***
"Makinig ang lahat... may nais akong sabihin sa inyo."
Anunsyo ng pinaka lider ng mga kriminal. siya'y walang iba kung hindi si GORYO..May brusko itong pangangatawan, katamtaman ang kulay ng balat, may matatalas na mga mata at kapansin pansin dito ang pilat sa kanyang kaliwang pisngi na may nakaukit na X... isa siya sa mga kinatatakutan ng mga kriminal... walang awa at brutal kung pumaslang..
Ang lahat ay nagsipagtahimik at dali daling umayos sa kanilang mga pwesto dahil sa takot ng kinikilala nilang lider na si goryo.
May pinakita itong larawan sa lahat ng kanyang mga kasapi.
"Ang nasa larawang inyong makikita ay NAIS KONG MAGING ISA SA ATIN.."
Maging isa..
Isang babae
Kakaiba ang kanyang itsura..
Mga bulong bulungan ng mga kasama niya.
"Magsitahimik!!..."
Dumagundong ang kanyang boses na saad nya dito..
Kaya ang lahat ay nagsipagtahimik...
"Tama ang inyong nakikita at narinig gusto kung maging isa sa atin ang babaeng yan dahil napakalaking tulong niya sa atin."
"Nabalitaan ko rin pinuno na marami na daw itong napatay sa bayan ng laon"
Sabi ng isang lalaki."HAHAHA eh di mas maganda!!.. mas marami.. mas nakakasabik."
Ani ni goryo na may nakakakilabot na tawa sa kanyang mga kasama."Pero pinuno tingnan mo ang kanyang itsura.. ang pangit niya at nakakatakot pa."
Sabay tawa at pandidiring saad nito sa kanya.
Oo nga pre ang pangit nga..!
Ok sana kung kagaya ng mga naikama natin..hehe
Kahit ito nalang ang babaeng matitira sa mundo... hinding hindi ko to papatulan.. Hahaha
"HEH!! WALA AKONG PA.KI.ALAM!..basta ang sa akin ay mapunta siya sa atin."
Ani ni goryo" paano po kung manglaban pinuno?"
Tanong ng isang lalaki"KUNG GAYON MAN AY GUMAMIT KAYO NG DAHAS!
"Paano po natin yan gagawin kung hindi natin siya kilala.?"
Saad ng isang lalaki.Irita naman siyang napatingin sa lalaki.
"Gamitin mo ang utak mo..!!"
Dumagundong muli ang boses nya dahil sa tanong ng kasapi niya.
"KAYA KO PINAKITA SA INYO ANG LARAWANG YAN... UPANG MADALI NATIN SIYANG MAHANAP....KAYA IKAW!!"
turo ni goryo sa lalaking nagtanong sa kanya kanina lang.
"GAMITIN MO YANG UTAK MO!!KUNG AYAW MONG PASABUGIN KO YANG WALANG LAMAN MONG UTAK!!"
Ani niya sa galit at naiinis na tono."Nagtatanong lang naman pinuno."
Naka nguso pang saad nito sa kanyang pinuno."ABA'T SUMASAGOT KA PA!.. GUSTO MONG MATULUYAN"
Nanggigigil nitong sabi.. gusto na niyang pasabugin ang walang lamang utak nito pero pinipigilan lang niya dahil kailangan pa niya ng mga tauhan.Nagsitawan ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng kanilang pinuno dito.kaya naman napakamot nalang sa ulo ang lalaki.
"TUMAHIMIK KAYONG LAHAT!! BAKA GUSTO NIYONG PASABUGIN KO ISA-ISA ANG BUNGANGA NIYO"
galit nitong saad sa kanila.
"Ngayon pa lang ay hanapin na ninyo ang babaeng ito.. !! May pabuya kung sino man ang makakadala niya sa akin.! NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO!?"
"OPO!!PINUNO"
Sabay-sabay na hiyaw ng mga taong kanyang kakampi..
At agad naman silang nagsipag kilos para hanapin ang babaeng magiging kasama nila at dahil na rin sa pabuyang pinangako ng kanilang pinuno..At dahil alam niyang hindi sila kikilos kung walang pabuyang nakasaad..
Kung isa kang kriminal alam mo dapat kung ano ang mas kinagigiliwan ng isang kriminal.
Tumingin ito sa larawang papel na hawak niya..
Magiging isa ka rin sa amin..
Sabay ngisi nito at dali daling umalis upang umpisahan niya ang paghahanap sa babae.
Kailangang maunahan ko ang mga hunghang na yun! Sayang ang pabuyang ibibigay ko sa kanila kung kaya ko naman mahanap ang babaeng ito.
Sabay tawa nito ng sobrang lakas.. at dahil marami pa ang hindi umaalis sa lugar na iyon ay nagtatakang napatingin ang mga taong natira sa silid na yon! Sa kanilang pinuno.
*
Pasensya na kung maikli lamang.😊
BINABASA MO ANG
KADEN
ActionMay isang dalagang matagal nang nakakulong sa isang silid ng pamilyang choir hindi lamang siya kinukulong kundi sinasaktan din siya ng mga ito. May pag-asa pa kaya siyang makatakas o pang habang -buhay niyang matitikman ang impyerno sa kamay ng pami...