4

37 4 30
                                    

Sydney's Point of View

Shocked. Tanging 'yan lang ang nakikita ko sa mukha nila ngayon.

What? Don't tell me, related talaga kami kay Calvin kaya gulat na gulat sila ngayon.

"Err why? Kilala nyo ba siya?" I asked.

"Uhm No. No. We don't know him. It's just that we don't know that you're hanging out with a guy." weird na pagkakasabi ni mommy. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagtanong pa.

Tahimik na pinagbalat ako ni Mommy ng mga prutas na dala nila ni Daddy.

Nakuha ni Greg ang atensyon ko dahil mukha siyang tangang nakatulala don at biglang napabalikwas na animo'y may naalala.

"Sydney Beh, una na pala ako. Tapos na pala ng lunch break namin sa office. I have to go. Baka sabunin pa ko ni Boss." paalam niya sa'kin, kiniss niya ko sa forehead at ginulo ang buhok ko.

'Kung di ka lang babakla bakla nako, baka kinilig na 'ko.' 

Nagbeso na siya kila Mommy at Daddy. Ni-pat naman niya sa ulo si Lucas na parang aso kaya umirap na naman ang batang 'yon. Tanaw 'kong kunot na kunot ang noo niya pagkasarado niya ng pinto. Baklang 'yon, marunong palang ma-bad mood.

Binigay sa'kin ni mommy ang binalatan niyang apple at kinain ko naman 'yon.

Naalala kong si Calvin nga pala ang huli kong nakita bago ako mahimatay kaya naman hindi ko napigilang magtanong kila mommy.

"By the way mommy, 'diba sabi nyo may tumawag sa inyo nung nawalan ako ng malay? Hindi nyo po ba nakita si Calvin dito sa hospital pagkadating niyo?"

"No dear. Sabi ng mga nurse at doctor na nag-asikaso sa'yo e may tumawag lang ng ambulance sa kanila para dalhin ka dito." sagot ni Mommy.

Ang gwapong tao non tapos hindi manlang ako personal na dinala sa hospital. Kung di ba naman siya papansin at may pakindat kindat pa siyang nalalaman edi sana hindi ako nahimatay. Pero kidding aside, naalala kong uminom nga pala ako ng depressants nung umaga, the day na nahimatay ako. Actually, hindi ko na siya natetake for I don't know how long pero nagsimula akong tumigil sa pag inom e pagkagraduate ko ng college. I still buy depressants though. In case lang. Just like now, hindi ako mapakali sa nararamdaman ko.

Para akong nawawala palagi. I knew something's missing pero hindi ko malaman kung ano. Dumagdag pa ang gabi gabing bangungot ko kaya naman hindi ko maiderecho ang pagtulog ko. There's some instances that I'll actually wake up at my bathroom. Weird, right? I know.

Lumipas pa ang ilang oras at sinabi na ng doctor na pwede na raw akong madischarge sa hospital kaya naman nag light up yung mood ko kahit konti dahil sukang suka na ako sa amoy ng room na 'to. Siguro kasi it's been a while since I got confined.

Nag-impake na yung dalwang kasambahay na pinadala ni mommy ng mga gamit ko. Inalalayan ako ni Nanay Rosie, kasambahay namin simula bata pa 'ko, dahil hindi mapakiusapan si Lucas. Diring diri ata sa'kin yung batang 'yon e. Nag thank you naman ako syempre kay Nanay Rosie nung nakasakay na ko sa kotseng nag-aantay sa entrance ng hospital.

Kaming dalawa lang ni Lucas ang nakasakay dito sa kotse maliban sa driver dahil nauna nang umalis sila mommy at daddy kanina dahil may trabaho pa sila sa company.

Binuksan ko ang phone kong kanina ko pa kapit at nagsuot ng earphones sa tenga dahil ang lakas lakas ng tunog ng nilalaro ni Lucas. Hindi makaramdam na may kasama siya. Tinatamad naman akong suwayin siya dahil mas matigas pa ata sa matigas ang bungo niyan.



Lucas' Point of View

I secretly looked at Sydney. Walang bago, parang ang dating na naman niya ay tumatakas sa mundo gamit ang mga kantang pinapakinggan niya. Nakatingin siya sa bintana at nakikita kong malalim ang iniisip niya.

Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon