K7

36 15 0
                                    

***

Nakakasabayan na ng dalaga ang iba pang mga kawal ng laon... dahil sa uniporming sinuot niya na pang kawal galing kay baldo ay hindi naman siya napansin nang mga ito.

Patuloy na nagbibigay ng mga larawan ang ibang mga kawal upang mahuli lamang ang kriminal na inaakala nilang isang totoong kriminal...

Ang hindi nila alam ay kasa-kasama na siya ng mga ito..

Kay bilis lang talaga ng tao na malinlang..
Ani ng dalaga sa kanyang isip.

"Pare.. sa tingin mo ba.. pag tayo ang makahuli sa kriminal na yun.. ibibigay ba sa atin ang pabuya."
Sabi ng isang kawal sa kanyang kasama.

Narinig ito ng dalaga kaya nakinig siya sa mga ito.

Hmmm pabuya?..talaga  namang disidido silang mahuli ako ng madali.. tsk! Hindi mangyayari iyon.!

Mabuti nalang at nasa hulihan siya ng mga ito kaya hindi kapansin pansin na nakikinig sya.

" Oo naman pre... mukhang malaki ata ang ibibigay na pabuya ng pamilyang choir at kung suswertehin ako ang makakahuli sa kanya."
Sabi nitong may paniniwalang mahuli niya ang kriminal at sabay tawa sa kanyang kasama.

Napairap na lamang si kaden sa narinig mula dito..

Tsk!! Tingnan lang natin kung magagawa mo pa yun..! Oras na mapaslang kita.!
Ani ng dalaga

"Tama ka nga pre... pero sa tagal-tagal ko nang naninilbihan sa pamilyang choir.. masasabi kung napaka tuso nila."
Ani nitong maypagdududa..

"Sus!.. ano ka ba!.. inanunsyo nila yun sa maraming tao.. malamang! Totohanin nila ang pagbibigay ng pabuya..!"

"Sa bagay tama ka rin naman.."

"HOY! anong pinag-uusapan nyo dyan.?"
Tanong ng isang kasama nila  na nasa gilid lamang ng dalaga.

"Ahhh.! Pinag-uusapan lang namin ang maging pabuya kung sino ang makahuli sa kriminal na yun"
Sagot naman nito sa kanyang kasama.

"HAHAHA ayos sana kung kriminal na maganda..! Pero kung ubod naman ito ng pangit.. sa inyo na yang pabuyang sinasabi ninyo..Hahaha"

Masamang tingin ang ibinigay ni kaden dito.. kung papalarin ay uunahin niya itong patayin.!

"Hahaha grabe ka naman pre..!.. marami ka namang naikama..kaya mag iba ka nalang ng bagong matitikman.!"

Napaka manyak ng mga ito...
Pinipigilan lang ng dalaga ang kanyang sarili upang hindi nya mapatay ang mga ito basi sa mga naririnig niya.

"ULOL!!..larawan ko pa nga nakita..nasusuka na ako... paano pa kaya kung harap-harapan na."

Sabay-sabay na natawa ang mga kawal sa narinig mula sa kanilang kasamahan. Pero si kaden ay kunting kunti nalang at mawawalan na siya pasensya at baka mapaslang niya ang lahat ng mga kawal na naging kasama niya. Pero kailangan niyang tiisin  kung gusto pa niyang maka kalap ng ibang impormasyon sa kung anong binabalak nila mula sa kanya.

"MAKINIG ANG LAHAT DUMITO MUNA TAYO... MAGPALIPAS NG GABI."

Anunsyo ng kanilang lider sa kanilang lahat.

Dahil sa malalim na ang gabi ay naisipan ng kanilang lider na magpahinga sa isang kagubatan.

Nagpalinga linga ang dalaga dahil sa may nararamdam siyang kakaiba sa gubat na ito.

Kakaiba ang mga puno sa kagubatan dahil parang mga buhay na mga puno ang mga ito at ang iba pa ay may nakakatakot  na mga anyo na parang sa halimaw At sobrang dilim ng loob ng gubat hindi man lang ito nasisinagan ng buwan.

" bakit ba dito tayo tumigil... nakakatakot naman ang gubat  nato."

" hehehe... naduduwag kana ba pareng simon."

"Hi-hindi noh!!... a-ako! Duwag ba-baka ikaw.!"
Sabi nito sa garalgal na boses..

"HAHAHA... eh ano yan!"
Sabay turo nito sa baba ng kasama..

Napatingin naman si simon sa tinuro ni pablo sa kanya..

"Whahaha eh naiihi ka na eh..!.. yan ba ang hindi duwag..hahaha"
Tawang tawa ito kay simon habang nakaturo ang daliri nito sa kanya.

Napahiya namang nakayuko si simon sa kasama niya.. hindi niya kasi maiwasan ang matakot sa lugar na ito dahil marami na rin siyang naririnig na kwento dito.

"Oh ano..!!.. hindi ka pa pala duwag sa lagay na yan..hahaha"
Sabi ni pablo kay simon

"Tsk!!..oo na..! Duwag na kung duwag.. marami na kasi akong naririnig sa gubat na ito.. maraming mga nakakatakot na nilalang ang nakatira dito yun ang sabi ng lolo ko."
Napayakap sa sarili si simon habang inaalala niya ang kwento ng kanyang lolo tungkol sa gubat na ito..

Ang gubat na ito ay pinangalanan na forbidden forest na kung saan ang mga inaakala mong hindi nabubuhay na mga nilalang sa mundo ay narito sa gubat na to.. dito sila namumugaran at sinasalakay nila ang kanilang mga binibiktima.

Dahil sa dilim ng kagubatan at mga munting mga lampara lamang ang nagsisilbing ilaw ay hindi namalayan ng dalawa na nasa itaas lamang ng puno ang dalaga habang nakikinig sa kanila.

Nararamdaman ng dalaga na nagsasabi  ng totoo ang nagngangalan na si simon dahil kanina pa niya nararamdaman na may mga matang nagmamasid sa kanila.

Kaya sa anumang oras ay kailangan niyang maging handa.. kung sakaling sasalakay ito sa kanila.. wala siyang pakialam kung mamatay man ang mga kawal na narito.. at mas magiging pabor ito para sa kanya.

"Kwentong barbero na yan... simon.! Wag kang masyadong nagpapaniwala sa sinasabi ng lolo mo..! Tsk"
Ani ni pablo dito.

"Ba-bahala ka kung ayaw mong maniwala."

"Hindi Talaga! Ako maniniwala hanggat hindi nakikita ng dalwang mata ko...HIN.DI A.KO. MA.NI.NI.WA.LA... !"
Sabay punta ni pablo sa isa pang puno... hindi man niya aminin ay natatakot siya sa mga ikweninto ni simon sa kanya..

Bwisit na simon yun! Sana hindi nalang ako nakinig...

Sabay pikit nito sa kanyang mga mata...

Ang hindi nila alam ay unti unti nang lumalapit ang mga nilalang na may mga pulang mga mata ang hindi nila inaasahan at gutom na gutom itong nakatingin sa kanila.. na ilang sandali na lamang ay susugod na ang mga ito.


***
Ako po ay umaasa sa inyong suporta readers.. 😊😊





KADEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon