K9

32 12 0
                                    


"WAHHHHHH... baldo! ikaw  ang aming bayani....huhuhu"
Sabi ni owen na nakaluhod dahil sa ligtas na ito sa mga lobo..

Napaikot na lamang ng kanyang mata ang kinilala nilang si baldo.

"Bal-baldo maraming salamat at du-dumating ka pare."
Mangiyak ngiyak naman na sabi ni cano kay baldo.

Lalapit na sana si cano  sa inaakala nilang si baldo.. ng hapitin ni jan ang damit ni cano kaya hindi ito nakalapit ng tuluyan kay baldo...

"Si-sino ka?...! Alam kung hindi ikaw si baldo...! Matagal na siyang patay... pinatay siya ng kriminal na yu---..."

Hindi na natuloy ni jan ang sinabi nya ng napagtanto niya kung sino ang kaharap nila.

Napatingin naman sila owen at cano kay jan dahil sa mga kinikilos nito..

"I-I-ikaw.... ang....---"
Hindi na nito matuloy tuloy ang sinabi nito dahil sa takot at kaba..

Tumingin siya ulit sa apat na lobo at nagulat siyang putol ang lahat ng bahagi ng katawan ng mga lobo at ang espidang ginamit nito ay kumikinang sa dugo.

"Hmmmm... akala ko walang may utak sa inyo.."

Saad ng akala nilang si baldo na walang iba kung hindi si KADEN
Sa malamig nitong boses sa kanila.

Napatayo sila ng tuwid ng marinig nila ang boses ng babae.. may malambing ngunit napakalamig na boses nito na para bang nanunuot sa kanilang kalamnan.

"I-ikaw ang kri-kriminal na matagal na naming hinahanap."
Sabi naman ni owen na may kaba sa dibdib.. habang nakatingin sa babae.

"Wa-walang hiya ka..! Ma-matagal kana pala naming kasa kasama."
Sigaw na sabi ni cano sa dalaga.

Napataas naman ng kilay si kaden sa narinig.

"Kasalanan ko bang mga BOBO!! Kayong lahat."
Ani ni kaden sa kanila.

"Whahaha aba..! Ang swerte pala natin mga pare... daga na ang lumalapit sa liyon.."
Tawa naman ni owen dito..

"Ang pabuya.. mapupunta na satin ang pabuya...HAHAHA"

sabay tawa naman ni cano at owen sa dalaga.

"Ikaw wala ka bang sasabihin sa akin.?"
Tanong ni kaden kay jan... at napangisi ang dalaga sa kanyang naiisip mula dito.

May utak siya.. sayang at hanggang dito na magtatapos ang buhay niya.

"An-andito ka ba pa-para pa-pa-patayin kami.?

Napangiti si kaden sa tanong ni jan... kaya dahan-dahan siyang naglakad sa kanila.

"Napaka-gandang tanong naman yan."
Ngiting sabi ni kaden.

"A-ano bang sinasabi mo jan.?.. kailangan na natin siyang dalhin sa kanila madam para makuha natin ang pabuya."
Sabi ni cano kay jan.

"Oo nga naman jan... tatlo tayo mag-isa lang siya... isa lang siyang mahinang baba---.."

Hindi na natapos ni owen ang kanyang sinasabi at gulat na gukat itong napatingin sa kanyang tiyan na may tumusok ditong espada..

Ikkkk

Mulagat itong bumagsak sa lupa at waring hindi ito makapaniwala na hanggang dito na lamang ang buhay niya.

"Masyado kang maingay.."
Ani ng dalagang si kaden habang nakatingin kay owen na wala nang buhay.

Gulat na gulat namang napatingin si jan at cano kay owen na wala nang buhay at kay kaden na mababakasan mo ng pagka uhaw sa dugo.

"Pi-pinatay mo siya..."
Kabang sabi ni jan kay kaden.

"Sinagot ko lang ang tanong mo kanina."
Walang emosyon na sabi ng dalaga dito.

"Ku-kung ganon...bakit mo pa kami iniligtas sa mga lobong ito.! Kung gusto mo kaming mamatay!!"
Sigaw naman ni cano sa kanya.

"Simple lang dahil A.KO! LANG ANG PAPATAY SA INYO.!"

Sa huling salita ng dalaga ay agad niyang sinugod ang dalawa..

Dahil na rin sa takot ay hindi nagawang makakilos ni jan at cano.. ilang saglit lang ay pareho na silang nawalan ng buhay.

Ngiting ngiti naman ang dalaga sa nagawa niya sa kanila.

GRRRRRR...

Galit na atungal ng mga lobo sa kanya. Mukhang nagalit ang mga ito dahil sa pag paslang niya sa apat na mga lobo.

May panibago na naman siyang haharapin at mukhang magiging masaya ito..

Kaya naman tumakbo ang dalaga patungo sa mga lobo upang salubungin niya ang mga ito na nasa bilang na dalawampu.

Wala siyang sinayang na oras kundi ang



TUMAKBO papalayo sa mga lobo.

Ahh!! Hindi pa ako baliw para salubungin ang ganong kadaming lobo..!




*
😊😊 okey.. may saltik din po siya minsan.

KADEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon