Sydney's Point of View
Tanging tunog ng hangin ang naririnig
Sa musika'y tahimik tayong nakikinig
Hindi ko alam pero para bang puso ko'y ni-yanig
Nahanap kita ngunit ako naman ang naligaw
Lalong lumalakas ang mga palahaw
Hindi na maintindihan ang bawat galaw
Nasa tabi kita ngunit parang hindi kita matanaw
Para bang ang langit at lupa ay nagtagpo
Ngunit biglaan ding pinaglayo
Masaya.
Iyan lamang ang nararamdaman t'wing ika'y kasama.
Ang liwanag mo ang siyang naging tahanan ko.
Nilayo mo ako sa kadilimang aking binuo.
Ngunit..
Palagi na lamang may ngunit kasunod ng kasiyahang paulit-ulit binabalik.
Nakulong ako sa mga ala-ala.
Ala-alang masasaya ngunit para bang ayoko nang balikan pa.
Pati aking sarili'y hindi ko na makilala
Sino ako?
Sino ka?
Bakit nandito ka?
Ano ba tayo?
Minahal na ba kita?
Bakit mahal pa rin kita?
Dinala ako ng mga katanungan sa kadilimang binuo ko noong una pa lamang.
Para bang bumalik ako sa lugar na kinalimutan ko nang daanan.
Lugar kung saan gusto ko nang lumisan.
Lugar na puno ng ala-ala.
Bakit dito mo pa ko dinala?
Alam mong pinagtago lang tayo ngunit kumakapit ka pa.
'Tama na.'
BINABASA MO ANG
Love Once Again
RomanceWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"