Kabanata XXVIII

26 10 18
                                    

John's POV

Sa pag dating ng kaarawan ko, tila ba nanaginip ako. Isang babaeng mahal na mahal ako, babaeng pinakasalan ko kahit nanghihina na ko.
Iniintindi at inaalagaan ako, hindi nawala sa tabi ko. Araw araw ko syang napapag-inipan, ang ganda nya.

Siya si Felicidad, ang tawag ko sa kanya ay "Feli"

Hindi ko na napupuntahan si Riva, hindi ko na sya nadadalaw at hindi na rin ako nakakapasok sa kakahanap kay Feli.

Pero ilang linggo na at hindi ko parin sya nahahanap.

Magkikita kami ni Riva ngayon, papunta na ko sakanila at bigla na naman akong napapikit. Inihinto ko muna yung kotse ko, alam kong mananaginip na naman ako.

Feli! "sabi ko at niyakap sya"

Mamimiss kita, at ng buong baryo ng San Pablo. "sabi nya at umiiyak habang hinahatid ako papunta sa airport"

Mahal na mahal kita.

Mahal na mahal din kita, bumalik ka ha. Mamimiss mo yung luto kong adobo at inihaw na isda. "ngiti nya"

Niyakap ko sya ng mahigpit, parang hirap na hirap akong iwan sya.

John? John? John?

Nagising naman ako at napa-yakap sakanya.

Feli! "sigaw ko"

Napatingin naman ako sakanya at si riva. O__O

Nananaginip pa ba ko?

Sino si Feli? "pagtatanong nya"

Hindi ako makasagot kasi mukhang isang imahinasyon ko lang ang lahat. At hindi sya maniniwala.

Napatingin naman si riva sakin ng masama.

Hanggang sa nagsimula na yung away namin at sinabi nyang mag hiwalay na kami.

Hindi ako makagalaw, para bang ang sakit sakit nung sinabi nyang iiwan na nya ko.

Bumaba sya ng kotse at sinusundan ko sya. Naghintay ako ng matagal sa labas. Hanggang sa ginabi na ko.

Nakita ko naman si Nanay na papunta sakin kaya lumabas ako.

Nay, Si Riva ho? "tanong ko"

Anak, kung ano man ang problema nyo. Hayaan mo muna ang anak kong mag-isip, kung talagang mahal mo sya, tatanggapin mo ang desisyon nya.

Napaluha lang ako sa sinabi ni nanay.

Umuwi ka na, gabi na. Nga pala, baka magbakasyon muna kami sa probinsya. Wag ka ng pupunta dito kasi wala naman tao. Mag-aral ka ng mabuti ha.

Sabi ni nanay at bigla akong napahinto sa pag iyak.

Sa-saan pong probinsya?

Dumiretso lang si nanay papasok ng bahay nila.

Nay! Nay! Saan pong probinsya?

Pero hindi nya ko sinagot.

Naghintay ako hanggang umaga.

Hindi ko pinapansin yung tawag ni mommy, 25 missed calls na.

Mommy Calling.....

Mom! ano ba kasi yun! Kagabi ka tumatawag ah! Hindi nga ko makakauwe diba!

A-anak, ang yaya Isidro mo kasi inatake sa puso.

H-ha! S-si Yayaaaa!

Sa mga napakinggan ko, mas lalong gumuho ang mundo, dali dali akong sumakay ng kotse at mabilis pinatakbo.

Hindi ko mapigilan yung luha ko, hindi ko alam kung pati si Yaya iiwan na rin ako. Siya na lang ang sandalan ko. :(

Nakarating na ko sa Hospital at pinuntahan agad si Yaya, pumasok ako at nakita kong umiiyak si Mommy, at si Daddy naman chini-check si yaya.

Anak, andyan ka na pala. "sabi ni mommy at hinawakan ako sa likod"

Wag mo kong hawakan. "sabi ko at dumiretso kay yaya"

Medyo maayos na ang lagay nya ngayon anak. "sabi ni dad"

Hindi ko mapigilang umiyak, wala ako sa panahong inatake sya sa puso. :( ayokong mawala sya sakin.

Gawin nyo lahat para gumaling si yaya. Sya na lang ang sandalan ko. Wag niyong hayaang pati sya iiwan ako katulad nyo. "sabi ko at tumungo"

John! "sigaw ni Dad"

Lumabas naman yung mga nurse na nagbabantay kay Yaya.

Yan ang tingin mo samin, iniwan ka namin. Kami nga yung laging nandyan para tustusan ka sa pag aaral mo. Binabayaran namin lahat ng mga pangangailangan mo, binibili namin ang gusto mo. "sigaw ni dad"

Sa tingin nyo matutumbasan ng pera nyo yung sinasabi nyong pag aalaga at pagmamahal! Pera lang inambag nyo hindi alaga! "sigaw ko at lumabas ng emergency room"

Dali-dali ko naman kinuha yung phone ko para tawagan si Riva.

Sorry, the number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Nakapatay phone nya, hindi ko maiiwan si Yaya dito. Lalo na't malayo ang pamilya nya sa kanya.
:( ayokong magising sya ng wala ako sa tabi nya.

Memories in Time (Reincarnation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon