Gregorio's Point of View
"Excuse me, Miss."
"Yes sir?" napangiwi ako dahil sa malanding tono nitong sales lady sa grocery store sa mall.
"Where's the vegetable section?" nagdecide akong itanong na lang dahil nagbago ata sila ng pwesto dito at tinatamad na ko magpa-ikot ikot pa.
Tinuro naman agad sa'kin nung sales lady at pumunta na ko don.
Kumuha ako ng tatlong patatas dahil paborito ni Sydney beh yung ginagawa kong mushed potato para sa kanya. Balak ko rin siyang ipagluto ng bicol express dahil ito yung comfort food niya. Di ko alam kung paano siya nacocomfort sa ganitong pagkain, gusto pa niya ay yung punung-puno ng sili. Parang sili express na ata yon e.
Pinayagan ako ni Boss, which is my father, na umabsent ngayong araw dahil ilang araw naman na akong nag-oovertime sa work para matapos ko 'yung mga pinapagawa niya para lang mabisita ko na ulit si Sydney Beh.
Isang linggo na simula nung umuwi siya galing hospital at alam kong nabobored na siya sa kanila. For sure nagkukulong na naman siya sa kwarto niya at naglilibang ng sarili.
Mailap kasi siya kila Tito at Tita. Ayaw niya palaging nagkukwento sa kung paanong dumadaan ang bawat araw niya. Ni hindi rin ako magiging updated sa boring niyang buhay kung hindi ko pa tatawagan at tatanungin.
'She used to know how to fake a smile.'
Natapos na 'kong mag-grocery para sa ingredients ng lulutuin ko para kay Sydney beh. Pumunta na 'ko sa parking lot at nilagay sa likod ang mga paper bag ng pinamili ko.
Almost 9:00 am na ako nakarating sa bahay nila Sydney beh. Baka gising na siya dahil early bird palagi 'yon pero alam kong nasa kwarto lang siya kasi nga boring ang buhay niya ngayon, walang trabaho. Kawawa naman ang baby ko.
Napangiti pa ko bago bumaba ng kotse dahil sa naisip ko.
'I really wish I can call her baby.'
Dumerecho na ako papasok sa loob ng bahay nila dala-dala ang mga pinamili ko dahil kilala naman ako ng mga kasambahay dito. Binati ko sila at nagpaalam na makikiluto ako sa kitchen nila. Actually kaya ko naisipang ipagluto si Sydney Beh dahil nakachikahan ko si Tita at sinabi niya sa'king madalas daw ay walang gana si Sydney beh at parang puyat lagi. Ang babaeng 'yon talaga, kaya lalong nangangayayat e.
Pagkatapos kong makipagchikahan din saglit sa mga kasambahay e umakyat na ako sa kwarto ni Sydney. Walang malisya naman 'to para sa kanya dahil akala niya pareho kaming babae.
'Tsk Sydney beh, gusto ko nga may malisya e.'
Ngiting ngiti na agad ako pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya at handa na sanang bumati kaso tulog na tulog pa ang prinsesa. Daig pang sinalvage nito, bulagtang bulagta pa rin sa kama. Himala yata. Mukhang totoo nga yung sinabi ni tita na palaging puyat 'tong babaeng 'to.
Dahan dahan akong tumabi sa kanya, hindi naman niya naramdaman dahil mukhang kakatulog lang ata niya. Naadik na naman siguro siya manuod ng kung anu-anong movies para malibang yung sarili niya.
Humiga ako ng bahagya patagilid at pinatong ang ulo ko sa palad ko. Pinagmasdan ko matulog si Sydney beh.
Sobrang ganda. Walang makakapantay. Masyadong perpekto ang kilay niya, Napakahaba ng mga pilik mata, ang liit at ang tangos ng ilong, pinkish na labi. Sobrang perpekto sa paningin ko. Mukhang anghel na bumaba mula sa langit.
Hinawi ko ng bahagya ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang maging maganda, ayan tuloy minahal kita ng sobra." pabulong kong sabi, nababakla na naman ako dahil di ko mapigilan yung ngiti ko.

BINABASA MO ANG
Love Once Again
RomanceWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"