K1

67 21 12
                                    


Sa isang silid ay may nakaupong babae sa sulok at nakatingin lamang ito sa isang maliit na bintana at tinatanaw ang malabughaw na kalangitan walang emosyong makikita sa kanyang mga magagandang mata. Para sa kanya ang makulong sa lugar na ito ng pang habang panahon ay imperno dahil bukod sa nakakulong ay may nakakabit na kadena sa kanyang katawan at maaari niya pa rin maigalaw ang kanyang mga paa at kamay...

Tumayo ang babae at sinimulan niyang igalaw ang kanyang mga paa at kamay na para bang sumasayaw ngunit paulit ulit na sumisipa sa ire at sumusuntok na parang iniisip niya na siya ay may kalaban na kaharap.

Nang nasa puder pa lamang siya ng kanyang mga magulang ay tinuruan na siya ng mga ito kung paano niya didepensahan ang kanyang sarili laban sa mga kaaway. Pero dahil sa kanyang murang edad nuon.. ay hindi niya pa kayang ipagtanggol ang kanyang sarili kaya naman simula ng makulong siya rito ay pinag-aralan niya ang lahat ng itinuro ng magulang niya sa kanya at naniniwala siyang makakatakas rin siya sa kamay ng mga kumuha sa kanya.

     Tumigil siya ng may maramdaman siyang paparating sa silid... at umupo ulit sa sulok na parang walang nangyari ayaw niyang may makakaalam na iba sa ginagawa niyang pag iinsayo at baka mahihirapan siyang makatakas.

        Hindi nagtagal at bumukas ang pinto at pumasok ang isang may katandaang babae at kasama nito ang dalawang bantay.May dala-dalang tinapay at tubig ito para sa kanya at dali- dali niyang tinaklob ang tela sa kanyang mukha. Ang mukha niyang napakaganda at napakakinis ngayon ay punong puno na ng pilat at sugat dahil sa kagagawan ng dalawang magkapatid na babae at ang ina nitong ingetera rin.


      Lumapit ang matanda  at ibinigay sa kanya ang kanyang pagkain wala man siyang ganang kumain ngunit kailangan niya itong tanggapin para may lakas siya kung sakaling tatakas na siya.

     "Kumain ka iha para may lakas ka araw-araw".

        May dinukot itong palihim sa bulsa at ibinigay ito sa kanya. At siya naman ay nakatingin lamang sa dalawang nagbabantay at baka sakaling sila ay lumingon sa kanilang gawi.. mabuti na lamang at nakatalikod ito sa kanila.

  Dali-daling tinanggap niya ito at itinago.. ang matandang ito ang nag-iisang nagmamalasakit sa kanya... yumuko siya sa matanda bilang pagbibigay ng pasasalamat dito.

   "Tapos na ba kayo jan?!! At malapit ng matapos anga sampung minuto."!
Sabi ng isang nagbabantay na may malaking katawan at nakakatakot tingnan.
 

  "Ito at tapos na!.."
Sabi ng matanda na may hinahon na boses.

Sanay na ang matanda sa mga kawal kaya naman hindi na siya natataranta pa. Tumingin ulit siya sa dalaga at umalis na bitbit ang kanyang pinagkainan at kinandado na ulit ang pinto ng kanyang silid.

Minsan ay nawawalan na siya ng pag-asang makatakas dahil sa higpit ng pagkakakulong sa kanya.

    Inilabas niya sa kanyang tinataguan ang binigay ni aling rosa sa kanya napangiti siya ng pait at kinagat ang paborito niyang mansanas. Pag naghahatid si aling rosa ay lage din siyang binibigyan nito ng mansanas at hanggang naging paborito na niya itong prutas.

      Pumunta siya sa banyo para doon itapon ang mga buto ng mansanas para hindi ito makita ng iba at hindi mapahamak si aling rosa. Ang kadenang nakakabit sa kanyang bewang ay umaabot naman  sa banyo kaya hindi na siya mahihirapan pa kaya lang ang kadenang ito ay nagbibigay ng pilat sa kanyang katawan kaya  naman hindi niya magawang matulog ng nakahiga dahil nasasaktan siya at nasanay na rin siyang matulog ng nakaupo.

   Napabuntong hininga nalng siya sa kanyang sitwasyon ang nararanasan niya ay mahirap pa sa isang daga..! Mabuti pa ang daga at nakakalaya ang mga ito..ito siya at masahol pa ang hayop na turing sa kanya.

KADEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon