Kabanata XXXVI

15 5 9
                                    

Riva's POV

Nakauwi na kami, at hindi parin mapawi sa mga mukha namin ang katotohanan.

Pa-paanong nangyare yun. Hindi ako makapaniwala sa lahat, mukhang sa teleserye ko lang napapanood ang mga ganoong pangyayare.

Napatingin naman ako kay john at bakas parin sa kanya ng pagkagulat.

Ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay saka hinalikan.

Kahit ano pa ang natuklasan natin, hindi parin mawawala yung pagmamahal natin sa isa't isa. "Sabi nya at ngumiti."

Sinagutan ko naman sya ng isang malaking ngiti.

Hindi ko akalaing sa ganoong pangyayari ay itinadhana talaga kami.

Papasok na kami sa bahay ng nakita kong maraming bagahe ang nasa labas.

N-nay? Nanay? Mama? Jebongs? Saan ho kayo pupunta? "Sigaw ko sa kanila"

A-anak! Kanina ka pa namin hinahanap ang alam namin ay nasa maynila ka! Susmaryosep kang bata ka! "sigaw ni nanay"

Pinag-alala mo kami anak. "sabi ni mama"

May pinuntahan lang ho kaming dalawa ni john.

Pupunta na sana kami sa maynila, buti na lang nakaabot ka pa! "sigaw naman ni jebongs na parang galit na galit"

Ganun ba! Pasensya nay, ma. Hindi na ho mauulit. "sabi ko at niyakap sila"

Talagang hindi na! Dahil babantayan na kita! -___-" "sigaw ulit ni jebongs"

Mabuti pa, pumunta na tayo sa maynila, para maihatid na natin tong si john at mukhang hinahanap na rin ito sa kanila. "sabi ni mama"

Inilagay na nila sa kotse lahat ng bagahe at sumakay na.

Natawa naman ako at pag-sakay pa lang namin sa sasakyan ni mama ay napasuka na agad si jebongs.

Jebongs! Kelan ka ba titigil sa pag-suka! Bata ka! Mahiya ka naman sa kanila! "ani ni tiya mayet"

Hahaha ngayon ka magyabang jebongs! Hahahahaha "tawang-tawang sabi ko"

Hindi naman sya makapagsalita dahil hirap na hirap sa pag suka.

Kanda-ugaga naman si Tiya Mayet sa pag haplos ng likod nya.

Ayan napakarami mo pa namang kinain kanina, sayang lang dahil sinuka mo na! "sigaw ni tiya mayet"

Hayaan nyo ho sya tiya, mawawala rin yan. Sabi ko naman sayo jebongs diba, na sanayin mo na ang sarili no sa aircon. HAHAHAHA "malakas kong tawa at halatang pikon na sya sakin"

Sa ganitong paraan na lang ako makakaganti sakanya hahahaha.

Lumipas ang mga oras at nakarating narin kami sa maynila sa bahay ni mama. Nahatid na rin namin si john sa bahay nila.

Hindi ako makapaniwala tita! Malaki na nga bahay nyo sa probinsya! Pati din pala dito! "sigaw ni jebongs matapos makarecover sa mala-impyerno nyang buhay sa kotse"

Nasaan na nga ho pala ang mga kasama nyo dito tita? "tanong nya ulit"

Hindi nya talaga mapigilan yung sarili nyang hindi mag salita. Tsss -___-

W-wala akong kasama, itinaguyod ko ang sarili ko sa ibang bansa at nag pundar dito sa pilipinas. Andun kasi lahat ng kamag-anak namin ni riva sa ibang bansa. Ang lola at mga tita nya. "sagot ni mama"

Ah ganun po ba? Nakakalungkot namang kayo lang mag-isa dito noon. Kaya nyo ho ba hinanap si riva? "tanong ni jebongs"

O________O

O________O

O________O

Napatigil naman kaming lahat nina nanay at napatingin sakanya.

A-ah ano ka bang bata ka! H-halika nga dito! Ayusin mo tong mga gamit natin! H-hindi ka talaga nag iisip! "sigaw ni tiya mayet at sinarado ang kwarto nila"

A-aray nay! Masakit! "sigaw ni jebongs"

Ah, magpapahangin lang muna ako sa terrace anak, at vienna. "ani ni nanay"

Tumango naman ako at napatingin kay mama.

Lmapit ako sakanya at yumakap.

Ma, wala na ho sakin ang nakaraan. Ang nandito na ngayon ay ang ngayon. Ang kasama ko kayo at nina nanay. :) "sabi ko at ngumiti sakanya"

Patawarin mo ko anak. Mahal na mahal ka ni mama. "tanging sagot ni mama"

Mahal na mahal ko rin ho kayo. "sagot ko"

Hindi nya mapigilang maluha, at hindi ko rin mapigilan.

Para saakin napakasaya parin ng buhay ko dahil dumating si nanay para kupkupin at alagaan ako. :)

Memories in Time (Reincarnation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon