanong ko"

Napaluha lang sya at ngumiti ulit, at lumabas na ng kwarto.

Hindi ko alam, pero bakit bigla akong kinabahan?

Nay, aalis na ho ako. Babalik rin po agad ako.

Sige. Mag-ingat ka.

Papasakay na ko sa jeep ng nakita ko yung kotse ni John malapit saamin. Pumunta naman agad ako at nakaupo lang sya habang natutulog.

Pumasok ako sa kotse at mukhang nananaginip sya. Pawis na pawis sya at lumuluha. Ginising ko naman sya.

John? John? John? "habang niyu-yugyog sya"

Feli! "sigaw nya"

Nagising sya at biglang yumakap sakin.

Feli? "tanong ko sakanya"

Napatingin naman sya at napalaki ang mata.

Riva? "Sabi nya"

Sino pa ba? "sabi ko"

Wa-wala. "sabi nya at pinaandar yung kotse nya"

Sino si Feli? "tanong ko pero hindi parin sya umiimik sakin."

Tila ba mukhang nagiging cold na sya simula nung nagbirthday sya.

Sino nga si Feli? "tanong ko ulit"

Imbis na ako yung napapag inipan nya. Iba?

Wala yun. San ba tayo pupunta? "sabi nya"

At bakit ako ang tinatanong mo, eh ikaw nagyaya sakin kagabi. "sabi ko at tumingin sa gilid"

Napatahimik kaming dalawa.

Ano bang problema mo ha? "tanong ko"

May problema ba? "tanong ko ulit"

Ha? Wala naman akong problema ha, ikaw ano bang problema mo? "sabi nya'

Hindi sya tumitingin sakin.

Nung nakaraang linggo ka pa ganyan eh. "sabi ko"

Ganyan? "tanong nya"

Napaka cold mo na, hindi na kita makausap ng maayos. Hindi ka na pumupunta sa bahay. Ilang araw na, san ka ba pumupunta? "sabi ko pero hindi sya tumitingin sakin"

Wala ngang problema. "maikli nyang sagot"

Maghiwalay na lang tayo kung ganyan lang din. Ibaba mo na ko. Ihinto mo yung kotse. "sabi ko"

Napatigil naman sya at napatingin sakin na tila pinipigilan niyang maiyak.

Maghiwalay? "sabi nya"

Oo, uuwe na ko! "sabi ko at lumabas ng kotse"

Sinusundan nya parin ako pero hinahayaan ko lang sya.

Lagi na lang wala yung sinasabi nya, kahit halatang halata naman. Yung usapan naming pupunta sya sa bahay hindi na nya nagagawa, tinatanong ko sina tita at tito kung nasaan sya. sabi nila buong araw na lang daw wala sya. San ba sya pumupunta.

Nakauwe na ko ng bahay at hindi na nakapasok dahil sa kakaisip sa kanya.

Anak, nanjan sa labas si John pinapapasok ayaw nya kakausapin ka daw nya.

Hayaan nyo po yan.

Nag-aaway ba kayo?

Wala na ho kami.

Ha? A-anak bakit? Anong nangyare?

Mahabang istorya nay. Kelan ho ba tayo pupuntang probinsya pwede bang bukas na po. "sabi ko kay nanay habang nag iimpake na ng gamit"

A-anak wala pa tayong pamasahe eh. Mag i-ipon palang ang nanay. At tsaka baka lalo kang ma-stress dun. "sabi ni nanay"

Mas maganda ho dun nay, maaliwalas ang hangin. Kesa dito puro polluted ang nalalanghap ko. -__-

Sige susubukan kong mag ipon kaagad anak.

Nay, may ipon ho ako dito ito na lang ho gamitin nating pamasahe.

Anak naman, pera mo yan. Inipon mo yan.

Puntahan ko lang si John. Pauuwiin ko na, gabing-gabi na.

Sige ho, paki sabi nay aalis na tayo at wag na syang babalik dito.

Totoo na ba yang desisyon mo? Sigurado na ba?

Opo, sure na sure. Dun na sya sa bagong babae nya.

Napa-iling lang si nanay at dumiretso papalabas para kusapin si John.

A/N: grabe antagal bago ma-update. Hahahaha nagreview pa kasi ako para sa qualifying exam ko. (SKL) mwehehe. Sa mga nagmessage sorry sorry. 😟 Nag flash forward na ko kasi nakalimutan ko na yung susunod na kwento sa tagal ng pag a-update ko. 😑

Memories in Time (Reincarnation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon