Hinihingal na huminto sa pagtakbo ang dalaga dahil sa matagal niyang nainiligaw ang mga lobong humahabol sa kanya..
"Kaasar naligaw na ata ako...! Bwisit na mga asong yun.. ang bibilis tumakbo ang hirap pang iligaw.."
Sabi ni kaden sa kanyang sarili habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa kanyang tuhod.Nagpalinga linga sya sa kanyang paligid at napansin niyang nasa pinakaloob na siya ng kagubatan..masasabi niyang nakakatakot nga ang loob ng gubat pero dahil sa pagod,gutom at uhaw ay naghanap na lamang siya ng mapapahingahan.. at hindi na lamang pinansin ang nasa paligid niya...
Kung papansinin pa niya ang mga ito ay tinatakot lamang niya ang kanyang sarili kahit hindi naman talaga sya nakakaramdam ng takot.
Umakyat na lamang ang dalaga sa puno at nagpahinga dahil sa malalim na ang gabi ay agad naman siyang nakatulog.
***
"Mahal na hari.. sasamahan po namin kayo kung saan man kayo pupunta."
Ani ni rocco sa kanilang hari na si Seirge Von Knight o mas kilalang tawaging knight.Si Rocco Ascorb ay tapat na kanang kamay ng haring si knight.. hindi sya umaalis sa tabi nito at lage lang itong nakabuntot sa kanilang hari kung saan man ito pupunta... kung tutuusin nga ay magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa.
"Wag kanang mag abalang sundan ako rocco..pupunta lang ako sa gubat."
Sabi ni haring knight kay rocco habang inaayos niya ang kanyang kasuotan patungo sa gubat."Te-teka wag mong sabihin na babalik ka na naman sa FORBIDDEN FOREST.?"
Napasigaw ito sa gulat na sabi niya sa kanyang hari."Sinisigawan mo ba ako rocco?".
Tanong nito kay rocco"Patawad mahal na hari.. nag-aalala lang ako sa inyo."
Sabay yuko nito na tanda ng paghingi ng tawad."Pero.. wag nyong ilihis ang usapan mahal na hari.. anong gagawin nyo po doon sa gubat na iyun"
"Papaslang.."
Ani niya na may malamig na boses dito."Ah.. pa-paslang lang pala.ah hehehe.."
Sabay pilit nitong tawa ng mahina dahil sa kalamigan ng boses ng kanyang hari."Oo... papaslang lang naman ako ng KAGAYA mong maiingay at makukulit."
Idiniin pa talaga nito na talagang mapapaslang na siya ng hari.
"Ah hehehe... marami pa pala akong gagawin.. ahh..!! Aalis na po muna ako mahal na hari."
Sabi ni rocco na may kaba sa dibdib kaya agad itong umalis sa harap ng hari at baka tutuhanin niya ang gagawin nito sa kanya.Tsk..! Duwag talaga.
Napailing na lamang siya sa tinuran ng kanyang kanang kamay.
***
Naimulat ni kaden ang kanyang mga mata ng masinagan siya ng liwanag ng araw.
Umaga na pala...
Dahil sa uhaw na uhaw na talaga siya ay nagpasya na siyang bumaba mula sa punong pinagpahingahan niya.
Pero may napansin siyang kakaiba sa paligid..
"Teka.. ito ba yung gubat na pinuntahan namin kagabi na sobrang nakakatakot."
Nagtatakang napatanong ang dalaga sa kanyang sarili dahil kung ano ang anyo ng gubat kagabi ay kabaliktaran naman ito sa umaga.." Wow!!Grabe ang ganda....."
Manghang mangha ang dalaga na nilibot ang kagubatan dahil sa napaka ganda nito.. para kang nasa paraiso dahil sa daming bulaklak ang nasa paligid ng kagubatan.
Hindi mo aakalaing ang nakakatakot na gubat na ito ay sobrang ganda pala nito sa umaga...at kay sarap na tumira dito panghabang buhay.. kung hindi lamang ito nag iibang anyo pag sumapit na ang gabi.
Kaya nagtataka ang dalaga kung bakit nag iiba ang gubat kung sumapit ang araw at gabi.
Dahil kagaya ng tao ay may mga mabubuti at masasamang diwata ang naninirahan sa kagubatan..
Pagsumapit ang gabi ay ang mga masasamang diwata ang komokontrol sa kagubatan para maghasik ng lagim kapag gabi.
Kahit tutol ang mga ibang diwata ay wala silang magagawa para lamang maiwasan ang kaguluhan sa pagitan ng mabubuti at masasama.
Kaya kapag sumapit ang araw ay bumabalik sa dating ganda ang kagubatan at parang walang lagim ang nangyari kagabi.
Dahil sa sobrang ganda ng gubat ay hindi namalayan ni kaden na nakarating na pala siya sa isang napakalaking kweba...
Aalis na sana siya ng marinig niya ang lagaslas ng tubig at doon lamang niya naalala na sobrang uhaw na uhaw na pala niya. Dahil sa sobrang tuwa ay agad siyang pumunta kung saan maaalis ang kanyang pagkauhaw.
BINABASA MO ANG
KADEN
ActionMay isang dalagang matagal nang nakakulong sa isang silid ng pamilyang choir hindi lamang siya kinukulong kundi sinasaktan din siya ng mga ito. May pag-asa pa kaya siyang makatakas o pang habang -buhay niyang matitikman ang impyerno sa kamay ng pami...