Hindi mapakali ang dalaga sa pagtingin sa pinto kung saan papasok ang matanda. Itong gabing ito ang plano niyang pagtakas... hindi niya kailangang magpadalus dalus sa mga plano niya dahil nakasalalay dito ang kalayaan niya.Walang problema sa kanya ang pag-alis sa mga kadenang nakapulupot sa kanyang katawan dahil sa isang hila lang ay mapipigtas na ang mga ito dahil na rin sa kalumaan. Mabuti na lamang at hindi ito pinalitan kung hindi ay mahihirapan siyang makatakas.
Narinig niya sa mga kawal ang pag-alis ng pamilyang CHOIR patungo sa dadaluhin nilang kasiyahan.
Magpakasaya sila ngayon dahil hindi na rin magtatagal at mawawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
Napangisi na lamang ang dalaga sa kanyang naisip, hindi na siya makapaghintay na makita iyun!.
At nasisiguro niyang kunti lamang ang mga bantay na narito sa tahanan nila. Dahil mas mahalaga para sa kanila ang kanilang kaligtasan at nasisiguro niyang para sa kanya ang mga bantay na narito.
Narinig niya ang unti unting pagbukas ng pinto at pumasok si aling rosa at may bitbit na pagkain... napangiti siya ng makita ito at ng makitang iisang bantay lang ang kasama nito.Masyado naman atang minamaliit nila ang kakayahan ko.
Naisatinig na lamang ng dalaga. Pero Naisip niyang umaayun sa kanya ang pagkakataong ito.
Pumasok ang matanda at naiwan sa labas ng pinto ang bantay. Mas mabuti ito para hindi nito makita ang kung ano man ang pinaplano nila.
"Ito na ang pagkain mo iha."
Pagbigay ng matanda sa kanyang pagkain kasabay ng isang papel.Alam na niya kung anong laman ng papel na iyon... perpektong nakaplano na ito sa isip ng dalaga para sa kanyang matagumpay na pagtakas.. ngunit kailangan niya paring mag-ingat sa mga bantay na narito.
Hindi na niya sinabi ang ibang pang detalye kay aling rosa kung anong plano niya para sa kanyang pagtakas. Mas mabuting wala itong alam kaysa sa mapahamak pa ito. Kahit papaano ay nag-aalala siya sa matanda.. dahil ito lang ang nagpakita ng pag-alala at pag-aalaga sa kanya.
Ito na ang oras...
Naisa boses ng dalaga sa kanyang sarili.
"Patawad sa gagawin ko sayo aling rosa."
May pag-alalang saad ng dalaga sa matanda."Kung ano man ang plano mo ay naiintindihan ko.. hangad ko ang kalayaan mo iha."
Ngumiti ang matanda na walang halong pangamba kung ano man ang gagawin ng dalaga para dito."Maraming salamat po sa lahat".
Tumayo siya at ngumiti sa matanda.
Walang pagdadalawang isip na hinampas niya ang pinaglagyan ng pagkain kay aling rosa. Agad itong nawalan ng malay at narinig ito ng nag-iisang bantay at agad pumasok sa kanyang silid.
"ANO ANG GINAWA MO!!!
NABABALIW KA NA BANG PANGIT KA!?
sigaw ng bantay sa kanya at may panlalait pang sinama.Ngumisi siya dito. dahil sa lumapit ito sa kanya ay agad niya itong sinipa at hinawakan ang ulo at hinampas ng paulit ulit sa semento at agad naman itong nawalan ng malay. Dahil na rin sa kabiglaan ng bantay ay hindi ito nakapaghanda man lamang sa surpresang ataki ng dalaga.
Agad hinila ng dalaga ang kadenang nakapulupot sa kanya at dali daling hinubaran ng suot na pang kawal ang bantay.
Saktong sakto ito sa kanya dahil may takip sa mukha ang lahat ng bantay at balot na balot din ito ng pang armor na suot na akalain mong sasabak araw-araw sa digmaan.
Hindi na siya nag sayang ng oras at agad sinuot ang mga ito bago pa siya mahuli ng ibang bantay.
Bago siya tuluyang umalis ay tumingin siya sa matanda at umusal ng pasasalamat at kapatawaran sa kanyang ginawa rito. Hindi naman sobrang lakas ang kanyang ginawang hampas dahil sa matanda na ito ay agad-agad itong mawawalan ng malay.
Bago siya lumabas ng pinto ay pinag aralan niya muna ang papel na binigay ni aling rosa sa kanya. Ang laman ng papel ay pasikot sikot sa loob ng mansyon (blueprint).
Hinawakan na niya ang busol ng pinto at sa huling sandali ay liningon niya ang matanda at tuluyan na siyang umalis sa silid na iyon.
Kinakabahan siya na may halong saya. Nakarating na siya sa may pasilyo at nakakasabayan niya ang ibang bantay sa mansyon. Mabuti na lamang at alas 9 na ng gabi at hindi mahahalata ang pilat sa kanyang mga kamay at sa parti ng kanyang mukha na hindi na tatabunan.
Kailangan na niyang makaalis sa lalong madaling panahon bago makabalik ang pamilyang choir dahil alam niyang pupuntahan siya ng mga ito at paiinggitin.
Akala naman nilang maiinggit siya.
"Alam niyo ba mga pre may babae palang kinulong rito sa mansyon ng mga choir."
Narinig niya sa tatlong bantay na kasabayan niya na naglalakad pero nasa hulihan siya ng mga ito. At alam niya kung sinong tinutukoy nito at SIYA iyon.
gusto man niyang lagpasan ang mga ito sa paglalakad para mas mapadali ang pag-alis niya rito. Ngunit hindi maaari at baka magtaka ang mga ito.
"Talaga pre?.. saan mo naman nalaman niyan?"
Tanong ng isang bantay na nasa kanan."Syempre!!kay baldo.. alam mo naman yun may pagka chismoso."
Tawa ng nasa gitnang bantay.Kunti lang pala ang nakakaalam na may kinulong sila at AKO yun!..
Sabi ng dalaga sa kanyang sarili.
"O!!!tapos...! Maganda ba raw?"
Sabi naman ng nasa kaliwa na may halong pananabik.Napa tsk na lamang ang dalaga... at alam na niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito sa oras na malaman nito at makita siya.
"SOBRANG PANGIT PRE!! ang raming pilat sa katawan lalong lalo na raw sa mukha."
May pandidiring saad nito sa mga kasama.Napakuyom na lamng ang dalaga sa kanyang narinig. Gustong gusto man niyang gilitan ang tatlong ito ngayun... pero kailangan niyang magpigil hindi pa ito ang panahon at makakaganti rin siya sa mga ito lalong lalo na sa pamilyang nagdulot sa kanya ng pasakit.
"Grabe naman niyan pre!.. baka kinulong siya dahil sa nakakahawa ang kapangitan niya."
Sabay tawa ng tatlong bantay.."Oo nga naman pre...!! Ang malas nga naman ni baldo at siya pa ang naatasang magbantay ngayon."
Tawa pa ulit nilang tatlo...Nanggigil na talaga siya.. sa mga naririnig niya sa mga ito.kahit may katotohan ang mga sinabi nila ay hindi nya maiwasang masaktan at magalit dahil sa ginawa ng mga baliw na iyun sa mukha at sa buong katawan niya.
At napagtanto niyang baldo pala ang pangalan ng bantay na ginulpi niya.. at sana mas marahas pa ang ginawa niya para dito. At bagay na bagay lang ito sa kanya.!
"Hoy!!! Kayo jan! Bilisan niyo at babalik na ang amo natin!".
Sigaw ng bantay nang biglang sumulpot..
Napahinto sa pag uusap ang tatlo at Nagmamadaling umalis ang mga ito.
Napa mura! Nalang ang dalaga sa narinig.. kailangan na niyang magmadali at baka maabutan pa siya ng mga ito. At baka hindi na siya makakaalis sa impyernong lugar na to.
Humiwalay ang dalaga ng daan para mas mabilis ang pagtakas niya.
"HOY!! IKAW! SA'N KA PUPUNTA?!
Liliko na sana siya ng may biglang sumigaw sa kanya.
Napahinto siya at dahan dahan namang lumapit sa likod niya ang bantay. At hinawakan siya sa balikat nito.
* lagot!! Mahuhuli kaya ang dalaga?
Ano sa tingin niyo?
BINABASA MO ANG
KADEN
ActionMay isang dalagang matagal nang nakakulong sa isang silid ng pamilyang choir hindi lamang siya kinukulong kundi sinasaktan din siya ng mga ito. May pag-asa pa kaya siyang makatakas o pang habang -buhay niyang matitikman ang impyerno sa kamay ng pami...