K8

33 13 0
                                    


"AHHHHH!!!!"

nagising ang lahat dahil sa isang malakas na sigaw mula sa kanilang kasamahan..

Sa pagmulat nila ay tumambad sa kanila ang napakaraming mga lobo na may mga mapupulang mga mata at ang iba sa kanila ay mga payat na mga lobo at halatang gutom na gutom na ang mga ito..

Isa-isang sinugod ng mga lobo ang mga kawal at agad sinunggaban ang kanilang mga binibiktima..

Ang iba ay Wakwak ang  mga tiyan at labas ang kanilang mga lamang loob.. ang iba naman ay putol ang mga paa at kamay.. at may natanggal na mga ulo galing sa mga kawal.. dahil sa panggigil ng mga lobo dahil sa gutom.. dahil bibihira lamang ang may mapadpad sa gubat na ito.

Walang nagawa ang mga kawal kundi dipensahan ang kanilang sarili.. pero kahit anong gawin nila ay hindi pa rin sila mananalo sa mga gutom na mga lobo..

Nasa itaas pa rin si kaden at sayang saya siya sa mga nakikita.



Hahaha nararapat lang yan sa inyo... !


Abot tinga ang ngiti niya sa mga nakikita.. sa mga kawal. At printing printi lamang siyang nakaupo sa ibabaw ng puno habang kumakain ng paborito niyang mansanas..

Ahhhhhh tulungan niyo ko!...

Wa-wag kang la-lapit halimaw ka...

Ha-halimaw....

Ahhhhhh


Parang mga musika ang mga sigaw nila sa kanyang mga tinga..

Pati ang mga kabayo ay hindi nakaligtas sa mga pangil ng mga lobo.. mabuti nalang at iniwan niya sa kalayuan ang kanyang kabayo.

Natanaw niya ang ibang mga kawal na patakbo sa loob ng kagubatan ang iba ay hinihila ng mga lobo kahit wala nang mga buhay ang mga ito..

Nakita ng dalaga na buhay pa pala ang tatlong kawal na pinagtatawanan at kinukutya siya kani kanina lang... kaya nagpasya siyang bumaba upang siya ang tumapos sa kanila.



"A-anong ga-gawin na-natin owen  at jan.?"
Takot na takot na sabi ni cano sa kanila.

"Ma-mamatay na ta-tayo rito..."
Sabi naman ni jan..dahil sa takot ay naihi na lamang ito sa kanyang salawal.

"Tu-tukoy.. tu-tu-tukoy"

Napatingin si cano at jan kay owen na may pagtataka sa kanilang mukha.

Na baliw na ..!

May saltik na si owen sa ulo.

Sabay na saad ng dalawa sa kanilang isip kay owen..

"Ba-bakit ganyan kayo makatingin.."
Utal-utal na tanong ni owen sa kanila.

"GAGO HINDI SILA MGA ASO.."
sabay sigaw ni cano at jan kay owen..



Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila dahil pinapalibutan sila ng apat na mga lobo at ilang sandali nalng ay susugpangan na sila ng mga ito.


Gusto man nilang humingi ng tulong sa kanilang mga kasama ngunit pati ang mga ito ay nahihirapan at kunti na lamang silang nabubuhay at halos ang paligid nila ay nagkalat ang mga lamang loob... putol na kamay at paa... at ang paligid ay nagkukulay pula na dahil sa dugo  ng mga kawal..

Gusto man nilang maduwal ngunit tinatagan lang nila ang kanilang mga sikmura mas imporpante sa kanila ang kanilang buhay ngayon..

Grrrr

Nanlilisik ang mga lobong nakatingin sa kanila at dahan-dahan itong lumalapit at handang handa na silang sagpangin ng mga ito..

"WAHHHHHHH!!!!"
Sabay na sigaw nilang tatlo...dahil sa takot ay nagyakapan sila at napapikit na lamang..

Paalam mga chikababes ko..

Ani ni owen,jan at cano bilang pamamaalam..

Sa kanilang pagpikit ay isa isang namatay ang apat na lobong nakapalibot sa kanila..


Ilang minuto na silang nakapikit at wala silang nararamdamang sakit sa kanilang katawan.. kaya nagpasya silang magmulat ng mga mata.



Sa pagmulat nila ay patay na ang apat na lobo. At napatingin sila sa may gawa nito..walang iba kundi ang kasamahan nila... napatingin sila sa pangalan na nasa dibdib nito...

at walang iba kundi si BALDO.






*
Maraming salamat sa pagbabasa.😊😊

KADEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon