Sa pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang pisngi ay agad nagmulat ng kanyang mga mata ang dalaga.
Sa kanyang pagmulat ay may naramdaman siyang kakaiba sa paghatid ng malamig na hangin nito sa kanya.
Mukhang pinaghahandaan nila na akoy mahanap at mahuli. Pero hindi mangyayari iyon!..dahil uunahin ko na sila bago mangyari yun..!
Ani ng dalaga sa kanyang sarili...
Naramdaman ng dalaga na may paparating na mga yabag sa direksyon niya kaya agad-agad siyang kumilos at nagtago sa mga nagtataasang mga halaman.
Kailangan na muna niyang mag matyag bago siya gumawa ng plano.Heya!
" bilisan ninyo ang pagpapatakbo kailangan na natin ipag-alam sa ibang nayon na may nakatakas na kriminal sa ating bayan."
Narinig niyang sigaw ng isang kawal sa kanyang mga kasama.
Hindi niya inaasahan na mabilis kumilos ang mga kawal ng laon para lang siya ay mahuli at dahil sa kanyang narinig ay natitiyak niyang papunta ang mga ito sa ibang bayan para lang ipag alam na may kriminal na nakatakas.
Sa paglampas ng mga ito sa kanya ay may nakita siyang papel na hinahangin at lumapag ito sa mga damo hindi kalayuan sa kanyang kinaruruunan kaya naman dali-dali niya itong kinuha at tiningnan.
Sa hawak niyang papel ay may nakaguhit na isang babae at ang mga mata nitong walang emosyon. Hanga siya kung sino man ang gumuhit ng larawang ito at ang mas kapansin pansin ay ang mga piklat nito sa buong katawan at mukha.
Hindi maipagkakaila na ako ang kanilang hinahanap. Tingnan lang natin...! Talaga naman na pakikinabangan ko ang suot ng isang kawal..
Napangisi ang dalaga kung ano man ang kanyang iniisip.
Tinago niya ang papel sa kanyang bulsa at inayos niya ang kanyang kasuotan na pang kawal at patungo na sya sa kabayo kung saan niya ito itinali.
" tayo nang umalis kaibigang hayop... kailangan na natin silang sundan at maging isa sa kanila."
Sabay haplos nito sa noo ng kabayo at sumampa na ito upang sundan ang iba pang kawal.
*
Sa isang napakalaking bayan na kung tawagin ay tempura ay nagpupulong ang mga may matataas na ranggo sa kanilang bayan na kung tawagin ay mga ministro kabilang na dito ang kanilang batang bata na hari na si Seirge Von Knight.
Ang bayan ng tempura ang siyang pinakamalaki at pinaka maunlad na bayan sa timog...
At ang bayan ding ito ang siyang pinaka kinatatakutan dahil na rin sa mga namumuno rito lalong lalo na ang kanilang hari.
Ang kanilang pinag pupulungan ngayon ay hinggil sa mga kriminal na lalong lumalaganap sa ibat-ibang mga bayan.
"Dumarami na talaga ang mga masasamang tao sa mga bayan ngayon at kailangan na natin silang puksain sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang kaguluhan sa bawat lugar."
Ani ng isang lalaking may katandaan ngunit mababakas pa rin sa kanyang anyo na may malakas at matikas itong pangangatawan ng ito ay bata-bata pa lamang.
Si Ginoong Kido ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng haring si Seirge Von Knight."Anong masasabi nyo mahal na hari tungkol sa mga suliranin na ito.?"
Tanong ng isang ministro na kasama nila sa pagpupulong na ito.
Tumingin sila sa kanilang hari at naghihintay ng kanyang sagot mula rito.
Ang Haring si Seirge Von Knight ay isa sa mga ginagalang na mga hari sa kanilang henerasyon na ito.. bata pa lamang ito ngunit napakarami na nitong napatunayan sa edad na dalawampu't apat at hindi rin maipag kakaila ang taglay nitong kakisigan dahil sa sobrang daming maharlika na babae ang gustong mapansin ng batang hari.
Nagmulat ito ng mga mata at mabilis na nilibot ang kanyang tingin sa mga taong naroon.
Sa pagmulat palang ng mata nito ay nagsisintigan ang kanilang mga balahibo at mas lalong lumamig ang kanilang pakiramdam sa silid na iyon.
" sumasang- ayon ako sa sinasabi ni ginoong kido. Kailangan na nilang maubos at kailangang higpitan ang pagbabantay sa bawat sulok ng bayan."
Ani ng hari ng may malamig na tinig sa kanyang mga kawani.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ang haring ito ay ginagalang at kinakatakutan... wala itong pakialam ngunit kung may kinalaman ito sa kanyang sinasakupan ay hindi ito magdadalawang isip na wakasan ang iyong buhay dahil ang tronong tinatamasa niya ngayon ay pinagkatiwala sa kanyang yumaong mga magulang kaya kailangan niya itong ingatan at alagaan.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli itong pumikit at nakinig na lamang sa mga sinasabi ng mga ministro.
" mahal na hari may nababalitaan kami na may kriminal na nakatakas sa bayan ng laon.. pinapangambahan namin na baka makarating siya sa bayan natin at magdala ng takot sa mga tao rito sa ating bayan."
Sabi ng isang ministro sa kanilang hari.
" hangga't walang nangyayaring kakaiba ay wala tayong gagawin..
Ang problema ng taga-LAON ay hindi na natin problema.. ako na ang kikilos kung may mangyari man na hindi maganda sa aking nasasakupan."Nakapikit na saad ng hari sa mga ministro.
Kakaiba ang ugali ng kanilang hari..dahil wala itong pakialam ngunit may pakialam.
" kung sakali man na makarating ang kriminal na iyon dito mahal na hari.. nais ko lamang na maging handa tayo sa ano mang mangyari."
Sabi ni ginoong kido sa lahat ng mga ministro lalong lalo na sa kanilang hari.
Mayroon siyang nilabas na larawan. Ito ang larawan ng kriminal ng taga laon. At kanya itong pinakita sa lahat.
" ang larawang ito ay nagkalat na sa ibang bayan at napasali na naisang dilikadong kriminal ang taong ito. Kaya kailangan nating maghanda."
Ani ni ginoong kido sa lahat.
"Ano ang aking sinabi kanina.. ginoong kido?."
Tanong ng hari na may mas malamig na tono.
"Pa-paumanhin mahal na hari."
Sabi nito na may pangangatal na boses.Hindi niya sinasadyang masabi ang mga iyon.. alam niyang ang hari na ang bahala sa lahat.
"Ayoko nang maulit ito ginoong kido.. at sa inyong lahat. Ayoko nang ulitin kung ano man ang sinabi ko kanina."
"Pag-pagpaumanhin ninyo po ulit mahal na hari."
Yumuko at lumuhod ito sa hari tanda ng paghingi ng patawad dito."Makakalis na kayong lahat."
Sabay-sabay na yumuko ang mga ministro sa kanilang hari at agad umalis sa silid na iyon... ayaw nilang mas magalit ito at hindi nila nanaisin na makita ang totoong ugali nito sa kanila.
Nang umalis na ang lahat ng ministro ay nakita ng hari ang isang papel na may nakaguhit na larawan ng isang babae.
Kung hindi siya nagkakamali ay itong papel na ito ang pinakita ni ginoong kido sa lahat.
Tinititigan ng hari ang papel na hawak niya... hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa larawang iyon.
Kung ang iba ay may pandidiri at mapanghusga kong makatingin sa larawan.. dahil na rin sa unang una na mapapansin ay ang mga piklat nito sa buong katawan at mukha.
Ngunit sa kanya ay hindi niya iyon maramdam bagkus ay may mas malalim pa siyang nakikita sa larawaN na ito.
Napakaganda
Naisatinig ng hari habang nakatingin sa papel na hawak niya.
******************************
Sana po ay may nagbabasa ng kwentong ito at ang hiling ko po ay ang inyong suporta at opinyon. Upang ako po ay ma inspired sa pagpapatuloy ng aking nasimulan sa pagsusulat ng kwento.
Marami pong salamat.🙇
BINABASA MO ANG
KADEN
ActionMay isang dalagang matagal nang nakakulong sa isang silid ng pamilyang choir hindi lamang siya kinukulong kundi sinasaktan din siya ng mga ito. May pag-asa pa kaya siyang makatakas o pang habang -buhay niyang matitikman ang impyerno sa kamay ng pami...