Sydney's Point of View
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Greg. Katulad nga ng inaasahan ay ako ang nagdrive at inihatid ko siya sa bahay nila. Mahina nga pala sa alak ang isang 'to, bakit ba inakit ko pa.
Tumawag na lang ako sa bahay at sinabing hindi muna ako makakauwi dahil kailangan kong asikasuhin si Greg. Ayoko namang ipaubaya ang pag-aabyad dito sa lalaking 'to kila Tito at Tita. Ako ang nag-akit mag-inom so I should take the responsibility. Wala namang problema kila Daddy dahil may tiwala sila kay Greg at sa'kin syempre.
Pinupunasan ko siya ng isang face towel na inlublob ko sa maligamgam na tubig para mahimasmasan siya ng konti. Pulang-pula na ang mukha niya at tenga. Nangungunot din ang noo niya at umuungol na sa kalasingan.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-amin sa'kin ni Greg kanina. Alam kong may nararamdaman na siya sa'kin since highschool pero hindi ko 'yon pinansin dahil ayokong maging awkward kami sa isa't-isa. Hindi naman na ako nagulat pero ang hindi ko inaasahan ay ang malulungkot niyang mata.
Hindi ba't pag nagmamahal ay masaya?
Masaya nga ba? Hindi ko alam.
I've never been in love. Ata? Hindi ko na maalala.
Ang isa pang nakakuha ng atensyon ko sa mga sinabi niya ay ang pagbanggit niya kay Calvin. Hinahanap ko nga ba siya tulad ng sinabi ni Greg? Hindi naman sa palagay ko.
O siguro naliligaw na naman ako sa sarili ko.
Bakit ba kasi kailangang makilala ko pa si Calvin? Simula nung dumating siya ay gulong-gulo na ako. Natatakot akong magtanong nang magtanong sa kanila dahil para bang nagiging cautious sila pag si Calvin na ang pinag-uusapan. Sino ba talaga siya?
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang dahan-dahang nagmulat ang mata ni Greg. Nandon pa rin yung lungkot. Ano bang problema?
"Sydney?" ang lalim ng boses niya.
"Hmm?" hinahaplos ko ang malambot niyang buhok dahil feeling ko kailangan ko siyang i-comfort.
"Bakit si Calvin pa rin?" eto na naman ang maluha-luha niyang mata. Nakakaawa siya tingnan dahil parang naghalu-halo na ang lungkot, pagod at sakit sa mga mata niya.
"What do you mean?" Si Calvin pa rin? Naka-encounter ko na ba talaga siya dati?
"Masaya ka pa rin ba sa kanya?" garalgal na ang boses niya. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang mga sinasabi niya. Naguguluhan na ako lalo.
"I've been trying to make you happy these past 2 years. Pero.. Parang hindi effective." napatawa siya nang bahagya pero biglang naging cold na agad ang aura niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
'Past 2 years?'
"Calvin.. is a complete jerk. Hindi ko alam kung anong meron sa siraulong 'yon at paulit-ulit mo siyang pinipili e ako naman palagi yung nasa tabi mo simula pa lang. Bakit Sydney? Mahirap ba 'kong mahalin? Bakit ba kung kelan ako nagkakaron ng lakas ng loob na umamin sa'yo, saka siya dadating? Hindi ba pwedeng ako muna? Mas kaya kitang mahalin." umagos na ang luha niya at mabilis niyang itinakip ang braso niya sa mata niya.
Niyakap ko siya kahit hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari. Gusto ko nang magtanong kung ano ba si Calvin sa buhay ko pero mas nangunguna ang pag-aalala ko sa kanya. Silang dalwa lang ni Jacqui ang naging kaibigan ko ng matagal.
"Shh.. hindi ko alam ang mga nangyaring 'yon pero Greg, mahalaga ka sa'kin kahit anong mangyari." ito na lang ang tanging alam kong sabihin dahil baka nalilimutan niyang mahalaga siya sa'kin dahil kaibigan ko siya.
BINABASA MO ANG
Love Once Again
Roman d'amourWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"