Sydney's POV
*gun shots*
"Syd! Wake up! Syd!" napabalikwas ako sa kama dahil sa paulit ulit na mahinang pagsampal at pagtawag sa'kin ni mommy.
"Sht." Naibulong ko out of nowhere habang hinahawi ko ang mahaba kong buhok dahil sa nagulo ito sa biglang pagbangon ko.
"Why Syd? What happened? Narinig kitang sumisigaw mula sa baba. Nightmares again?" tanong ni mommy na may halong pag-alala habang nakaupo sya sa gilid ng kamay ko at pinipispis ng bahagya ang likod ko dahil sa pagkahingal ko.
"Nothing my. I'm okay." I smiled to assure her.
"You sure? Syd please lang, do confront me kung may nangyayari sa'yo. Palagi ka na lang ganyan. Di mo kami kinikibo ng Daddy mo. Please anak." parang naluluha nang sabi ni mommy.
"Stop it mommy. There's nothing to worry about. Balik ka na po sa baba, baka po may niluluto ka." medyo tamad na sabi ko at dumerecho sa cr ng kwarto ko para mag ayos ng sarili.
I heard her sigh right before I entered the bathroom.
Mabuti na lang at hindi na s'ya nagtanong pa. I had nightmares again, it's been haunting me ever since but I choose not to tell them. Ayoko lang silang mag-alala dahil baka lalo na kong maguilty para sa sarili ko. Pinatigil nila ako sa pagtatrabaho sa company namin sa hindi ko malamang dahilan that's why I still feel worthless at the age of 24.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ng aking banyo. Napansin kong malaki na din ang pinayat ko through the years. I'm not sick but yeah, I just don't understand myself.
Bumaba na ako sa dining table pagkatapos kong gawin ang morning routines ko. Naabutan kong magsisimula pa lang kumain sina mommy.
"Hoy Syd, bakit ngayon ka lang bumaba? VIP? Umupo ka na dito bilis."
"Lucas! Umayos ka nga. Mahirap bang mag ate sa kanya? Mind your food please." saway ni mommy sa nakababata kong kapatid na walang manners. It's okay for me though.
"None of your business, kiddo." medyo nang-aasar na sagot ko tanong n'ya kanina. He's 17 already pero trip na trip kong tawagin s'yang kiddo. He's just like one. Immature shit.
Umupo na ko sa tabi ni Lucas na umirap pa sa'kin. Napaka-isip bata talaga.
"S'ya nga pala Sydney, pinaplano namin ng mommy mo na ibalik ka na sa company next year so be ready, matagal tagal ka na ring hindi nagtatrabaho." pagsira ni daddy sa katahimikan.
"Why not now Daddy? Bulok na bulok na ko dito sa bahay." sabi ko naman na may halong pagbibiro.
"Mas okay nang nandito ka muna sa bahay Syd. Magpahinga ka, mabilis lumpipas ang isang taon." sabi ni Daddy sa tonong ang ibig sabihin ay hindi na dapat ako sumabat pa sa mga plano n'ya.
I wanted to say matagal na 'kong nagpapahinga at nasasawa na ko magpahinga pero tinatamad na 'kong magsalita at makipagtalo pa.
Tinapos ko na kaagad ang pagkain ko at umakyat sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko sa table malapit sa kama ko. May 2 missed calls ako at 1 unread message.
From: Crazy Jacqui
'Hey gurl. Alam kong nabuburo ka na dyan sa mansion n'yo. Tara kain. I'll wait for you dito sa mall, same spot.
Napangiti ako dahil at least, I still have one friend na isesave ako sa boredom. Nagreply ako sa kanya and told her that I'll be there in an hour since hindi pa ko naliligo. Jacqui's my bestfriend since we're in high school. May iba pa naman kaming friends from high school and college but we're the best of friends.

BINABASA MO ANG
Love Once Again
RomanceWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"