"NAKATAKAS SIYA!!!!!..."
Hindi makapaniwala ang tatlong babae sa nakita dahil ang babaeng matagal na nilang kinulong ay nakatakas sa pinagkulungan nila nito. At gayun din ang kanilang pagkabigla ng makita si aling rosa sa sahig at ang isang bantay na wala nang baluti sa katawan.
May ideya na sila kung paano nakatakas ang dalaga.
Mas lalong nag aalburuto sa galit ang kanilang ina... pinapasok nila ang dalawang bantay para tingnan kung buhay pa ba ang mga ito. Una nilang tiningnan ay si aling rosa..
"Nawalan po ito ng malay dahil sa pagkakahampas sa kanya... madam."
Sabi ng isang kawal na tumingin kay aling rosa.
" at ito naman pong isang ito.. ay tuluyan nang nawalan ng buhay.
Mas lalong hindi sila makapaniwala sa nagawa ng dalaga sa kay aling rosa.. lalong lalo na sa bantay nito. Ang akala nilang mahinang babae ay kaya pala nitong pumatay ng tao.
Masyado silang naging kampanti.
Lumapit si glory sa kadena at pinulot nito iyon!..
"Tingnan ninyo ito ina!... ang kadenang ito ay marupok at luma na. Tiyak akong hinila lamang niya ito para tuluyang masira".
Ani ni glory na nakuha niya ang tamang kongklusyon.Sumang ayon sila sa narinig ng dalaga. Dahil tiyak nilang ganun nga ang nangyari.
" kung ganuon ay dapat matagal na niyang ginawa yan para makatakas".
Ani ni jane sa kapatid." daahhh!!! Mag-isip ka nga jane..! Malamang! Naghahanap siya ng tamang panahon para magawa ang plano niya..! At TADAAAAHHH!!! Nagawa nga nya..."
Mulagat nitong saad sa kapatid at sinasabi nitong GAMITIN MO ANG UTAK MO!..
Napaismid na lamang si jane kay glory.
Pero ang ina nila ay nakakaramdam na ng sobrang galit, inis, kaba at takot.
Galit dahil nakawala ito sa puder nila, inis dahil naging pabaya sila at inakalang wala itong kayang gawin, kaba dahil hindi nila alam kung ano ang pinaplano nito at takot...takot na hindi nya kayang ipaliwanag....
Pero mas nangingibabaw ang galit niya sa nangyari. Kaya naman hindi na siya nakapagtimpi ay pinagsisipa sipa nya ang kawawang matanda upang magising na ito ng tuluyan.
"GUMISING KANG MATANDA KA!!!!!"
Sabi nito at patuloy nitong sinisipa ang matanda.Hindi nagtagal ay nagising rin ito dahil sa sakit na nararamdaman sa batok at sa pagsipa nito sa kanya.
Nakatingin lamang ang mga anak nito at ang mga bantay na imbis na maawa sa kalagayan ng matanda ay nakikita pa sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa kinahihinatnan ng matanda.
Nang makita ang kanyang among babae ay agad itong lumuhod sa kanya upang humingi ng kapatawaran dahil sa nangyari.
"MAGPALIWANAG KA NGAYON DIN!!!! KUNG BAKIT NAKATAKAS ANG BABAENG YUN!!!!".
gigil na gigil na sabi nito kay aling rosa.
Dahil sa takot ay ikweninto ni aling rosa ang nangyari sa paghampas at sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. Iyon lamang ang kanyang sinabi dahil hindi niya aaminin na tinulungan niya ang dalaga upang itoy makatakas.
"I-iyun...lamang ang natatandaan ko madam.."
Sabi nito na may bahid paring takot sa kaharap."ISA KANG WALANG KWENTA!!! MATANDA KA!..."
galit na galit na angil nito sa kawawang matanda.
BINABASA MO ANG
KADEN
ActionMay isang dalagang matagal nang nakakulong sa isang silid ng pamilyang choir hindi lamang siya kinukulong kundi sinasaktan din siya ng mga ito. May pag-asa pa kaya siyang makatakas o pang habang -buhay niyang matitikman ang impyerno sa kamay ng pami...