May isang lugar kung tawagin ay Laon ang lugar na ito ay tahimik na pook at masagana sa lahat.. Trabaho, Pagkain at iba pa. Iyong aakalain na sila'y binibiyayaan at pinoprotektahan ng may taas dahil sa kanilang pamumuhay.Sa lugar na ito ay kilalang kilala ang pamilyang CHOIR sila ang pinakamayamang naninirahan rito.. lahat ng tao ay sinasamba sila dahil naniniwala sila na ang pamilyang choir ang nagdadala ng swerte para sa kanilang lahat.. Sampung taon pa lamang ng tumira ang pamilyang choir sa kanilang lugar at ang lugar ng laon ang pinakamahirap na pamayanan noon. Kaya naniniwala silang ang pamilyang ito ang nagdadala ng biyaya para sa kanilang lahat. Kaya naman buwan-buwan ang mga tao na nagbibigay sa kanila ng supply ng pagkain, mga hayop at iba pa.
Pero kagaya ng ibang kwento ang lahat ay pawang kasinungalingan lamang.. ang alam ng lahat ng tao sila ay mababait, mapagkumbaba at matulungin. Ang kanilang pinapakita ay kabaliktaran kung ano sila sa labas. Sila ay masasama, walang-awa at sakim.
Ang mag-asawang ELIZABETH CHOIR at FRANCINE CHOIR kasama ang kanilang mga anak na dalawang babae na sila GLORY at JANE CHOIR at ang nag-iisang lalaki na si TOPPER CHOIR. Silang lahat ay magkatulad ng ugali "kung ano ang LAKAD ng matandang alimango siya rin ang lakad ng alimangong bata". Katulad ng kanilang magulang sila rin ay ubod ng sakim at sama.
Bago sila napadpad sa lugar ng Laon ay galing sila sa lugar ng ABBIS katulad ng Laon ang abbis ay masagana at tahimik na lugar. Ang pamilyang choir ay pinalayas sa lugar na ito dahilan na rin sa kanilang masasamang gawain at hindi naglaon at nalaman ito ng pamilyang KEAST. Ang pamilyang keast ang pinaka kilalang pamilya hindi lamang sa kanilang lugar kundi sa iba pang pamayanan. Dahil sa inggit at galit ng pamilyang choir.. ay binihag nila ang nag-iisang anak na babae ng pamilyang KEAST ang unang plano nila ay patayin ang siyam na taong gulang na batang babae para makaganti sa pamilyang keast.. nguni't nagbago ang kanilang isip na mas makakabuti kung hahayaan nila na mabuhay ito para mas maramdaman ng pamilyang keast ang pangungulila at paghihinagpis.Ngayon ay ganap na itong dalaga sa edad na labing-siyam na taong gulang.. hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niya na binuhay pa siya ng pamilyang choir o mas pipiliin nalang niyang mamatay. Dahil sa sampung taon niyang kasama sila ay ganun rin katagal ang pagdurusang naranasan niya sa kamay ng mga ito. Kinulong siya sa isang silid kung saan hindi siya makakatakas na may isang maliit at sirang sira na kama, maliit na bintana,banyo at nagsisilbing ilaw niya sa gabi ay lampara na kung minsan ay wala pa. Kung minsan nga ay hindi pa siya pinapakain ng mga ito at binubugbog pa siya ng dalawang anak na babae ng mag-asawang choir.. sinusugatan ang bawat parti ng kanyang katawan lalong lalo na ang kanyang mukha dahil sa inggit ng mga ito dahil hindi rin maikakaila ang gandang taglay nito na namana niya sa kanyang mga magulang.
ipinapangako niya sa kanyang sarili na makakatakas rin siya sa kamay ng masasamang pamilyang ito at ipadadanas niya ang hirap at sakit na naranasan niya at hinding hindi siya titigil hangga't nabubuhay pa ang mga ito.
Dahil siya si
KADEN ROISE KEAST ang tatapos sa buhay nila.A/N:
Sana po nagustuhan niyo ang unang pahina ng kwentong ito..
😊😊Kung maaari lamang po na kayo ay mag like at magbigay ng komento.. tatanggapin ko po iyan kung ito po ay negatibo at positibo..
Ako po ay lubos na nagpapasalamat.🙏🙋🙋
BINABASA MO ANG
KADEN
ActionMay isang dalagang matagal nang nakakulong sa isang silid ng pamilyang choir hindi lamang siya kinukulong kundi sinasaktan din siya ng mga ito. May pag-asa pa kaya siyang makatakas o pang habang -buhay niyang matitikman ang impyerno sa kamay ng pami...